Chapter 59: Grief

13.8K 389 115
                                    




Dedicate this chapter to  Ms. Hazel_Brown12 and Litz Lozada. Thank you for supporting PMS sweeties. Godbless always. <3



Sorry for the errors. .



Kaunting patnubay lamang po sa mga salitang ginamit...



Chapter 59: Grief



[CHASE]



Limang araw ang kinailangan namin para tuluyang gumaling sa mga natamong pasa at sugat mula sa engkwentro sa mga gang na kumidnap kay Patricia. Maayos at nakauwi na ang mga kaibigan ko pero si Hellard ay kasalukuyan pa ring naka-confine sa isa sa mga pribadong kwarto dahil siya ang pinakanapuruhan sa aming lahat.



Magaling na din siya, may malay na rin pero may benda pa ang kamay at may bandage pang nakabalot sa ulo. Ang loko, napalo pala ng tubo sa ulo di ko man lang nalaman.



"Chase. We're here." nabalik ang naglalakbay kong diwa ng tawagin ako ni Ava. Napaangat ako ng tingin sa labas at pinakatitigan ang building sa aming gilid.



"You go down first. Park ko lang itong kotse mo." hindi ko na siya nilingon at agad na sinunod ang sinabi niya't bumaba ng kotse. Nanatili akong nakatingala sa building na papasukan naming dalawa ni Ava mamaya.



I don't know if this is even necessary but I have to at least see her condition.



"Let's go."



Sabay kaming naglakad papasok ng hospital at dumiretso sa information ward. Tinanong ang room number ng pasyenteng si Patricia Chin Meigo tsaka kami inassist ng isang doctor na tumitingin ngayon sa kalagayan niya.



"We are here. You can both come in and try to talk to her." nagkatinginan kaming dalawa ni Ava bago tumango sa doctor. Pinagbuksan niya pa kami ng pinto tsaka ako naunang pumasok sunod si Ava. Pinagmasdan pa naming dalawa ang pagsara ng pinto sa gilid namin bago tuluyang sinuyod ang buong silid.



Isang simpleng puting silid na tanging higaan at mga upuan lamang ang makikita at mula sa gilid nitong kwarto malapit sa may bintana, nakaupo ang isang babae patalikod sa amin.



"Patricia." tawag pansin kong agad na nagpalingon sakanya. Ang blangko niyang mukha ay biglang napalitan ng tuwa. Lumapit siya sakin at agad akong ikinulong sa mahigpit niyang yakap.

PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon