CHAPTER 24: Thoughts

12.2K 405 31
                                    




Napapaisip ako ng malalim habang nababagabag sa mga susunod na mangyayari. Paano ko pa masasabi ang lahat kay Hellard kung mahuhulog siya sa ibang babae? 



Hindi maaari yun,napaka-unfair nito sa part ni Ava dahil nawalan ng alaala itong si Hellard at hindi niya maalala na girlfriend niya si Ava.



Napahilot ako sa aking sintido tsaka napa-isip, kelangan kong pigilang mahulog ang loob ni Hell sa babaeng yun, hindi mali! Pipigilan kong tuluyang mahulog ang loob ni Hell sa babaeng yun!



Tama!




[SHANE]



Napabahin ako bigla habang naglalakad papasok kasama si bessy, mukhang sisipunin ata ako ha.



"Okay ka lang bessy?" nag-aalalang tanong ni bessy nang humawak ito sa aking balikat at sinilip ang aking mukha.



"Oo bessy, okay lang."



"Agapan mo na yan."



"Okay sige. Inuman ko ng gamot mamaya."



5 PM at papasok pa lang kami ngayon sa University na pinapasukan namin, nakakatamad ngang pumasok dahil dalawa lang ang subject namin ngayon at puros masasakit sa sintido dahil parehong terror ang guro namin.



Remember yung professor na sinasabi ko sainyo na nagpaakyat-baba sakin sa hagdan? Oo, siya ang professor namin ngayon kaya medyo nakakawalang gana. Pero dahil sa kelangan kong makatapos, wala akong magagawa kundi ang mag-tiis na pumasok, last year ko na rin naman ito eh, magpapakasipag na rin ako kahit papano.



Sabay naming tinungo ang hagdan ni bessy paakyat sa fourth floor nitong  building dahil doon ang una naming klase, habang binabaybay ang maluwang na hallway ay nadadaanan naman namin ang mga nagkalat na first year student na kahit saang sulok ay nakaupo at nagku-kwentuhan, nagkukulitan, nagcha-charge ng cellphone at naghaharutan. Sobrang crowded tuloy ng hallway.



Nang makarating sa room, agad naming tinungo ang silya namin ni bessy na magkatabi at naupo dito, lumapit na rin samin ang mga babae naming kaklase at tsaka kami nagsimulang magkwentuhan.



"Alam niyo bang after ng graduation plano nang lumipad papunta ng Australia nitong pamilya ni Kayezel, ang gara diba?! Kayo, ano plano niyo?" tuloy-tuloy na untag ni Megan habang nakangiti samin.

PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon