Chapter 51: Proposal

14K 390 136
                                    



Dedicate this chapter to Adriane Cayaban and Jannah Joy Catamio. Hello sa dalawang makulit kong sweeties. ^_^ Ehehe. Salamat sa pagbabasa ng PMS. Wag sana kayong magsawa sa pagsuporta sa story hanggang dulo. Lovelots. Godbless always. <3



Again don't mind my errors. 



You might want to listen to some sad songs para mas ma-feel niyo ang drama sa chapter na ito. HAHA. I was listening to Sa'yo by Silend Sanctuary while writing this chapter...So, yeah... You could go try it out. <3 



Add me up on facebook sweeties, Psyche SpellCaster


Join our facebook group : PsycheSpellCaster Stories WP 



#PMS



Chapter 51: Proposal



[SHANE]



"Ano po ulit ang sinabi niyo?? Si Patricia Chin? Patricia Chin Meigo?! P-Pa'no?! Imposible yan! Hindi naman niya mahal yung Patricia! Si Shane ang mahal niya!" si Stella na ang nagwawala para sa akin ngayon. Napaupo na kasi ako sa lupa dahil sa sobrang panghihina. Namamanhid ang buong katawan ko't paulit-ulit na naririnig sa aking isipan ang salitang kasal...Parang pinupunit ang aking dibdib sa sobrang sakit. Wala akong ibang magawa kundi ang umiyak...



"P-Pasensya na po Ma'am. Ang alam ko po kasi napagtanto na ni Sir Chase na si Patricia daw po talaga ang mahal niya kaya nagpakasal na po sila agad."



Napagtanto niyang si Patricia ang mahal niya?? Totoo ba?? Totoo kaya?! O baka tinakot na naman siya ng babaeng iyon kaya napilitan siyang magpakasal dito?! Ang gulo ng isip ko...Hindi ko maintindihan...Pero ang sakit.



"Shane...Let us not come to conclusions first. I'm sure Chase has a valid reason for all of this. Let us now go to the hospital to know everything." itinayo ako ni Arkin at inalalayan sa paglalakad papasok ng taxi. Naiwan naman sa labas si Stella at Hellard.



Tila hindi pa rin paawat si Stella at sinisigawan na ang kasambahay nila Chase. Nakita kong inawat na siya ni Hellard at sapilitang hinila papasok ng sasakyan.



"Jesus Christ! Wag kang gagawa ng eskandalo dito Stella! Get hold of yourself please!" asik ni Hellard dito tsaka isinara ang pinto sa tabi namin at pumasok sa passengers seat.



"St. Luke's Hospital! Step on it!" hindi nakaligtas ang driver sa galit ni Hell at maging ito ay sinisigawan niya na. Gusto ko sana siyang awatin pero hindi sinusunod ng katawan ko ang aking isip.

PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon