Chapter 73

3.5K 139 24
                                    



Hi bal. Michelle Joy Norbe Balondo. Get well soon, kumain ka ng mabuti at wag mong alagaan ang sakit mo, arasso? ^_^ pagaling ka na bal para sa sunod na meet up makasama ka na. Godbless always. <3


** & ** & ** & ** & **


Chapter 73


[HELLARD]


I've been hearing voices inside a cold room where I know I am currently lied down on a floor. I wanted to open my eyes and see what's happening but my body's not responding to what my mind says. My body's stiff, too weak and pained. I feel a terrible sensation on my chest which makes me feel sleepy but I don't want to get drown from it, at least not yet.


I stopped whatever that is bothering me right now and listen to the voices. I was certain it was Ava's voice but the other one is not familiar to me.


Who is she?


My mind remained at peace as I continued what I was doing, alam kong sa mga oras na ito'y kasalukuyan silang naglalaban pero hindi ko masundan ang nangyayari dahil wala akong makita.


"Itigil mo na nga ang kahibangan mo Tamara! Itigil mo na ito bago pa magbago ang isip ko't tuluyan na kita!" I heard Ava said, doon ko lang din narinig ng mabuti ang pangalan ng isa pang babae. Siya yung tinutukoy ni tanda na anak niya. Si Tamara...


Akala ko ba patay na siya? Bakit siya nandito? Gawa-gawa lang ba ni tanda yung sinabi niya kanina?


"Ava!" bigla akong naalarma ng may sumigaw ng pangalan niya, hindi ko alam kung papano ko nagawa pero nagawa kong idilat ang aking mga mata at agad na nasilayan ang dumurugong balikat ni Ava. Pilit kong ginalaw ang aking mga daliri sunod ang aking mga paa at gumalaw ng kaunti. Nang maramdaman ko ulit ang aking katawan ay tsaka ko sinubukang tumayo.


"Dapat sayo mamatay na! Para wala ng hadlang sa aming dalawa!" nakakaramdam man ng matinding sakit ay pinilit ko pa ring tumayo para pigilan ang binabalak ni Tamara. Nagawa kong maihakbang ang aking mga paa at bago pa man tuluyang bumigay ang mga ito'y nagawa ko pang maabot si Tamara't napigilan ito...


Mahigpit kong hinawakan ang mga kamay ni Tamara kahit na dala nito sa akin ay labis na panghihina, "Enough..." nagawa kong sambitin ang mga salitang iyon para kunin ang atensyon niya na siya namang napagtagumpayan ko.


Napako ang tingin ko kay Ava at umiiyak na naman siya.


Darn, napakababaw talaga ng luha niya... Hindi ko maintindihan kung umiiyak ba siya sa sakit o dahil sakin. Gayunpaman ayokong nakikita siyang ganyan...


"Bitiwan mo ako... Kailangan niya ng mamatay! Kailangan niya ng mawala! Isa siyang salot! Mang-aagaw! Taksil!" nagsimula na naman siyang magwala pero hindi ako bumitaw sa pagkakakapit sakanyang mga braso, pinilit kong magpakatatag kahit na alam ko sa aking sarili na naabot ko na ang limitasyon ng aking katawan.

PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon