Chapter 28:Found Him

11.4K 455 122
                                    



Hi janlen04! Ikaw ang unang nagcomment sa chapter 27 kaya sayo ko idi-dedicate ang chapter 28! HAHAHA. Salamat sa read, keep reading, voting and commenting. LOL



~jeanny



* * * * * *



[BLOOD]



Is she dead serious?! Ano naman ang gagawin ni Hellard sa burol? At pano niya nasabi na nandun nga siya? Bakit sabi nito'y malakas ang kutob niyang naroon ito?



I can't understand her pero sinunod ko na lang siya at ngayo'y tinuturo na nito ang daan papunta sa bundok. Sobrang dilim na at wala nang mga sasakyan na dumadaan sa gawing ito, pundido na rin lahat ng ilaw sa mga poste at tanging liwanag na lang na nanggagaling sa buwan ang nagbibigay ng liwanag sa tinatahak naming daan.



"Are you sure about this Shane? Bumalik na kayo tayo, sobrang delikado na dito." usal ko nang saglit siyang tiningnan tsaka ulit ibinalik ang tingin sa kalye.



"Dumiretso ka lang. . .malakas ang kutob ko na nandito siya." seryosong ani niyang nakapokus lang din sa daan.



Bumuntong hininga ako at siguro nama'y walang masama kong pagbibigyan ko siya. Tama na rin siguro ito para matigil na ang mga pinagsasabi niya at mapatunayang magkaibang tao si Chase at Hellard, pero pakiramdam ko talaga di tamang isinama ko pa sila sa paghahanap. Nakakadagdag lang kasi ito sa oras ko eh.



Paano pala kung nakauwi na pala yun o di naman kaya naisipang sa bahay na lang muna namin manatili?! Nakakainis naman kasi! Nakalimutan ko yung cellphone ko sa kama sa sobrang pagmamadali kanina.



"Bessy, nakakatakot na dito, baka may aswang o multo pang magpakita satin dito. Huhuhu. . .nakakatakot!!! Bumalik na tayo!" daing ng kasama niyang nakakapit na ng mabuti sa passengers seat.



"Bessy, walang aswang o multo dito, wag mo kasing takutin ang sarili mo. Isa pa, malapit na tayo." ani niya sa kasama tsaka hinawakan ang kamay nito na nakahawak sa sandalan ng upuan. Bakas din sa mukha nito ang takot pero pinipilit pa rin nitong maging matapang.



She's amazing . .



Nang maisip ko ang sinabi'y bigla akong umiling-iling, this is not right!



"What if wala ngang ganon pero may mababangis naman na hayop? Anong gagawin natin??" nangangambang tanong ko din dahil kadalasan naman ng mababangis na hayop ay nakikita sa gubat o bundok.



Bakit ba kasi siguradong-sigurado siyang nandito si Hell eh kung tutuusin ay wala naman siyang alam tungkol dito. Pinapanindigan pa rin ba niya yung sinasabi niya noon na si Hell ay si Chase?



That's a bullcrap!



"Itigil mo." napabalik ang naglalakbay kong diwa ng magsalita si Shane sa tabi ko at seryosong nakatingin sa mga mata ko.



"Itigil mo." pag-uulit niya sakanyang sinabi kaya agad ko namang natapakan ang preno.



"What is it now?" nagtitimping tanong ko sakanya habang nakaharap na ang katawan ko sa gawi niya. I can't loose my temper now, hindi ito ang oras para paganahin ang init ng ulo. But honestly, I'm totally pissed.



"Ako na lang ang aakyat dun sa itaas at maghahanap sakanya, hindi naman kayo naniniwalang nandito siya diba? Ang mabuti pa, bumaba na kayo ulit at maghanap sa syudad, baka nandun lang siya at nagpapalaboy-laboy." mahabang lintaya niya tsaka na sana akmang lalabas ng kotse pero nahawakan ko pa ang kaliwang braso nito. Magsasalita na sana ako nang unahan na ako ng kaibigan niya.



PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon