CHAPTER 7: They Meet Again

16.7K 452 18
                                    



[TARA]




Lumabas ako ng kwarto ni bessy na para nang kamatis dahil sa galit, nagtuloy-tuloy lang ako palabas ng bahay nila at di ko na nagawang magba-bye pa kay tita.




Naiinis ako eh! Ang akala niya ba di ako nahihirapan sa sitwasyon niya?! Ang akala niya ba wala akong pakialam sakanya?? Di niya lang alam kung gano naghihirap ang kalooban ko sa nangyayari sakanya.




Napaupo ako bigla sa gilid ng kalsada tsaka niyakap ang tuhod ko at doon na umiyak. Para nga akong baliw ngayon eh pero di ako tinatablahan ng hiya dahil ang gusto ko lang ay umiyak at ilabas tong sama ng loob ko sa bessy ko.




First time kaya naming mag-away na tipong nagsisigawan na. Palagi naman naming napag-uusapan ang mga problema noon eh pero ngayon bakit parang ang hirap na para saming dalawa? Ang laki na talaga ng nabago sa amin sa 5 years na lumipas, di ko namalayan na ganito na pala kami ngayon.




"WAAAAAHHHHHHHH!!!!!!!" sigaw ko sa inis. Para akong nagwawalang baboy ngayon at pasigaw-sigaw pa, ewan ko ba pero gusto ko lang talaga ilabas tong lahat.




Ni hindi niya nga siguro alam na break na kami ni John eh, dahil wala siyang ibang inisip kundi si Chase, Chase, hindi naman ako galit kay Chase, it's just that, nakalimutan na ni bessy ang mga tao sa paligid niya dahil kay Chase. It's not fair saming mga nagmamahal sakanya, lalo naman sakin.




After Chase death, hindi ko na siya narinig na kinamusta ang buhay ko, hindi ko na siya narinig na sabihan ako ng I love you bessy at ingat ka pag-uwi, hindi niya na ako magawang yayain sa mall kasi palagi na siyang mag-isa kong lumabas ngayon at alam niyo ang pinakamasakit sa lahat?




Ang kalimutan niya ang friendsary naming dalawa.





Ang sakit talaga.





[SHANE]




Nang makaalis na si bessy, tsaka ko lang na-realize ang lahat ng masasakit na salitang sinabi ko sakanya. Hindi ko man lang siya pinakinggan sa mga sinabi niya, pinangunahan ako ng galit at pangungulila kay Chase. Sobra na ata talaga ako.





Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko tapos naupo ako sa gilid ng kama, tumingin ako sa malayo at inisip ang mga kakulangan ko bilang kaibigan.




Madalang ko nang kausapin si bessy tungkol sa mga nangyayari sa buhay niya, ni hindi ko nga alam kung sila pa ng boyfriend niya, hindi ko na rin alam kung ano ba ang bago sakanya, kahit ang buhok niya na bagong gupit ngayon ko lang din napansin.




Wala na akong kamuwang-muwang sa paligid ko simula ng mawala si Chase, parang kulang na lang din itaboy ko sila palayo sakin. Sila Cris, hindi ko alam kung ano na ba ang mga propesyon nila ngayon, may bago ba sa buhay nila at si Arkin, imbes na ma-appreciate ang regalo niya sakin, nagalit pa ako.




Napabuntong-hininga ako sa sobrang pagka-desmaya sa sarili, hindi ko akalaing ganito na pala ako sa paningin nila, kung di pa sinabi sakin ni bessy di ko pa mapagtatanto ang lahat-lahat.




Hinilamos ko na lang ang mukha ko sa mga kamay ko, babawi ako kay bessy, magso-sorry ako sakanya, bukas na bukas din at lalo na kay Arkin.






* & * & * & * & *





Kinabukasan, pumunta ako sa bahay nila bessy, nung una, ayaw pa akong papasukin ng mommy niya kasi ayaw daw akong makita pero sa kakapilit ko, pinapasok niya din ako.




Kumatok ako sa kwarto ni bessy tsaka binuksan ang pinto at pumasok na sa loob, tiningnan ako ni bessy pagpasok ko pero umiwas din agad ng tingin. Halata sakanya na may tampo pa rin siya sakin, di ko naman siya masisisi, kasalanan ko naman talaga.




Lumapit ako sakanya at hinawakan siya sa balikat, hindi siya lumingon sakin nun kaya naupo na lang ako sa tabi niya.





"Bessy, sorry na. Sorry kung nasigawan kita kagabi, hindi ko talaga sinasadya. Sorry din sa mga masasakit na salitang sinabi ko bessy. Please, patawarin mo na ako." nang silipin ko ang mukha niya tsaka ko lang napansin na umiiyak pala siya, lumuhod ako sa harap niya at iiwas pa sana siya pero pinunasan ko na ang luha sa pisngi niya.




"Bessy, sorry na talaga." sa wakas at tiningnan niya na rin ako, lukot pa ang noo niya pero bakas ko naman sa mga mata niya na napatawad niya na ako.





"Sige na nga, di naman kita matitiis eh." sabi nito sakin tsaka niya na ako niyakap, niyakap ko lang siya pabalik.





"Sorry talaga bessy, di na yun mauulit promise."





"Naiintindihan naman kita eh, sorry din." kumalas kaming dalawa sa pagkakayakap at ngumiti sa isa't-isa, nabawasan naman ako ng mabigat na feeling kasi bati na kami ni bessy. Di ko kasi kayang matiis itong si bessy kahit isang araw lang, para ko na siyang kapatid kaya ayokong may hindi kami napagkakaunawaan.





"Nga pala bessy, nagsorry ka na ba kay Arkin? I'm sure his upset right now." sa sinabi niya tsaka ko pa lang naalala si Arkin, muntik ko nang makalimutan na kelangan ko din magsorry sakanya.





"Sige, tutulungan kitang hanapin siya." Tumayo na siya sa kama tapos dumiretso ng banyo at naghilamos, namamaga kasi ang mata niya, kakaiyak siguro, after nun, nagbihis na siya ng panglakad, jeans at t-shirt lang naman ang sinuot niya tapos naka-converse din siya katulad sakin.





"Teka bessy, pano naman natin siya hahanapin?" hinimas niya yung baba niya habang nag-iisip, ako naman nakatingin lang sakanya at nag-aantay sa isasagot niya.





"Hmmm, bakit kasi di mo kinuha yung number niya bessy." sabi nito sakin, napa-shrug na lang ako kasi wala akong maisagot. Hinila niya na lang ako palabas ng kwarto niya tapos nagpaalam kami kay tita na lalabas lang saglit.





Ang akala ko nga kung saan kami pupunta sa bahay lang pala ulit namin.





"See, no need to look for him, look who's standing in front of your gate." Agad akong napatingin sa may gate namin at may nakatayo doong matangkad na lalaki,nakasuot ng black fitted formal jacket, nakashades at nakacap, well obviously, it was Arkin.




"Lapitan na natin siya!" sabi ni bessy kaso parang nahihiya akong lumapit, after all those things na sinabi ko sakanya kagabi, nakakahiya sakanya!





"Nahihiya ako bessy eh." nahihiyang sabi ko kay bessy pero parang di ako narinig at hinila na lang bigla papunta kay Arkin.






Nagulat si Arkin ng makalapit na kami sakanya, inalis niya ang sunglasses niya tapos yung mata niya parang sobrang lungkot, I think kasalanan ko kung bakit.





"Shane I'm sorry. Forgive me please?" bungad niya sakin, umiling-iling lang ako sakanya tsaka ngumiti.




"Ako dapat mag-sorry Arkin, I'm sorry kung nasigawan kita kagabi, yung tungkol sa gift mo, hindi ko na siya isusuli, I'll keep it na lang and promise, aalagaan ko ang mga yun. Thank you Arkin." sinabi ko sakanya ng nakangiti.





A smile formed in his lips after niyang marinig yung mga sinabi ko, nabigla nga ako ng yakapin niya ako and he keeps on saying thank you.




"Oo na Arkin, please, let go." after saying that, umalis na siya sa pagkakayakap sakin, inayos niya ang sarili tapos ngumiti.




"So, maayos na ulit ang lahat, everybody happy??" natawa kami sa sinabi ni bessy tapos tumango na lang. Niyaya ko silang pumasok sa loob ng bahay namin at nagusap-usap lang kami sa garden.





Niyaya din namin sina Cris na pumunta pero may trabaho daw sila kaya next time na lang, kaya ayon, kami na lang tatlo ang nagusap. Kanina pa nga may tumatawag sa cellphone ni Arkin pero di niya ito sinasagot, baka nga manager niya yun eh.





Maraming na-open na secrets samin si Arkin tungkol sa mga actors and actresses na friends niya, pero secret namin yun kaya di ko pwedeng sabihin.





"By the way, Do you want to become a model Shane?" tanong ni Arkin sakin. Model? Ako?





"Nge, no thanks Arkin, hindi naman ako mala-modelo no. Itong si bessy pwede pa." sabay hawak sa mga balikat ni bessy at iniharap sakanya.





"Di ko tatanggihan yan Arkin! Model ba nang ano?" excited na tanong ni bessy sakanya.




"Fashion dresses, you can walk on the run way too on special occassions, this might be the chance for you two to go abroad." nagningning ang mga mata ni bessy sa sinabi ni Arkin, kitang-kita sakanya na nai-imagine niya ang sarili sa runway at pinagkakaguluhan ng mga media habang naglalakad siya sa gitna.




"YAAAAHHH!! BESSY!!!! NARINIG MO YUN!" tumatalon sa tuwang sabi ni bessy sakin habang nakahawak sa dalawa kong kamay. Na-excite din naman ako sa sinabi ni Arkin na makakapunta kami ni bessy sa ibang bansa pero pano yung pag-aaral namin?




"Ayoko talaga eh. Mapapabayaan natin yung pag-aaral niyan bessy."





"Ano ka ba, hindi naman siguro." naging puppy eyes bigla ang mga mata ni bessy, nangungusap at parang sinasabi na pumayag na ako kaso ayoko talaga.





"Ayoko talaga bessy eh, sorry." ayokong pumasok sa isang sitwasyon na hindi ko pa kelan man nasubukan o first time ko pa lang masusubukan, siguro nga masaya siya pero maraming magbabago sa buhay ko pag nangyari yun.





"Think about it Shane. I'm sure they'll like you." singit ni Arkin sa aming dalawa tsaka ngumiti.





Ngumiti na lang ako kasi sa sinabi niya di ko na tuloy alam ang isasagot, pwede ko pa rin naman palang pag-isipan eh, hindi naman kelangang magmadali.




* & * & * & * & *




"Can I pick you up tomorrow?" tanong ni Arkin sakin habang nasa tapat kami ng gate, uuwi na kasi sila ni bessy at maggagabi na. Ihahatid na nga lang nila si bessy eh.





"Huh? Bakit? Saan naman tayo pupunta?" nagtatakang tanong ko sakanya.





"We will go on a date?" patanong na sagot niya sa tanong ko, parang inaantay niya ang magiging sagot o reaksyon ko sa sinabi niya. Total naman may kasalanan ako kay Arkin, papayag na akong lumabas kasama siya, makabawi man lang ako sakanya.





"Ok." Nag-lighten up bigla yung mukha ni Arkin dahil sa sagot ko, ewan ko ba sakanya, hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin pinaniniwalaan na nanliligaw siya.





"Thanks Shane, I'll pick you up tomorrow. See yah!" nagwave na siya tsaka sumakay sa kotse at sinara naman ng chauffer niya ang pinto ng kotse tsaka na rin ito sumakay sa driver's seat. Binuksan nila yung tainted window ng kotse tapos nagwave ulit silang dalawa sakin ni bessy kaya nagwave back ako tsaka na sila tuluyang umalis.





Napangiti ako at huminga ng malalim, sa wakas, bati na kami ni bessy at ni Arkin.





Kinabukasan, maaga na naman akong sinundo ni Arkin at napapadalas na rin ang pagpunta niya sa bahay at pagdalaw sakin, nagdadala siya ng mga prutas, bulaklak, chocolates at kung anu-ano pa na dinadala ng nanliligaw.





Sa mga nagdaang-araw, parang unti-unti na akong natutuwa sa mga ginagawa ni Arkin, nakakalimutan ko na rin ang problema at parang unti-unting naibabalik sakin yung pakiramdam na buhay si Chase sa katauhan ni Arkin. Hindi ko na rin gaanong naiisip pa si Chase at kahit hindi ko na siya ulit nakikita, parang nagiging ok na rin sakin.





Limang araw na sunod-sunod na kaming lumalabas at ngayon nga, ang pang-anim na araw. Ngayon naman sa isang restaurant sa Tagaytay niya ako dinala, dinner date daw namin to.




"Do you like the place?" he asked.




Inikot ko muna ng tingin ang buong paligid bago sumagot sa tanong niya, "Yes, it's beautiful and peaceful." tsaka ako ngumiti sakanya.




"I'm glad you liked it, one of my assistant suggested this place. Let's go inside?" tumango lang ako bilang sagot kaya pumasok na kami.





[HELLARD]




 
So, here I am, stuck in a blind date sa mismong restaurant ng tito ko dito sa Tagaytay, I don't know why dito pa ang place na napili ni mom at dad, pwede namang doon na lang sa Manila, may tito din naman ako dun na nagmamay-ari ng restaurant, but I must say, the place is beautiful and peaceful. My tito's restaurant kasi is located along the ridge of Taal Volcano.

PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon