IKALAWANG KABANATA

2.9K 163 7
                                    

IKALAWANG KABANATA





Halos hindi mapakali si Cassandra habang pinapanood ang paglabas-pasok ng mga tao sa loob ng gusali kung nasa saan naroroon ang opisina ng alkalde. Hindi ito ang unang pagbisita niya sa gusaling iyon. Minsan ay nagpupunta sila roon upang kumuha ng mga dokumentong kakailanganin nila sa ibang importanteng bagay ngunit ilang taon nang nakalipas iyon. Halos hindi na nga niya matandaan kung anong taon ang huling pagpunta nila ng kanyang Ina rito.


Madalas rin niyang nakikita ang tatlong palapag na gusali tuwing naglalakad siya patungo sa main terminal ng mga tricycle. Kaya hindi naman siya nahirapang pumunta sa pakay niya. Pawisan siya nang makaabot sa loob ng gusali kanina. Kahit may dala siyang payong, hindi iyon naging sapat upang makaligtas siya sa hagupit ng haring araw. Mabilis siyang nagtanong sa guwardiya roon kung nasa saan ang opisina ng Mayor. Maagap naman nitong sinabi sa kanya na nasa ikatlong palapag, sa bandang kanan, ay naroroon ang opisina ng alkalde.


Mabilis siyang sumakay sa elevator at paulit-ulit niyang iniisa-isa ang mga photocopies ng dokumentong dala niya na nakalagay sa dirty white na folder. Nang makarating siya sa ikatlong palapag, inilibot niya ang paningin sa paligid at doon niya nakita ang opisina ng alkalde. Imbes na lumakad papunta roon, hindi alam ni Cassandra kung anong nangyari sa paa niya at tila ayaw na nitong gumalaw mula sa kinakatayuan. Kumabog ang kaniyang dibdib sa 'di malamang dahilan habang nakatingin sa saradong pinto ng silid. Nakaramdam din siya ng pamamawis ng kamay at tila gusto na lang niyang umuwi at sabihin sa Ina na hindi na sila tumatanggap ng aplikante para sa scholarship. Ngunit 'di ako paniniwalaan ni Nanay, isip niya. Walang nagawa si Cassandra kundi ang sumakay ulit ng elevator at nagpunta sa unang palapag. Mabilis niyang hinanap ang banyo upang magpakalma muna. Kahit papaano'y natatandaan pa naman niya kung saang palapag naroroon ito. Hindi naman siya nahirapang hanapin iyon dahil hindi pa man siya lubusang nakakatapak palabas ng elevator at kaagad na rin nahuli ng kanyang mata ang sign board ng banyo.


Halos nakaka-ilang minuto na rin siya sa loob ng restroom. May mga empleyado na pumapasok doon upang gumamit ng banyo at mabilis namang umaakto si Cassandra nang normal para hindi nila isiping nandoon siya upang tumambay lamang. Muli niyang tinitigan ang sarili. Ni hindi niya alam kung tama ba ang damit na pinili niya para sa araw na iyon. Kasalukuyan kasi siyang nakasuot ng puting floral na off shoulder top, kupas na paldang maong na hindi umabot sa kanyang tuhod at itim na flat shoes. Pakiramdam niya'y masyado 'ata naging pormal ang kasuotan niya, ngunit sabi naman ng Ina niya'y ayos lang iyon. Humugot ng suklay si Cassandra sa maliit nitong sling bag upang ayusin ang buhok niya. Nasa kalagitnaan siya ng pagsusuklay nang maramdaman niyang nag vibrate and lumang touch screen na Samsung phone nito. Mabilis niyang kinuha ang cellphone at binuksan ang mensahe.


"Kamusta ang lakad mo, 'nak?" Mahinang binasa ni Cassandra ang mensaheng mula sa kanyang Ina at halos manlumo siya dahil kahit katiting na motibasyon ay wala siya upang tumuloy sa opisina ng alkalde sa oras na iyon. Ngunit alam niya sa sariling kailangang matapos ang araw na iyon.


Ang kailangan ko lang namang gawin ay ipasa itong mga dokumento at umalis, aniya sa isipan. Wala sa sariling napatango si Cassandra dahil mukhang ganoon nga ang gagawin niya. Sa huling pagkakataon ay muli niyang inayos ang sarili at muling dumiretso sa elevator.


Humihiling pa sana siya na magtagal sa loob ng elevator nang biglang bumukas ito at bumungad sa kanya ang pamilyar na itsura ng palapag. Nandito na naman tayo. Dahan dahang naglakad si Cassandra patungo sa opisinang iyon habang mahigpit na hawak hawak ang folder ng mga dokumento niya. Napalunok si Cassandra nang tumapat na sa kanya ang nakasaradong pinto.


Alluring The Fire [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon