IKADALAWAMPU'T SIYAM NA KABANATA

2.4K 79 17
                                    

Hi, sis. I dedicate this chapter to you--- ryanablcb_ kasi naman napaka energetic mo sa ATF. Hahaha. Natutuwa lang ako esp sa mga feedbacks na binibigay mo. Sana magustuhan mo ang chapter na itey!

Peeps, before ninyo basahin ang Chapter 29, I will make some chika muna. Haha. So, okay. Abala ako sa paglalakbay sa walang katapusang mundo ng internet upang magsave ng mga pictures ni Fafa Lorenzo nang may mga anghel na nagdala sa akin sa video na ito. All of the sudden, parang gusto ko na lang i-tegi sina Cassandra at Priscilla para maagaw ko na si Fafa Lorenzo. Hope you guys would watch it, kasi napaka hot naman po talaga ni Janice Fronimakis as Lorenzo Castillo in this story. Nakakainis! Haha. Ayon lang naman. I don't own this video, oki? Credits pa rin doon sa creator at tunay na may-ari ng video na ito. O sige na, basahin n'yo na. Hmp. Hahaha.








IKADALAWAMPU'T SIYAM NA KABANATA




Takbo! Tumakbo ka na!--- paulit-ulit nang naririnig ni Cassandra ang maliit na tinig sa kaniyang utak na sinasabi ang mga katagang iyon, ngunit kahit anong gawin ni Cassandra, ay tila nanghihina ang mga tuhod niya upang tumayo sa kinauupuan at umalis sa tabi ni Lorenzo. Nabato na 'ata ang buo niyang katawan habang nalulunod naman ang kaniyang kamalayan sa mga seryosong mata ng binatang kanina pa nakatitig sa kaniya.



She wasn't expecting him to be there, kaya gano'n na lang ang pagkabigla niya nang makita ito, lalo na't literal na katabi niya lang si Lorenzo.



Halos nangingibabaw ang mabibilis na tibok ng puso niya kaysa sa malakas na patugtog na mayroon sa likod-bahay ng mga Domingo. Parang sa isang iglap ay nawala siya sa sarili, at nakalimutan na niyang kailangan niyang layuan si Lorenzo. Parang sa isang iglap ay naikulong siya ng binata sa pamamagitan lamang ng mga mata nito.



Mas dumoble ang bilis ng tibok ng puso ni Cassandra nang mapansin niyang papalapit na si Matteo sa puwesto nila. Saglit na napasulyap si Matteo sa dalawa, at hindi man sabihin ng dalawa, ramdam niyang may kung anong tensyon ang namamagitan lalo na kung pagbabasehan ang uri ng mga titig na pinupukol para sa isa't-isa. Kung hindi lang siguro niya nakausap si Cassandra kanina, baka matagal na niyang naisip na may patagong alitan o bagay ang nangyayari sa pagitan ng dalawa.



Tumikhim si Matteo nang makalapit ito sa puwesto ng dalawa. Dahil sa ginawang iyon ni Matteo, naiahon nito ang diwa ni Cassandra mula sa nakakalasing na mga titig ni Lorenzo.



"Dude, akala ko 'di ka pupunta?" Matteo asked. Napalunok si Cassandra nang hindi nagbitiw si Lorenzo mula sa pagkakatitig sa kaniya. Kinakabahan siya dahil alam niyang hindi imposibleng mapansin iyon ni Matteo. Lalo na't nagtanong na ito kanina kung may namamagitan ba sa kanilang dalawa ni Lorenzo. Napababa ng tingin ang dalaga nang naramdaman niyang lumipad ang mga mata ni Matteo patungo sa kaniya. Wala sa sariling napalagok si Cassandra sa hawak na alak habang kinakabahan. Lord, kinakastigo ho ba ninyo ako dahil imbes na umuwi ay sumama pa ako rito?, ani Cassandra sa isipan.



"Mabilis kong natapos 'yung mga kailangang gawin." Wika ni Lorenzo at saka ito humarap kay Matteo. "Where's Austin?"



"Nasa loob siya ah. 'Di mo ba nakita?" Takang tanong ni Matteo at saka mabilis na sumulyap sa loob. May iilang taong nasa loob at mukhang nagkukwentuhan habang may mga hawak na alak, ngunit hindi naman niya nakita ang kaibigan sa mga mukhang iyon.



"I'm not going to ask you if I saw him inside."



"Pero roon siya pumasok kanina eh." Pagrarason ni Matteo.



Alluring The Fire [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon