IKA-APATNAPU'T LIMANG KABANATA

2.2K 81 42
                                    

IKA-APATNAPU'T LIMANG KABANATA




"Pupuntahan kita riyan ngayon."



Iyon na lang ang huling binanggit ng alkalde at saka pinatay ang tawag. Naging mahigpit ang hawak niya sa phone bago isinandal ang kanang siko sa may counter. Saglit na napahilot sa sintido ang libreng kamay ni Lorenzo. Ang dami na niyang iniisip, at ngayo'y dumagdag pa lalo sa bigat ng nararamdamn ang Ate Xania niya.



Halos mag-a-alas dos na ng madaling araw nang makarating siya condo unit niya. Medyo nakarami siya ng nainom at nakaramdam na ng hilo nang mapagpasyahan niyang umuwi. Sa pagkakatanda niya, si Austin ang nagmaneho ng sasakyan niya at ang kaibigan na rin ang umalalay sa kaniya papasok ng unit niya. Kung paano nakauwi ang kaibigan, wala na siyang alam. Hindi naman siya sobrang lasing, pero hinayaan na rin niya ang kaibigan na gawin ang gusto nito. Ngunit kung kailan naman ay magpapahinga na siya nang tuluyan sa kaniyang silid, doon naman tatawag ang kapatid niya. Ayaw niya sana itong sagutin, ngunit nagtataka siya kung bakit ito tumatawag sa oras na 'yon. Lumipad na lang palayo sa sistema niya ang kalasingan nang marinig itong umiiyak sa kabilang linya.



"Lorenzo, tulungan mo 'ko. Si Dad, ang sabi niya kapag nagmatigas ka raw lalo tungkol sa kasal ninyo ni Priscilla, iuurong niya raw ang kasal ko sa susunod na buwan na. Tulungan mo 'ko. Ayokong makasal sa lalaking iyon. May mahal akong iba at siya ang ama ng pinag dadalang tao ko. Tulungan mo ako, Lorenzo."



Saglit na mariing napapikit ang alkalde at saka humithit sa sigarilyo nito. Hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman para sa kapatid. Nasisiyahan siya kahit papaano na nagpapatulong ito sa kaniya upang 'di matuloy ang kasal nito sa iba, ngunit biglaan naman 'ata ang isa pang balitang natanggap niya na nagsasabing ngayo'y buntis ito. Pakiramdam ni Lorenzo ay mas lalong kailangan niyang aksyunan kaagad ito, lalo pa't may supling nang maaaring maipit sa sitwasyon. He's more than willing to help her sister, but right now, he doesn't have any idea how will he manage all the problems and time all together at once. May plano siyang tulungan ang kapatid, ngunit 'di naman niya inaasahang darating ang problema nito sa puntong iyon, kung saan maski siya ay hirap pang ayusin ang sariling problema.



Saglit na sumimsim sa kape si Lorenzo. Lubos na galit ang nararamdaman niya para sa ama. Paano nito naaatim na ipitin ang sariling anak, na siyang nagmula sa sariling laman at dugo niya, sa mga ganitong sitwasyon? Kung umasta ito ay tila walang pusong nilalaan para sa mga anak. Minsan tuloy, pakiramdam ni Lorenzo, makakawala na lang sila sa kulungang ginawa ng ama kapag nalagutan na ito ng hininga.



Muli siyang napahithit sa sigarilyo nang maalala pa ang isang paksa na bumubuo ng problema sa kalooban niya: si Cassandra. Isa sa rason niya kung bakit siya sumama kina Matteo ay upang magpakalulong sa alak at makalimutan ang dalaga pansamantala, ngunit kahit ang multo ng dalaga ay talagang ayaw siyang tantanan. Naaalala niya pa kung paano humigpit ang kamao niya habang pinapakinggan ang kinukuwento ni Matteo no'ng gabing iyon.



"I wasn't expecting to see Cassandra there, but what I didn't expect the most was when she suddenly hugged me, cried, and told me that she missed me so much. I wasn't expecting those actions from her, but damn, Dude. That evoked something inside my heart."



"Maybe you meant, that evoked something to your dick." Austin jested before laughing loudly. Isang suntok sa braso ang nakuha nito mula kay Matteo.



"Putangina mo talaga, Austin. Isusumbong ko kay Rose 'yang pasmado mong bibig." Pananakot ng binata. Nakakuha ito ng masamang titig mula kay Austin.



"Don't you dare, Matteo." Ani Austin at isang malakas na tawa na lang ang nangibabaw sa silid.



Lorenzo plastered a sardonic smirk on his face. Cassandra missed him, huh? Now, he can watch Cassandra's true colors gradually unfurling. He was right. Women really don't know how to be contented; they don't know how to stick to one. Maybe, these sitches boost their ego. Priscilla's right about Cassandra. I'm stupid and just too blinded that's why I failed to see the real she through those barriers of synthetic emotions, but everything has its own end. I'm glad I was able to regain my consciousness as soon as I've found out about her real agenda.



Alluring The Fire [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon