Merry Christmas and a Happy New Year sweeties! love love lots! Enjoy your holidays.
-jeanny
Chapter 80
[CHASE]
"Hindi ba natin pwedeng padaliin matapos 'tong bahay?" tanong ko sa kaibigan kong engineer na namamahala sa pinapagawa kong bahay.
Natatawa siyang umiling-iling tsaka tinapik ang aking balikat, "Bro, sabi mo samin, wag madaliin dahil gusto mo perpekto 'tong bahay na 'to, what made you change your mind?"
Isang buntong-hininga ang aking pinakawalan at nagtapat sakanya, "Well because... Mukhang mapapaaga ang wedding ko."
Natawa siya sa sinabi ko't parang di makapaniwala, ilang segundo pa ako nitong tinitigan na parang hinihintay na magpalit ang reaksyon sa aking mukha. "You mean kayo na ulit?"
Isang mabilis na tango ang aking naisagot, "Yup. So kung pwede lang double time sana tayo sa bahay pare."
"Can your marriage not wait? I mean hindi ganon kadali ang gusto mo pre, kailangan mo magdagdag ng tao para lang mapadali ito, kakapusin tayo sa oras kung sakali, kailan ba ang plano mong magpakasal?" nag-aalangang tanong nito.
"5 days from now?"
"Seriously?! You are expecting that this house will be finished 5 days from now? Men! Ang laki ng sapak mo sa utak." Tsaka siya tumawa ng malakas, napakamot naman ako sa aking ulo.
"Nakapag propose ka na ba sakanya? Does she even know that you two are getting married?"
Well it's a surprise marriage so why would I tell? Isa pa all my plans are well furnished, naasikaso ko na lahat, mula sa venue, reception, visitors na invited, honeymoon venue, mga handa, motif sa kasal at lahat ng kailangan. Even the prenup thing, ang kailangan ko na lang ay sabihan sila para ihanda ang lahat.
"Well not yet, pero papunta na din ako 'don." Sagot ko sakanya.
"Just delay the house surprise, by the end of the month promise, tapos na 'to. Give us more time on this okay?" wala akong ibang nagawa kundi ang sumang-ayon sakanyang kagustuhan, well hindi nga naman madali ang gumawa ng isang malaking bahay tulad ng nais ko.
But despite that, pinadagdagan ko ang trabahador para mas mapadali ang paggawa nila sa bahay, I decided to stay here for 5 days para matutukan ng mabuti ang bahay. Kahit na namimiss ko si beh at gusto ko na ulit siyang mayakap at makita ay tiniis ko muna. 5 days won't hurt right?
Besides sinabi ko din naman sakanya na I'll be back after 5 days. Well I hope she's ready by that time. Ano na kayang ginagawa niya? I wanted to call her pero pinipigilan ko ang sarili, baka kasi kapag narinig ko ang boses niya mapabalik ako ng de-oras sa Manila para lang makita siya.
BINABASA MO ANG
PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)
RomantizmTotoo bang nabuhay si Chase mula sa aksidente? Si Chase at si Hellard ba ay iisa? Muli bang magkakaroon ng karugtong ang pagmamahalan nilang naudlot dahil sa aksidente?