IKATATLUMPU'T DALAWANG KABANATA

2.2K 64 10
                                    

IKATATLUMPU'T DALAWANG KABANATA




Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang kung magpadala ako sa mga salitang namumutawi sa bibig ng lalaking 'to. Minsan napapa-isip ako kung sadyang ganoon ba talaga ang normal na reaksyon kapag may nalaman kang sa tingin mo'y nagpawala na parang bula sa mga pagkabahalang nararamdaman mo. Tulad na lang sa mga oras na 'to. Dati, sobrang hindi ako pabor sa nagiging patagong koneksyon na mayro'n kami ng alkalde, at mas lalo lang lumakas ang pagtutol na iyon nang mapagkamalan kong may kasintahan ang binata, pero ngayong nasambit niya sa'king wala naman talaga silang relasyon, tila naging komportable ako sa mga nangyayari... na nakakatakot para sa akin. Natatakot ako kasi nagagawa kong maging komportable sa mga bagay na alam kong hindi dapat namin ginagawa.



"Sige po, 'Nay. Magtetext po ako kapag nakarating na kami ro'n. Kain na po kayo riyan. Bye po."



Natapos ang tawag. Mula sa kaniyang tainga, dahan dahang naglandas pababa ang kamay ni Cassandra sa kaniyang hita habang hawak hawak ang phone ni Lorenzo. Napatingin siya sa labas at pinagmasdan ang onti-onting paglapat ng mga butil ng tubig na ipinapatak ng madilim na kalangitan sa gabing iyon. Saglit siyang napa-isip. Tila hinayaang maglakbay ang isipan patungo sa kawalan. Hanggang kailan kami sa ganitong sitwasyon? Saan kami aabot?



"Are you okay?"



Napakurap si Cassandra at kaagad na lumingon sa puwesto ni Lorenzo na ngayo'y abala sa pagmamaneho. Hindi nakatakas sa mga mata ni Cassandra ang isang nakaw na sulyap mula sa binata.



"Oo, ayos lang. Ito pala 'yung phone mo." Wika ni Cassandra at wala sa sariling inabot ng palad niya ito sa direksyon ni Lorenzo.



"Could you hold it for the meantime? I'm still driving."



Tumango si Cassandra at saka muling ibinagsak ang kamay sa kaniyang hita. "Okay."



"Pinayagan ka?" Pagtatanong ni Lorenzo habang diretso ang mga mata. Hindi ito tinapunan ng tingin ni Cassandra, bagkus ay bumaling ito sa direksyon ng tatahakin nila.



"Oo." Maikling sagot ni Cassandra. Hindi niya makuha kung bakit nagtatanong pa ang alkalde kung halos katabi lang naman niya ito nang tawagan ang Ina. Saglit siyang napakagat sa ibabang labi nang maalala ang alibi na sinabi sa Ina. Group project ha. Sa mga sandaling iyon, hindi maintindihan ni Cassandra kung bakit parang 'di niya 'atang maramdaman ang sarili. Pakiramdam niya'y saglit na lumihis ng landas ang kaniyang sarili at ngayo'y halos 'di ito maging pamilyar sa kaniya. Kailan mo pa nagawang magsinungaling sa Ina mo para sa isang lalaki, Cassandra?, tanong ng mumunting tinig sa kaniyang isipan. Ngayon lang, sagot naman ng kabilang parte. Ngayon lang.



"I see. That's easy." Wika ni Lorenzo habang nakangisi. Hindi niya alam kung saan siya natutuwa--- dahil ba sa makakasama niya si Cassandra sa gabing iyon o dahil tila nagiging pabor sa kaniya ang lahat. Hindi niya naiwasang sulyapan ang mahahabang binti ng dalagang kaswal na nakaupo sa tabi niya. I can't wait to fondle those long and lovely legs.



"Anong easy?" Tanong ni Cassandra habang 'di inaalis ang tingin sa daan. Hindi niya alam kung ano ang tinutukoy ng binata na easy. Kung siya ba o ang sitwasyon kung saan napapayag niya ang Ina na magpalipas ng gabi sa tirahan ng kaniyang kaklase.



"Ang ibig kong sabihin ay ang pagpapa-alam mo. Ang akala ko ay hindi ka papayagan."



"Hindi naman istrikto si Inay sa mga ganitong bagay. Basta ba't magpapa-alam lang sa kaniya, ayos na 'yon. 'Di naman siya mahigpit at saka may... may tiwala 'yon sa'kin." Halos mabilaukan ang dalaga nang binabanggit ang salitang tiwala. Bigla siyang nakaramdam ng guilt. Tiwala. Tiwalang 'di ko pinapahalagahan.



Alluring The Fire [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon