IKALABINDALAWANG KABANATA

2.1K 87 3
                                    

IKALABINDALAWANG KABANATA






Parehas silang basang sisiw nang pumasok sila sa loob ng condo ni Lorenzo. Halos nanginginig pa rin si Cassandra at yakap yakap ang sarili habang nakatayo sa gilid ng pinto. Saglit na naglakbay ang paningin niya sa loob. May kalakihan ito at aakalain mong hindi lang iisang tao ang naninirahan doon. Ang akala ni Cassandra no'ng una'y makikita niya ang pamilya ni Lorenzo kaya nakaramdam siya ng kaba at hiya nang buksan ng alkalde ang pinto ngunit isang katahimikan lang ang bumungad sa kaniya. Saglit siyang napa-isip kung nasa saan kaya ang pamilya nito.


Lumabas si Lorenzo ng kwarto. May nakapatong na puting tuwalya sa balikat nito at hawak hawak ang bag niya sa kanang kamay. Lumapit ito sa nanginginig na si Cassandra.


"Kinuhaan kita ng tuwalya, pwede ka na ring maligo habang inaayos ko 'yung tutulugan mo." Wika ni Lorenzo at hindi nito naiwasan ang mapatingin sa basang blusa ng dalaga kung saan malinaw niyang nakikita ang nakabakat na dibdib ni Cassandra. Pakiramdam niya'y saglit na nanuyo ang kaniyang lalamunan sa tanawing iyon.


Napansin naman iyon ni Cassandra at nang mapagtanto ang tinitingnan ng alkalde ay mabilis niyang itinaas ang naka-krus na mga bisig at tinakpan ang parteng iyon. Bastos, isip-isip niya.


Napa-angat ng mata si Lorenzo at doon niya naabutan ang masamang titig ng babae. Hindi niya ito pinansin at ini-abot ang tuwalya sa dalaga nang kaswal. Doon lang napansin ni Cassandra na dalawa pala ang tuwalyang nakapatong sa balikat ng alkalde.


"Nadala ko pala 'yung bag mo no'ng pumunta ako sa kwarto." Wika nito at sunod na ini-abot sa dalaga ang bag nito. Bahagyang inilayo ni Cassandra ang bag mula sa basang katawan at mabilis na binuksan ito upang makita kung may nabasa ba sa mga gamit niya.


Parang napako naman si Lorenzo sa posisyon niya dahil sa ginawang iyon ng dalaga ay muli niyang nakita ang nakabakat nitong dibdib.


Only if I were given the chance to claim this prepossessing physique in front of me, I wouldn't have second thoughts of ravaging it. Her tits look so soft and obviously plump. I could imagine myself standing behind her while my hard cock is pressing against her ass and I have her tits in my hands, jiggling them while she moves her head so gently across my chest


Napatigil si Lorenzo sa iniisip nang ipatong ni Cassandra ang tuwalya sa may parteng dibdib niya. "Maliligo na po ako. Saan ang banyo?"


Muling napalunok ang alkalde bago itinuro ang daan patungong banyo. "Diretsuhin mo lang 'yan. Madali mo namang makikita 'yon." Tumango si Cassandra at saglit na inilapag ang bag sa couch. Hahakbang na sana siya nang may maalala. Shet, wala pala akong dalang pamalit.


"May problema ba?"


Nahihiyang pumihit paharap si Cassandra at saka tumango, "Nalimutan ko wala pala akong maisusuot pagkatapos maligo."


Napatitig naman si Lorenzo sa kaniya, "Oh." Iyon lang ang narinig ng dalaga mula sa lalaki. Napakagat ng labi si Cassandra. Hindi naman pwedeng buong gabi akong nakatuwalya hanggang pagtulog. Isa pa, paano ang uniform ko at sapatos ko, may pasok pa bukas, nag-aalalang isip ni Cassandra.


"Teka, dito ka lang." Wika ni Lorenzo at mabilis na bumalik sa kwarto. Nagtataka namang sinundan ito ng tingin ni Cassandra. Anong gagawin no'n?



Mabilis na hinanap ni Lorenzo ang paper bag na naiwanan ng kapatid niya nang minsang bumisita ito sa condo niya. Nagbabaka sakali siyang may damit doon kahit na hindi na niya ito tiningnan pa bago itinabi. Akala niya kasi'y babalikan pa ito ng kapatid ngunit halos isang taon na 'ata ang nakalipas ngunit hindi naman ito hinanap ng kapatid sa kaniya. Nakita ni Lorenzo ang paper bag sa gilid ng kaniyang closet. Agad niyang dinampot iyon at ini-angat ang mga telang nasa loob nito.


Alluring The Fire [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon