IKADALAWAMPU'T ISANG KABANATA
"You know her?" Matteo asked Lorenzo. Halos kumabog ang dibdib ni Cassandra. Pakiramdam kasi niya'y ilalaglag siya ni Lorenzo. Ni hindi nga niya alam kung kaano-ano ba ni Lorenzo ang lalaking tinulungan niya kahapon.
"She's my friend." Lorenzo replied, matter-of-factly.
"Friend my ass." Austin commented before leaning back to the couch. Alam ng binatang ito na hindi basta bastang nagkakaroon ng kaibigan si Lorenzo, lalo na't babae si Cassandra. Maybe you mean, friend with benefits, Austin thought.
"Paano kayo nagkakilala?" Matteo queried that made Lorenzo to furrow his eyebrows. Bakit ba masyadong nagiging mausisa ang isang 'to?
"Nagkakilala kami sa looban. It's a long story, and I have no time to do some narration." Damn, I hope these two just leave, so I can have Cassandra alone, he thought. Nang tumambad si Cassandra sa kaniya ay may kung anong bagay na naramdaman si Lorenzo at gusto na lang niyang hugutin si Cassandra mula sa pwesto ni Matteo, but chose to display blank expression. "Do you even know her, Matteo?" Hindi na napigilan pang magtanong ni Lorenzo dahil sa nakikita niya kung paano umakto ang kaibigan sa dalaga.
Matteo grinned as he remembered the first time he met Cassandra, "Yes, nagkakilala kami kahapon." He said before turning his head to Austin's direction. "Dude, she's the girl I was talking about yesterday. The one who helped me."
"Helped you on what?" Lorenzo asked. Tila hindi na mapakali pa si Cassandra lalo na nang bumagsak muli ang mga mata ni Lorenzo sa kaniya. Hindi naman siya ang tinatanong, ngunit pakiramdam niya'y pati siya ay nagigisa.
"He said she's the girl who helped him blow a load." Sagot ni Austin habang nakangisi at nakatingin kay Lorenzo. Halos manlaki ang mata ni Cassandra at Matteo sa narinig. Si Lorenzo nama'y hindi mapigilan ang pagkuyom ng kamao sa gilid.
"What the fuck, dude?! Fucking story maker!" Halos hindi magkamayaw si Austin sa kakatawa nang marinig ang sinabi ni Austin. Hindi na nito alintana pa ang masasamang titig na ibinibigay ni Matteo sa kaniya.
Si Cassandra nama'y wala sa sariling napakagat sa labi at marahang umiling. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit may parte sa kaniya na kailangan niyang magpaliwanag kay Lorenzo kahit wala namang katotohanan ang sinabi ng kaibigan nitong si Austin.
"This bastard." Wika ni Matteo kay Austin bago tumingin kay Cassandra. "Sorry for that. Napainom kasi ng panis na gatas 'yang kaibigan namin no'ng sanggol pa siya, nagka-damage 'ata 'yung utak." Nahihiyang tumango na lang si Cassandra. Gusto ko nang umuwi! Ani ng dalaga sa isipan.
Humarap si Matteo kay Lorenzo at saka nagsalita. "Naligaw ako sa loob ng UD kahapon. I bumped into her, then that's it. Tinulungan niya akong hanapin 'yung opisina ng gagong 'yan."
"What? I thought she also helped you with something else?" Pang-aasar ni Austin.
"Shut the fuck up, Austin. No one's asking for your response." Seryosong sabat ni Lorenzo. Hindi niya maintindihan ang sarili ngunit nakaramdam na lang siya ng pagkayamot sa kaibigan. Si Cassandra naman sa kabilang dako ay nakakaramdam ng insulto mula sa sinasabi ni Austin. Hindi man nito sabihin nang direkta, ngunit ramdam ni Cassandra ang nais iparating ni Austin sa mga biro nito— na para bang isa siyang easy girl.
"Damn. Bakit ba ang seseryoso ninyo?" Kumunot ang noo ni Austin at saka pinagkrus ang kamay sa dibdib.
"You are offending Cassandra, dumbass." Wika ni Matteo. Mabilis na napatingin si Cassandra sa binata at sunod sunod na umiling.
BINABASA MO ANG
Alluring The Fire [Under Revision]
RomanceWARNING: SPG | Mature Content | R-18 All she was expecting from him was a grant to support her education; little did she know that he would give her more. ✼━━━━━━━━━━━━✼ ...