IKATATLUMPU'T PITONG KABANATA

1.6K 50 7
                                    

IKATATLUMPU'T PITONG KABANATA




"Sabi na nga ba eh. Kaya malakas talaga pakiramdam ko na may something kasi may something naman talaga!" Naka-ismid na wika ni Reginaldo habang nakatingin kay Rose na nakangiting nagtitipa sa phone nito. Napatawa naman si Cassandra na nakaupo sa tabi nito. Halos isang linggo na kasi ang nakakalipas mula nang magkomprontahan ang tatlo tungkol sa insidenteng nasaksihan no'ng gabing iyon. Imbes na makauwi na kaagad sila no'ng gabing iyon, nagtagal pa tuloy sila sa loob ng mall dahil nagpaliwanag pa sina Austin at Rose tungkol sa namamagitan sa kanila. Halos hindi makapaniwala sina Cassandra at Reginaldo. Lingid sa kaalaman ng dalawa na sa tuwing nagpapa-alam kasi ang kaibigan nilang si Rose na may gagawin sa org, imbes na roon mismo pumupunta ang dalaga, lagi pala itong nakikipag kita nang patago kay Austin. No'ng gabing din 'yon nalaman ni Reginaldo ang naganap na pag-uusap nina Rose at Austin sa gabi ng  kaarawan ng binata. Alam man ni Cassandra iyon, ngunit do'n niya rin nalaman na hindi pala nagkuwento si Rose ng buong nangyari sa gabing iyon. Matapos daw kasi nila mag-usap ni Austin ay nagpalitan pala ang dalawa ng numero. Halos mawindang din sina Cassandra at Reginaldo nang sabihin ni Rose sa kanila na hinalikan siya ni Austin sa pisngi, bilang pasasalamat sa regalo nito at sa pagdalo, bago sila bumalik sa kasiyahang nangyayari sa likod-bahay ng pamilyang Domingo.



Si Matteo naman halos hindi rin makapaniwala no'ng gabing iyon. Alam niyang may interes ang kaibigan kay Rose at sa pagiging babaero nito, kahit papaano'y hindi na rin siya nagulat, ngunit kung titingnan kasi, iba si Rose sa mga babaeng tipo ng kaibigan, kaya kahit na kilala niya si Austin, hindi niya pa ring mapigilang magulat nang malamang lumalabas labas na pala ang dalawa nang patago.



Hindi rin nawala ang pagtatampo no'n ni Reginaldo dahil nagtago ang kaibigan ng katotohanan sa kanila, ngunit sinabi lang ni Rose na pinangunahan kasi siya ng takot tungkol sa sasabihin ng dalawang kaibigan, na siyang naintindihan naman ni Cassandra. Bago pa matapos ang gabi, si Reginaldo bilang kapatid sa puso't kaluluwa ni Rose, kahit na alam niyang si Austin ang may-ari ng Unibersidad na pinapasukan nila, hindi iyon nakapigil kay Reginaldo na paalalahanan si Austin na huwag sasaktan ang kaibigan nila. Halos mapailing na lang si Cassandra sa tuwing naaalala ang namamagitan kina Austin at Rose. Pakiramdam niya kasi'y nakikita niya ang sarili sa katauhan ng kaibigan. Ang kaso nga lang, hanggang ngayon, ang koneksyong mayro'n sila ni Lorenzo ay nanatiling sikreto.



"Mamang, ang bitter ha! Imbyerna ka pa rin ba sa'kin?" Natatawang wika ni Rose nang sa wakas ay tumigil na ito sa pagtipa sa phone na hawak niya.



Humalikipkip si Reginaldo. "Hindi naman, pero matagal ko na talagang nararamdaman 'yon eh, na may hindi ka sinasabi. Medyo naiimbyerna lang ako tuwing ngingiti ka riyan habang katext 'yang fafa mo. Sige na, ikaw na mahaba hair! Ako na ang dyosang single. Hmp!"



"Pati si Cassandra, mamang. May kasama ka naman sa pagiging single."



"Ah ganyanan? Por que may awra ka na ha, kumukuha ka na ng karapatan para tapak tapakan ang pagkatao namin ni bakla. Abangan ka kaya namin after class?" Nakangusong hayag ni Reginaldo. Napatawa si Rose at mabilis na niyakap ang kaibigang bakla. Abala ang tatlo sa pagtawa nang biglang tumahimik ang maingay na silid. Napatigil sa pagtawa ang tatlong magkakaibigan nang biglang magsi-ayos sa kaniya-kaniyang upuan ang bawat kaklase nila. Nang mapatingin sila sa pinto, roon bumungad sa kanila si Ms. Toledo. As usual, suot nito ang ang mukhang istrikto't mataray nitong maskara. Poker face itong naglakad patungo sa desk niya at may kalakasang binagsak sa mesa ang tumpok ng mga papel na dala dala nito. Tila nakakabinging katahimikan muna ang sumakop sa kanila, bago ito tumikhim.



"Na-markahan ko na ang huling aktibidad na ipinagawa ko sa inyo para sa buwan na 'to. Alam n'yo naman siguro na malakas humatak ang singko sa klase kong ito?" Pagtatanong nito sa tahimik na klase. Nakataas ang dalawang kilay ni Ms. Toledo at tila tahimik na naglalaro ang daliri nito sa tumpok ng papel na nakapatong sa mesa niya. "Natatawa lang ako dahil iyon na nga ang huli't pinaka madaling aktibidad na ipinagawa ko sa taong ito, pero may estudyante pa rin palang pipiliing hindi sundin ang pinapagawa ko. I'm so disappointed. The tasks I'm requiring you to complete are not for me, class. These are for your grades." Malakas na saad nito. Nagkakatinginan tuloy ang bawat isa sa klase dahil sa sinasabi ng kanilang guro. Tila hindi kasi nila makuha nang malinaw ang nais ipabatid nito.



Alluring The Fire [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon