CHAPTER 3: PLANONG PALPAK!

15.4K 445 25
                                    

[HELLARD]

"Aba! Nakabili ka ha! Wala ba siya sa shop?"


"Yeah, ganon na nga." Actually, that's not it, nandun na siya sa shop, as early as 5 in the morning, nakaupo siya sa same spot tulad kahapon. Wala ba siyang pasok?! Buti na lang at matalino ako at naka-isip ako ng paraan para makabili ng espresso, may inutusan na lang akong babae na bumili para sakin, kapalit nga number ko eh, binigay ko naman sakanya pero bago pumunta ng school bumili ako ng bagong sim card sa tindahan at tinapon yung number ko.

"Nice. Buti naman at mukhang good mood ka na ngayon." tiningnan ko lang siya tapos ininom nalang ulit yung espresso.


[TARA]

Good thing, wash day namin ngayon at sila Cris gumawa lang ng paraan para makipagkita sakin, kahit na di naman ganun kahalaga itong gagawin namin ngayon nagleave pa rin sila sa trabaho. Nandito kami ngayon sa coffee shop kung saan namin nakita si Chase and guess who, ang nandito ngayon?


"BESSY! Anong ginagawa mo dito?!" mukhang nagulat pa si bessy ng makita kami nila Cris, kahit kami kaya nagulat. Si Chase din kaya ang pakay niya dito? Naku, di pwede, di matutuloy ang plano namin pag nandito siya, kelangan namin siyang mapa-alis. Next time ko na siya ii-interrogate, basta ngayon kelangan namin siyang mapaalis.

"Eh kayo bessy, anong ginagawa niyo dito?" tumayo siya tapos lumapit ng kaunti samin.

"Ah eh, bibili lang sana ng coffee." sagot ni Cris kay bessy tapos tiningnan ako, para bang senenyasan niya ako na kelangan may gawin ako. Kaya nilapitan ko si bessy at hinila siya.

"Bessy, tara sama ka muna sakin, may bibilhin tayo." sabi ko habang hila-hila siya palayo sa shop.


"Teka bessy, may hinihintay pa ko dun eh. . . . . . . " lumilingon-lingon na sabi niya sakin pero di ko na lang pinansin. Lumingon din ako saglit tapos tiningnan sina Cris.


Kayo na ang bahala Cris!


[CRIS]

"Ok, tayong tatlo na lang. We need to stick to the plan."


"Ok, Cris, hopefully this will work, magmumukha tayong mga masasamang tao nito pag may nakakita satin eh. What if bigla niya tayong ipahuli sa pulis, ano gagawin natin?" Ken is right, hindi rin naman ako sang-ayon sa plan na to, pwede naman kasing kausapin na lang namin siya eh pero sabi ni Tara, baka di naman ito makinig at tumakas lang, kaya napilitan akong pumayag sa plan na to.

"Wag naman sanang umabot sa ganon, hopefully, this will work." sagot ko kay Ken na may halo ring kaba.

"Sana nga, dahil tayo rin naman ang mapapahamak sa planong to." ani naman ni Eric.

Itutuloy pa ba namin to?!

[HELLARD]

Kakatapos lang ng afternoon classes namin at pauwi na kami ni Blood, kasama ang girlfriend niyang si Cassy. Cassy is my cousin kung di niyo natatanong, we are not that close pero nagkakaroon din naman kami ng time mag-usap.

"Uuwi na ba kayo agad?" tanong ko sa dalawa habang naka-akbay si Blood kay Cassy.

"Pupunta pa kami ng mall bro, my date kami ngayon eh." sagot ni Blood.

PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon