Chapter 63: Batangas Shoot Part 1

8.9K 280 59
                                    



Here are the First Batch winners para sa palarong naganap sa group sa facebook. Congratulations sweeties! Nilma Dumlao Collado, Cj Abalos, Danica Bonifacio, Angel Morales-Montallana, Richelle Anturpia Gatdula,  Zharina Delos Reyes, Jullianna Sapphire FajatinVerget Mag Ogtong, Rengie Yap, Acuo Czii Tintin and Kristal Joy Faustino.


God bless always. <3 


* * * 


Sorry for the long wait sweeties! Busy much na ako ngayon sa trabaho dahil sa bagong schedule kaya madalang na ako mag online at gumawa ng update. Pagpasensyahan niyo na ang pagong na updates! I love you all. <3 


Chapter 63: Batangas Shoot (Part 1) 


[CHASE]


Mabilis lumipas ang mga araw at heto nga ako't nag-iimpake na ng mga dadalhin ko para sa lakad namin bukas. May mga pagkakataon na gusto kong magbackout at wag na lang sumama sa Batangas pero kapag nakikita ko si Shane sa aking isip nagkakaroon ako ng dahilan para sumama.



Kung hindi lang kasi sa mga dala-dala kong damit ngayon hindi ako magdadalawang-isip na sumama. Naiinis na talaga ako ng sobra! Grabeng pagtapak ito sa pagkalalaki ko!



"Wag ka ng mag-inarte dyan! Anong gusto mong dalhin mga t-shirt at swimming trunks panlalaki? Eh kung di ka naman baliw edi nahuli ka! C'mon Chase! Pinamili pa namin ni Hell ang mga yan kahapon."



Bumuntong hininga ako't pabagsak na nahiga sa aking kama. Gusto kong magwala ngayon pero wala akong magawa. I can't back out now! Nahihirapan man ako sa ginagawa kong pagpapanggap pero unti-unti na ulit akong napapalapit kay Shane sa katauhan ko bilang si Chaselle.



I need to consider Tara's point back at the bar pero I don't want to regret again and let this chance slip to my hands. I wouldn't want to think that Shane is going to hate me more kapag nalaman niya kung sino talaga ako. Alam kong nagkakaroon na siya ng hinila pero as long as hindi niya pa nalalaman wala pa naman akong dapat problemahin.



"Ava, sinabi ko naman ba kasing bumili ka ng two piece?! Anong gagawin ko dyan?! The heck I'll wear that thing! Alisin mo nga yan sa bag ko."



"Wag ka ngang epal! Anong gusto mong ilagay ko dito brief and boxer shorts?! Syempre ito ang ilalagay ko dito tapos yung undergarments mo ikaw na bahala kung san mo ilalagay! Isip-isip din ha!" singhal nito sa akin tsaka isiniksik ang mga pinamili nilang undergarments na pambabae sa bag.



Pumikit na lang ako at hindi na nagsalita.



"Ahmm. C-Chase... Wala ka bang nakatagong boxer ni Hell. Hihihi... Remembrance lang." napabalikwas ako ng tayo sa kama at gulat na napatingin sakanya.

PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon