IKALABIMPITONG KABANATA
"Alam mo bang sabi no'ng alagad ni Loida nagparamdam na naman daw si Lucia sa may Linear Park." Nanlaki ang mata ni Rose sa narinig na siyang naging dahilan ng malaking pagkagat nito sa corndog na kinakain.
"Talaga, mamang?" Napaturo ang hintuturo ni Reginaldo sa puwesto ni Rose at napatango.
"Oo, 'nak."
"Seryoso? Ano raw nangyari?"
Saglit na napasipsip sa iced-coffee si Reginaldo bago muling tumango, "Ayon nga raw, nakatambay daw 'yung squad nila Loida ro'n, tapos mga alas siete na raw ng gabi 'yon, bigla raw napatili si Kiana kasi may tumabi raw sa kaniyang babaeng nakaputi, pero no'ng tumingin daw 'yung iba, wala naman. Tapos ayon, bigla raw silang gininaw, syempre ang mga kabaklaan, nashokot, ayon nagtititili sila beki. Nasita pa tuloy sila no'ng guard na umiikot."
Napa-ismid si Rose, "Bakit naman kasi nando'n pa sila ng gano'ng oras? Haler, wala kayang ilaw sa part na 'yon. Tsaka isa pa, paano nila nakakayanang tumambay do'n? Sobrang kyoho kaya ng ilog Esperanza!"
Napapilantik ang daliri ni Reginaldo saka napaikot ang mga mata, "Anetche pa nga ba, 'nak. For sure, umaawra ang kabaklaan."
"Korak. Minumulto tuloy sila sa kapokpokan nila."
"Natumpak mo, beki." Pagsang-ayon ni Reginaldo sa kaibigan.
"Pero mamang, naniniwala ka ba na totoo si Lucia?" Tanong ni Rose at sa 'di malamang dahilan ay tinaasan siya ng balahibo pagkatapos nito magtanong.
"Ewan, 'nak. Syemps habang 'di ko pa nakikita, edi iisipin kong kemerut lang siya, pero jusko, huwag na siyang magpakita sa'kin. 'Di ako mahilig sa tahong. Lason pag nagkataon, dai!"
Napatawa nang malakas si Rose sa tinuran ng kaibigang bakla. "Trut, pero malay mo mamang, isa pala sa misyon ni Lucia ay gabayan ang mga taong napapalihis ng landas—"
"Nak, 'pag 'di ka tumigil, ihahagis kita sa ilog Esperanza para makasama ka na ni Lucia." Wika ni Reginaldo at saka inikutan ng mata ang tumatawang si Rose.
"Pero si Cassandra mukhang kanina pa nalunod sa ilog Esperanza ang utak, hanggang ngayon, tulaley pa rin!" Pagpansin ni Rose sa kaibigang kanina pang walang imik. Napatingin naman si Reginaldo sa puwesto ni Cassandra.
"Truth, pero huwag ka, 'nak, nilibre tayo ni bakla. Mukhang madatung siya today."
"Natumpak mo, mamang. Feeling ko nakakuha na 'to ng allowance eh. Kasi 'di ba scholar siya ni mayor?"
"Saan?" Mabilis na napalibot ang mata ni Cassandra sa paligid nang marinig ang salitang huling binanggit ni Rose. Shet, nandito siya?!
"Ang ano, bakla?" Tanong ni Reginaldo, habang si Rose naman ay napabaling din ang mata sa paligid, tila tinutulungan si Cassandra mahanap ang bagay na hindi naman niya alam.
Napaharap si Cassandra sa kaibigan, "Si mayor? Sabi mo nandito siya, 'di ba?"
Napakurap nang ilang beses ang dalawa bago tumawa. "Wala, bakla. Nabanggit ko lang. Ikaw ha, hinahanap mo?" Pangtutukso ni Rose sa kaibigan.
BINABASA MO ANG
Alluring The Fire [Under Revision]
RomanceWARNING: SPG | Mature Content | R-18 All she was expecting from him was a grant to support her education; little did she know that he would give her more. ✼━━━━━━━━━━━━✼ ...