Chapter 41: Commencement Rites

18.3K 414 33
                                    



Hi sweeties! Sorry sa napakatagal na update. I suffered from a 'writer's block' you see. XD So I needed to unwind a bit. Good thing I'm back at napahaba ang update ko. hahaha. Plano ko sanang hatiin sa dalawa pero gift ko na ito sainyo. Para mahaba-habang basahan. Enjoy reading sweeties. Lovelots. <3 Wala pong edit-edit yan. LOL



#PMSBOOKII

#WAYBACKTOLOVE



Chapter 41: Commencement Rites



[SHANE]



Muntik ko ng mabitawan ang hawak kong tray dahil sa binungad niyang tanong sa akin. Nagkatitigan lang kaming dalawa na halos umabot ng limang minuto. Siya ang unang nakabawi at tumayo sa pagkakaupo. Lumapit siya sa akin at kinuha ang tray na hawak ko.



"Be?" untag niya sa akin na nagpabalik sa aking naglalakbay na diwa.



Sasabihin ko ba sakanya kung sino si Patricia? Paano ko ipapaliwanag ang lahat-lahat sakanya? Kailangan pa ba? Sigurado akong kukulitin niya akong sabihin ang lahat. Sa ayaw ko man o hindi mapipilitan akong magsalita.



Why did I even put her name on that book I made?! Ang tanga ko lang talaga. It's supposed to be our lovestory at walang kasamang extra.



"Be, answer me. Did I really cheated on you? Did we by any chance broke up?" nataratanta ako bigla sa tanong niya kaya napasagot ako ng de oras.



"O-Ofcourse not! H-Hindi tayo nagbreak ano ka ba. Nagkaroon lang tayo ng little misunderstanding no'n dahil sakanya." napatungo ako pagkatapos. Katahimikan ang sumunod at makailang minuto lang ay narinig ko ang kanyang buntong hininga.



"Did I already said sorry?" napatunghay ako sakanya, hindi makapaniwalang iba ang sasabihin niya. Mas inaasahan kong magtatanong siya ng dahilan kung bakit kami nag-away noon. Siguro mas mabuti na rin ito, hindi na rin naman kailangan pang ungkatin ang tungkol sa bagay na iyon. Ang kailangan dun ay tuluyang ibaon sa limot.



Ngumiti ako sakanya ng matamis bago sumagot, "You already did. At kahit hindi pa man, patatawarin pa rin kita." He smiled back tsaka binaba ang tray sa kama at niyakap ako ng mahigpit.


Kahit ilang beses niya na akong nayakap pakiramdam ko ito pa lang ang pinakauna. Yung pakiramdam na nasisiyahan ka, kinakabahan, nananabik at natataranta. Lahat sila sabay-sabay kong nararamdaman kapag malapit siya.



Hindi pa rin talaga ako makapaniwalang nagawa ko siyang mahanap muli. Hindi literal na hinanap pero siguro ang tamang salita ay pinagtagpo. Ang sarap lang sa pakiramdam ulit-ulitin. Kahit pagsawaan pa ng ibang tao ang mga sinasabi ko hinding-hindi ako magsasawa pakinggan ito ng paulit-ulit sa utak ko. Mas maganda pa rin kasi yung nagbabalik tanaw ka. Yung babalikan mo yung naramdaman mo ng mga oras na iyon, yung naging reaksyon mo at yung emosyong hindi napigilang kumawala ng mga panahong iyon.

PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon