IKADALAWAMPU'T WALONG KABANATA

2K 78 13
                                    

IKADALAWAMPU'T WALONG KABANATA




Sa kabila ng tirik na araw, buhay na buhay ngayon ang Universidad de Domingo. Iba't ibang palamuti at mga tugtugin na naman ang nangingibabaw sa loob ng Unibersidad. Nagkalat ang mga booth ng iba't-ibang kolehiyo. May iilang estudyante na naman ang namimigay ng mga fliers sa mga kapwa estudyanteng naglalakad sa walkway. May mga nagbebenta ng kung ano-ano--- tulad ng mga shirts and jackets, K-pop merch, mga pagkain, at 'di rin nawawala ang mga booth kung saan nagpapa henna tattoo ang ilan. Aakalain mong may fiesta sa loob ng paaralan. Kaniya-kaniyang trip at kaniya-kaniyang pakulo ang bawat kolehiyo sa Unibersidad.


"Teh, nakikita na cycling shorts mo." Untag ni Rose kay Cassandra na kasalukuyang abala sa pagkuha ng mga rings na na-i-shoot sa bote ng mga estudyanteng naglaro sa booth nila. Saglit siyang napatigil at bahagyang hinila pababa ang palda. Hindi siya sanay magsuot ng ganoong kaikling palda kaya't ganoon na lang ang pagka-asar niya nang malamang kailangan nilang magsuot ng gano'n hanggang sa matapos ang araw. Ang akala kasi niya'y maaari na siyang magpalit pagkatapos ng parada nila kasama ang isang marching band na nirentahan nila.


"Nakakainis talaga." Cassandra muttered na hindi nakaligtas sa pandinig ni Rose. Iniabot ng dalaga sa kaibigan ang mga rings at kaagad naman iyon iniayos ni Rose sa counter ng kanilang booth.


"Bakit ka ba naaasar? Maganda naman legs mo, bakla ah? Syempre mas maganda 'yung akin." Nakangiting wika ni Rose. Inikutan siya ng mata ni Cassandra. Saglit na tumalikod ang dalaga mula sa kaibigan at tahimik na tinupi ang dulo ng kaniyang cycling shorts dahil bigla bigla na lang itong nakikita kahit na ilang beses niya pang ibaba ang paldang suot. Hindi naman kasi siya puwedeng hilahin iyon nang sobra dahil makikita naman ang balat niya sa parteng tiyan kapag ginawa iyon.


"Alam mo namang ayaw na ayaw kong nagsusuot ng ganito kaikling palda." Wika ni Cassandra at saka bumaling paharap kay Rose. Napalingon sila parehas sa likuran nang gumalaw ang kurtinang naghahati sa loob ng kanilang booth at lumitaw mula roon si Reginaldo na may hawak na bottled water. Nakataas ang sulok ng labi nito.


"May mga bilat na nag-iinarte." Komento niya bago lumapit sa dalawang dalaga.


Napaismid si Rose sa winika ng kaibigan at saka niya sinuri ang kabuuan nito. "Inggit ka lang. Pajama pants kasi suot mo."


"Anong inggit doon, bakla? Isa pa, this is not pajama pants. Right now, I'm wearing slacks pants for woman." Sagot ni Reginaldo at saka inikutan ng mata si Rose.


"Bakit, woman ka ba?"


"Aba'y oo naman. Check mo pa kung bet mo eh."


Nangasim ang mukha ni Rose sa sinabing iyon ng kaibigan habang si Cassandra naman ay patagong nangingiti sa mga naririnig habang inaayos ang pagkakalinya ng mga bote.


"Kadiri ka, mamang. Mabuti sana kung daks ka eh."

Reginaldo gasped before pulling the end of Rose's hair, "Ang dirty mo, bakla. Anong daks pinagsasabi mo riyan? Imbyerna ka!"


Wala nang nagawa ang dalawang dalaga kung hindi ang humalakhak nang malutong dahil doon. Napasimangot na lang si Reginaldo. Alam niyang tuwang tuwa ang mga kaibigan tuwing pinagtitripan siya.


"Kakain muna ako saglit sa likod." Paalam ni Cassandra. Sabay na tumango ang dalawa.


"Gora, bakla. Ako muna ang papalit na muse ditey." Pagkasabi no'n ni Reginaldo ay kaagad ding hinawi ni Cassandra ang kurtina at pumasok sa maliit na espasyong nagsisilbi bilang pribadong silid nila sa loob ng booth. Nandoon kasi nakalagay ang kanilang mga mahahalagang gamit. Mabilis niyang kinuha ang pagkaing provided ng kanilang section at kaagad humila ng upuan. Tahimik na nilantakan ni Cassandra ang pagkaing nasa harapan habang sina Rose at Reginaldo ay abala sa pag-aasikaso sa booth.


Alluring The Fire [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon