IKA-APATNAPU'T WALONG KABANATA (Huling Bahagi)

3.3K 145 167
                                    

IKA-APATNAPU'T WALONG KABANATA (Huling Bahagi)






Tila halos panawan sa panlalamig ang dalaga habang nanatili siyang nakatayo sa puwestong iyon. Ilang minuto na ang nakalipas mula nang lumisan si Aling Celeste sa kaniyang harapan, ngunit hanggang sa puntong iyon ay tila nanatiling bato ang mga paa ni Cassandra. Hindi na rin niya namalayan na halos naliligo na ang kaniyang pisngi dahil sa mga nag-uunahang mainit na likidong inilalabas ng kaniyang mga mata. Pakiramdam niya, pinagsakluban na siya ng langit at lupa dahil sa mga pangyayari ng araw na 'yon.




Never in her life had she ever imagined na sa isang maling desisyon na magagawa niya ay magkakalamat ang relasyon nila ng ina.




Never in her life had she ever imagined na sa kagustuhang magmahal at mahalin, magagawa niyang ibigay nang buo ang sarili para sa isang tao hindi manlang siya magawang tingnan; para sa isang taong lubos siyang kinasusuklaman.




Dahil sa mga 'yon, halos hindi maisip ni Cassandra na darating siya sa puntong lubos siyang mamamanhid, hanggang sa halos hindi na niya alam ang totoong pagkakakilanlan sa sarili.




Alam niyang posibleng humantong sa ganoong punto sila ng Ina --- na malalamang nagdadalang-tao siya. Gising siya sa reyalidad na 'yon, ngunit 'di niya inaasahang sa ganitong paraan malalaman ng Ina. 'Di niya inaasahang ganito kaaga mabubunyag ang sikretong hindi pa niya halos napag-iipunan ng lakas ng loob.




Ngunit ano pa ba ang magagawa niya? Mas malinaw pa sa sikat ng araw na nagsimula na ang lamat na maaaring makasira sa relasyon nila ng kaniyang Ina. Isang lamat na wala siyang ideya kung hanggang kailan niya dadalhin.




Mariing napapikit ng mga mata si Cassandra at napatitig sa sahig. Nasaksihan niya ang nag-uunahang pagpatak ng mga luha sa kinatatayuan. She was so overwhelmed. Halos hindi na niya maintindihan ang sari-saring emosyong pumutok sa kaloob looban niya.




Hindi na niya alam ang gagawin. She felt helpless. Halos wala na siyang makapitan sa mga oras na 'yon. Kung hindi dahil sa pader na pinaglalapatan ng kaniyang palad, ay baka kanina pa siya bumagsak sa sahig. Gusto na lang niyang maglaho. Gusto na lang niyang tumakas sa reyalidad. Gusto na lang niyang pumutok ang lahat ng parang bula at sana'y kasabay no'n ay ang pagkawala ng mga pasakit na naibigay niya sa Ina.




Mas lalong lumakas ang paghagulgol ni Cassandra dahil sa mga naisip.



She felt useless. She felt like a nobody. Tila alikabok sa mundo ng Ina at ni Lorenzo.



A living mistake.














Mugto ang mga mata at halos 'di na makahinga dahil sa baradong ilong ang dalaga nang mauwi siya sa pagtulala sa kisame ng kaniyang silid. Matapos ang insidenteng nangyari sa kanila ng Ina no'ng umaga ay hindi na halos matandaan ni Cassandra kung ano ang mga sumunod na nangyari. Ang malinaw na lang sa kaniya ay ang pagtangis ng ilang oras sa silid at pagkulong ng sarili rito.




Alam niyang kailangan niyang kumilos 'agad at kausapin ang Ina, ngunit hindi niya alam kung paano sisimulan at ano ang dapat sabihin. Ni hindi niya alam kung magagawa ba ng Ina na harapin siya matapos malaman nito ang kalagayan niya.




Lubos na takot ang kumukulong ngayon kay Cassandra. Alam niyang sa mga susunod na araw ay hindi na ang normal at nakasanayan niyang buhay ang mangyayari sa loob ng tahanan nila. Inaasahan na niya ang pagiging mailap ng Ina sa kaniya. Hindi pa man iyon nangyayari ay nakikita na niya ang kinalabasan, lalo na't alam niyang lubos niyang nasaktan ang Ina.




Alluring The Fire [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon