Chapter 76

3.4K 132 52
                                    



Sorry for being inactive for how many months sweeties. I needed to focus on my work and also napaka tight ng sched ko at nakakapagod. Imbes na magsulat ng update itutulog ko na lang para magpahinga. I've been keeping my updates in drafts and finally kahit papano nagka-oras na ako magupdate ngayon. Alam ko mahirap na magcope up sa story kasi ang tagal nung update but still hope you'll find time to read this one.


Thank you for those who are still supporting the story. Godbless sweeties.


CHAPTER 76


[SHANE]


I don't know if I'm lucky or what. Sa lahat ng restaurant na pwedeng pagkainan, sa same restaurant pa kung saan naroon si Chase at Stella ang aking napuntahan.


I am staring at them for an hour now but it seems that they won't notice me at all. Well, ayoko din namang makita nila ako, kinakabahan ako masyado, hindi ko alam kung papaano ko sila haharaping dalawa. Alam na ba nilang nakabalik na ako sa Pilipinas? Nasabi na ba sakanila ng mga kaibigan namin?


"Hi ma'am, here is your order." Sabi ng waiter tsaka ibinaba sa aking mesa ang mga pinggan na may lamang pagkain, nagpasalamat ako sakanya pagkatapos tsaka sinimulang kainin ang pagkain sa mesa.


Hindi naalis ang aking mata sakanilang dalawa lalo na kay Chase na bawat galaw ay kitang-kita ko mula sa aking kinauupuan. Kahit papano'y napapawi ang lungkot ko sa tuwing nakikita ang kanyang mga ngiti pero mas magiging masaya ako kung ako ang rason ng mga iyon.


Pero sa ngayon nga ay malabo kaya wala akong choice kundi ang magtiis.


Ilang minuto din ang lumipas at tapos na silang kumain, tinapos ko na din ang pagkain ko at pinagpatuloy ang pagmanman sakanila. Makailang minuto lang ay tumayo si Stella sakanyang upuan, hindi ko alam kung bakit kusa ding tumayo ang aking mga paa at sumunod sa restroom.


Maingat akong pumasok sa loob at mukhang nasa loob siya ng isa sa mga cubicle, humarap ako sa salamin at inayos ang sarili. Nang makarinig ako ng flash ay inayos ko ang aking tindig at hinintay siyang lumabas mula sa pinto.


Natigilan siya sa may pinto ng makita ako, nagkatitigan kaming dalawa sa salamin at tila hindi nito mawari ang sunod na gagawin.


"S-Shane?" nauutal niyang tawag sa aking pangalan. Tumikhim ako para alisin ang kaba sa aking dibdib at para bawasan na din ang nakakailang na atmospera sa pagitan naming dalawa.


"Stella. I was not expecting to see you here." Sabi ko paglingon ko sakanya. Ngumiti ako at nagpanggap na di sinasadya itong pagkikita namin. Ang plastik ko bang pakinggan??


"M-Me too..." alanganing sagot nito tsaka lumapit sa faucet at naghugas ng kanyang kamay. Muli kaming natahimik na dalawa at tanging ragasgas ng tubig mula sa faucet lamang ang naririnig.


Napayukod ako at saglit na nilaro ang aking kamay, nang matapos siya ay tsaka lamang ako tumingin ulit sakanya.

PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon