IKADALAWAMPU'T PITONG KABANATA

1.9K 72 6
                                    

IKADALAWAMPU'T PITONG KABANATA





"What took you so long?" Tanong ni Priscilla nang biglang sumulpot ang pigura ni Lorenzo sa loob ng silid. Saglit na napatahimik sina Rose, Reginaldo, at Matteo sa pagdadaldalan nang makalapit ang binata sa kanilang mesa. Malamig na hinila ni Lorenzo ang upuan niya bago umupo sa tabi ng dating kasintahan. Napatingin ang lahat sa binata maliban kay Cassandra na nagbaba ng tingin nang maramdaman niyang dumapo sa kaniya ang mga titig ni Lorenzo.



"Dude, did you take a dump?" Nakangising tanong ni Matteo. Ibinalik naman ng kada isa sa kanila ang atensyon sa platong kaharap. Napatigil si Priscilla sa paggalaw ng kaniyang kamay habang hawak ang isang maliit na kutsilyo at tinidor nang marinig ang katanungan ni Matteo. Tila lukot ang ekspresyon niyang binalingan ang binata.



"Matteo, please? We are eating. I almost lose my appetite." Mataray na saad ni Priscilla bago muling pinagpatuloy ang naudlot nitong atensyon sa pagkain.



"Oh, right. I'm so sorry for that highly unpleasant query, Priscilla." Matteo replied, trying to stop himself from sounding sarcastic. Hindi naman ito pinansin ni Priscilla, bagkus ay nanatili siyang naging abala sa kinakain. Dahil doon ay ibinalik na rin ni Matteo ang atensyon sa pagkaing nasa harapan niya.



"Now, we're even. I almost lose my mood today due to your brattiness." Matteo whispered in the middle of his food. Na siyang hindi nakaligtas sa pandinig ng lahat. Mabilis na napatingin ang tatlong estudyante, si Austin, at Priscilla sa binata nang sabihin niya iyon. Halos magpigil ng ngiti sina Reginaldo at Rose sa tinuran ni Matteo. Patagong sumulyap ang dalawang estudyante kay Priscilla na ngayo'y nakataas ang kilay kay Matteo.



"What did you say, Matteo?"



Tumaas ang dalawang kilay ng binata at saka binigyan ng matamis na ngiti si Priscilla. "I was just asking if you are enjoying your food."



"I believed that you were not asking for my feedback about the food." May diin na pagpupumilit ng dalaga. Nagkibit-balikat naman si Matteo at saka nagpatuloy sa pagkain.



"Then, why did you even ask if you think that you know what I actually said?" Muling tanong ni Matteo. Hindi naman umalis ang mga mata ni Priscilla sa kaibigan ng dating kasintahan.



"For confirmation. Duh."



"If you believed that I was lying then what's the sense of confirming it from me?"



Napabaling si Cassandra sa katabing si Reginaldo nang makita niyang yumuyugyog ang balikat nito. Tila nagpipigil ng tawa sa nasasaksihang tagpo sa harapan. Mabilis at patagong tinapik ni Cassandra ang hita ni Reginaldo at pinandilatan ito ng mata. Mabilis naman na nakuha ng kaibigan ang gustong ipabatid ni Cassandra kaya't mabilis siyang tumigil sa pagtawa. Umakto pa ang kaibigan na ini-zipper ang bunganga.



"Well, you could ask Austin if you want. Seemed like he heard it." Wika ni Matteo nang hindi na umimik si Priscilla at saka may kahulugang tinipunan ng tingin ang kaibigan.



Kasabay no'n ay ang pagpihit ng ulo ni Priscilla upang balingan din ang binata. Prenteng naka-upo si Austin habang pinagagalaw ang tinidor at ang maliit na kutsilyo sa kaniyang plato. Nagkibit-balikat ito matapos ang ilang segundo. "I didn't hear anything." Austin said without throwing glances at them.



"Whatever." Suko ni Priscilla bago muling binalik ang atensyon sa pagkaing nasa kaniyang harapan. Kasabay no'n ay ang pag-angat ng ulo ni Austin upang tingnan si Matteo na ngayo'y abala na sa pagkain. Napangisi na lang si Austin habang ngumunguya. Tarantado talaga ang isang 'to, he thought.



Alluring The Fire [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon