CHAPTER 68: A Diversion Plan
[SHANE]
"Bessy okay ka na ba?" pagbasag ni bessy sa katahimikang namutawi sa aming dalawa habang nasa loob ng sasakyan. Inangat ko ang aking ulo mula sa pagkakayuko at mataman siyang tiningnan.
"Kinakabahan ako bessy. Hindi ko alam kung bakit." pagsasabi ko sakanya ng totoo. Kinakabahan ako dahil sa pagtakas na ginawa ko pero maliban dun may nararamdaman pa akong iba. Hindi maganda.
"Wag ka na kabahan. I'm sure Arkin will understand why ginawa mo ito. Mahal ka naman nun kaya maiintindihan ka niya." hindi pa rin nagawang kumalma ng aking kalooban dahil sa sinabi ni bessy. Para bang hindi niya naipunto ang mismong dahilan kung bakit ako kinakabahan ng ganito. Maybe I'm just overreacting dahil first time ko itong gawin.
Nasa ganoon akong pag-iisip ng biglang magring ang phone sa bulsa ko, nang tingnan ko kung sino ang tumatawag ay nag-alangan ako agad na sagutin.
"Manager mo, mukhang alam na rin nila." nakasilip sa phone ko na sabi ni bessy. Tinitigan ko lang ang screen ng phone ko hanggang sa matapos ang tawag, matapos ng ilang segundo ay tumawag ulit ito. Nakailang ulit pa ang pagtawag ni Manager sa phone ko pero di ko pa rin ito sinagot kaya kusa na lamang itong tumigil.
Napanatag ako dahil dito pero ang kabang nasa dibdib ko'y di pa rin naaalis.
Nagpatuloy kami sa byahe at natatandaan ko ang daang tinatahak namin. Daan ito papunta sa dating bahay namin noon sa subdivision sa Makati. Yung subdivision kung saan pareho kaming naninirahan ni Chase? Naaalala ko pa noong aksidente kaming magkita sa may basketball court. Tsaka ko na lang narealize kung gaano kapangit ang aking mukha sa mga oras na iyon. I tried to erase that memory from before dahil mukha pa akong tanga noon but then I realized it was one of the most memorable part of meeting him.
After this one, I gotta face him again. . .Marami kaming dapat pag-usapan. Though hindi ko alam kung saan magsisimula at kung sa papaanong paraan magtatapos. Paano ko nga ba dapat tapusin ang kung ano mang meron sa amin? This is definitely unfair for Arkin. Siya yung taong palaging nandyan sa akin pero ibang tao pa din ang iniisip ko. The first step to become a better wife is to set aside the past and focus on your future with him.
Things might not end up like I wanted too but I guess, ito talaga ang kapalaran naming dalawa. Though Patricia is now out of the picture di ko pa rin masabi kung ikalulungkot ko ba ito o hindi, may mababago ba sa pagkawala niya?
"Bessy...Parang kanina pa nakasunod sa atin ang pulang kotse na yun oh." bumalik ang naglalakbay kung diwa ng higitin ni bessy ang aking braso at itinuro ang kotse sa aming likuran. Sinundan ko naman ng tingin ang kotseng tinuturo niya at pinagmasdan itong mabuti.
BINABASA MO ANG
PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)
RomansaTotoo bang nabuhay si Chase mula sa aksidente? Si Chase at si Hellard ba ay iisa? Muli bang magkakaroon ng karugtong ang pagmamahalan nilang naudlot dahil sa aksidente?