IKATATLUMPU'T LIMANG KABANATA

1.9K 61 9
                                    

IKATATLUMPU'T LIMANG KABANATA




"Mga bakla, may na-sa-sightung na ba kayong company for internship? Witit pa kasi si watashi." Malungkot na wika ni Reginaldo. Walang umimik sa mga kaibigan niya kaya't napalingon siya sa mga ito. Si Rose na abala sa pagtipa sa kaniyang phone at si Cassandra na nangingiti habang abala rin sa sarili nitong phone. Napataas ang kilay ni Reginaldo dahil mukhang hindi nakikinig ang mga ito sa sinasabi niya. "Ehem! May nakikinig ba sa'kin?"



Napatigil si Cassandra sa pagtipa at nakangiting napalingon sa kaibigan. "Bakit, bakla?"



"Wow. 'Di naman halatang nasisiyahan ang kipay mo riyan sa kachikahan mo, mare." Naka-ismid na sagot ni Reginaldo. "'Yung ngitian mo abot langit eh, 'no?"



"Luh. Parang ewan." Wika ni Cassandra at buong pilit na pinipigilan ang pag ngiti. Naiinis siya sa sarili dahil hindi niya maiwasan ang kilig habang ka-text ang alkalde. Hindi man sila nagkita kahapon, ngunit buong gabi naman sila magka-usap sa phone. Nagulat pa si Cassandra dahil kung kailan matutulog na siya ay biglang tumawag pa ang alkalde. Dala ng pagod, nakatulugan ito ng dalaga, ngunit laking gulat niya nang gumising siya, ay on-going pa rin ang call. Ang akala kasi niya'y papatayin na rin ito ng alkalde tutal hindi na rin naman siya makakausap ng binata, ngunit talagang sinamahan siya nito sa pagtulog--- kahit sa tawag lang. Now, isn't that an enough reason to not feel the butterflies in your stomach?, ani ng isang maliit na tinig sa utak ni Cassandra.



"Sino ba 'yan? Ikaw ha, no'ng nakaraan pa kita napapansin diyan. Umamin ka na, boylet talaga 'yan 'no?!"



Napakagat ng labi si Cassandra, upang mas lalo pang mapigil ang pilit na tumatakas na ngiti sa kaniyang labi. Ano ba 'yan, Lorenzo! Dahil sa'yo nagigisa ako rito eh, she thought as she giggled mentally. "Hindi ah."



"Imbyerna. Sige, ganiyan ha. Pagdating sa boylet, nag-si-sikreto kayo. Hmp." Pagtatampo nito. Natawa naman si Cassandra sa reaksyon ng kaibigan at mabilis itong niyakap upang maglambing.



"Bakla naman eh. Hindi naman kasi talaga 'to boylet. Nagbabasa lang ako ng Wattpad. Eh, nakakakilig kasi, kaya ayon. 'Di ko maiwasang mangiti." Wika ni Cassandra, ngunit tumaas lang ang sulok ng labi ni Reginaldo sa narinig.



"Wattpad, Wattpad. Hmp. Kunyari pa kayo."



"Kayo? Kami? Nino?" Tanong ni Cassandra nang maguluhan siya sa sinabi ng kaibigan. Nginuso ni Reginaldo ang katabi nitong si Rose na tutok din ang mata sa phone nito. Napakalas si Cassandra mula kay Reginaldo at pilit sinulyapan si Rose.



"Sino ba 'yan?" Tanong ni Reginaldo. Mabilis na sinilip nito ang screen ng phone ni Rose at bumungad sa kaniya ang news feed nito sa Facebook.



"Bakit?" Pagtataka ni Rose habang nakatingin sa kaibigan nitong nakasulyap sa screen niya. Reginaldo's eyebrow raised as he lifted his head to look at Rose. "Bakit ganiyan ka makatingin, mamang?" Tanong nito at saka bahagyang itinulak ang katawan ng kaibigan papalayo sa kaniya.



"Bakit ka nangingiti kanina? May boylet ka rin?" Reginaldo queried.



"Hoy, maka- 'ka rin' ka ha. Wala nga sabi akong boylet." Cassandra butt in.



"Wala ah! Bakit, bawal na ba ngumiti ngayon?" Rose asked, ngunit hindi ito naging sapat sa kaibigang bakla. Matagal na dumaong ang mga mata ni Reginaldo sa mukha ni Rose, tila pinag-aaralan ang reaksyon nito. "Hoy, mamang. Tumigil ka nga riyan sa tinginan mo. Ang creepy ha!"



Alluring The Fire [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon