IKATATLUMPU'T ANIM NA KABANATA

1.7K 60 11
                                    

IKATATLUMPU'T ANIM NA KABANATA




"Saan na kaya 'yon?" Mahinang wika ni Cassandra sa sarili at nagpalinga linga sa paligid. Hindi siya mapakali kada magpapalit ang numero sa minuto ng orasan. In an hour, magsisimula na kasi ang klase niya, ngunit 'yung taong kikitain niya sana ngayon, ni anino ay hindi pa nagpapakita. Isa pa, hindi niya alam kung saan ba sila no'n pupunta. Wala naman kasi itong nabanggit sa dalaga, ngunit pinapanalangin ni Cassandra na malapit lang. Muling napasulyap ang dalaga sa relong pambisig na suot at halos mapabuntong hininga nang makitang halos kinse minutos na ang nakakalipas. Mabilis niyang hinigit ang phone sa bulsa ng paldang suot at nagtipa ng mensahe para sa taong iyon.


San ka na?

Sent.


"Cassandra!"


Mabilis na napa-angat ang dalaga ng ulo at doon niya nakita si Clarence na patawid ng kalsada. Mabuti naman at nandito na 'to, ani Cassandra nang makatawid ang binata. Nakangiting tumakbo si Clarence papalapit sa dalaga. "Kanina ka pa ba rito?" He asked while rubbing his nape, embarrassment was evident on his face.


"Uhm... medyo lang naman." Cassandra said while looking at the thick pile of papers Clarence was clutching on his chest. Mukhang may dinaanan pa ang isang 'to, the young lady thought.


"Pasensya na talaga. Nagpa print pa kasi ako." Paghingi ng paumanhin ni Clarence. Tama nga ang hinala ng dalaga. All of the sudden, the annoyance Cassandra was kinda feeling earlier vanished in just a blink. She's a student too, so she totally understood Clarence.


"Ano ka ba, ayos lang. Saan nga pala 'yung pupuntahan natin?" She asked as they started walking.


"Diyan lang sa may bandang likod ng simbahan. Nandoon kasi nakatayo 'yung maliit na shop no'ng kakilala ko." Wika ni Clarence.


Malapit lang pala, aniya ng dalaga sa sarili. Nagsimula silang maglakad ni Clarence. Sa kabila ng maingay na paligid gawa ng mga taong naglalakad at mga ingay na nagmumula sa mga busina ng mga sasakyan, nakaramdam pa rin ng kaonting pagka-ilang ang dalaga marahil ay dahil sa katahimikang bumabalot sa pagitan nila ni Clarence. Hindi sa pagmamaganda, pero nakaka-ilang pala kapag kasama mo 'yung taong nagsabing may pag hanga sa'yo. Napayakap si Cassandra sa sarili nang maramdaman ang paghaplos ng malamig na hangin sa kaniyang katawan.


"Ramdam na ramdam na ang nalalapit na kapaskuhan 'no?" Clarence suddenly spoke. Mabilis na napabaling si Cassandra sa binata. Nakita niya itong nakatingala at nakatingin sa mga dahon ng punong dinadaanan nila. Kaagad na napabalik sa harapan ang tingin ng dalaga nang biglang yumuko ang binata upang tingnan siya.


"Matagal pa naman 'yung pasko."


"Ikalima na ng Disyembre ngayon. Halos dalawang linggo na lang, mag pa-pasko na." Nakangiting wika ni Clarence at saka muling pinanuod ang mararahang pagbagsak ng mga dahon mula sa itaas.


Cassandra was slightly surprised. December 05 na ngayon? Pakiramdam niya tuloy sa sobrang pagiging abala niya sa eskwelahan, nakakaligtaan na rin niyang tingnan ang petsa. Nagpatuloy sila sa paglalakad. Maya-maya'y sinaluhan niya si Clarence sa panunuod ng mga dahong tahimik na nagpapaduyan duyan sa hangin.


"Anong nararamdaman mo habang pinapanuod ang mga dahon?" Pagtatanong ng binata habang hindi sinusulyapan si Cassandra.


Nagtatakang napabaling muli ang dalaga sa binata dahil sa naging katanungan nito. Bakit naman kaya nito natanong? Cassandra tried to look for a good answer, but ended up saying the honest one. "W-Wala naman, bakit?"


Alluring The Fire [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon