Chapter 38: Add New Ones

17.7K 448 48
                                    



I want to dedicate this chapter to Ellainesvntn. I saw your message in my message board sweetie and I was really stunned when I read it.  You said that PMS deserves to be in line with She's dating the Gangster and Talk Back and Your Dead. That's an honor and sobrang nakakaflatter dahil nasabi mo iyan. Pero I think that's a big word. Marami pa po akong kailangan matutunan sa pagsusulat at madami pang flaws ang mga stories ko. Maybe one of this days I'll be worthy of such praise. Thank you sweetie and Godbless. <3


#sweetmoments


Chapter 38: Add New Ones



Maaga akong bumangon sa kama which is very unusual para sa akin. Alas sais pa lang ng umaga ay nag-aalmusal na ako sa kusina mag-isa.



Tulog pa kasi ng ganitong oras si mom at dad dahil madaling araw na sila nakakauwi galing trabaho.



Nagluto lang ako ng pancakes at nagtimpla ng mainit na tsokolate para sa umagahan. Medyo lutang pa ang aking pag-iisip at nakatingin lang ako sa screen ng aking cellphone.



Makailang minuto ay nagbeep ito. Binuksan ko ang mensahe ng nagtext sa akin at binasa ito.



Calix: Everything is set for our departure on the 20th of April. I hope your decided already.



Pumakawala ako ng malakas na buntong-hininga. Sumandal sa upuan at nawalan ng gana. Si Calix pala ang nagpapadala sa akin ng mga mensahe n'on, gusto niya akong balaan tungkol sa gang na sinabi niya. Saglit ko itong winaglit sa isip at ibinalik ang pansin sa issue ngayon.



Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapagdesisyon kung sasama ako o hindi, kung tutulungan ko ba sila o hahayaan na lamang silang umayos nito. Binabagabag ako sa mga maaaring mangyari at kinakabahan. Walang kasiguraduhan kung mapagtatagumpayan namin ang plano nila.



At si Patricia? Ayoko na siyang makita pa. Hanggat maaari, gusto kong habangbuhay na siyang di makita. Sariwa pa rin sakin lahat ng ginawa niya limang taon na ang nakararaan. Siya ang naging dahilan kung bakit umabot lahat sa ganito. Siya ang puno't-dulo ng gulong ito.



Ayokong magtanim ng galit pero hindi ko maiwasan. Lalo pa't ngayon ay nakikita na ang epekto ng kanyang ginawa. Ngayonnaman ay malalaman kong hawak niya si Hellard na pinagkamalan niyang si Chase.



Akala ko tumigil na siya, akala ko nanahimik na siya. Akala ko natauhan na siya pero mali pala ako. Nanahimik siya dahil akala niya panalo siya. Dahil akala niya nakuha niya si Chase pero nalinlang din siya at marahil hanggang ngayon ay wala pa rin siyang alam.



Paano kaya kapag nalaman niya ang katotohanan? Manggugulo na naman ba siya? Paghihiwalayin na naman ba niya kami ni Chase?

PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon