IKA-LIMAMPU'T TATLONG KABANATA

702 25 15
                                    

IKA-LIMAMPU'T TATLONG KABANATA




Bakit nandito si Lorenzo? Paano niya nalaman na nasa Bicol ako? Ano ang binabalak niya?


Nakaramdam ng kirot sa ulo si Cassandra dahil sa mga nangyayari. Lubos siyang naguguluhan. Hindi niya inaakala na ang taong 'di niya nais at inaasahang makita ay nandito ngayon sa harap niya.


Ganito ba talaga makipaglaro ang tadhana?


"Pasok ka, Lorenzo," anyaya ng kaniyang tiya. Doon lamang nagawa ng alkalde na putulin ang tinginan nila bago ito humarap sa tiya Chona niya.


"Maraming salamat po. Para sa inyo nga po pala," wika nito at may iniabot sa kaniyang tiyahin.


"Ay, naku, nag-abala ka pa pero salamat,"


Cassandra, pumasok ka na sa k'warto mo!


Gusto niyang kastiguhin ang sarili. Bigla siyang nakaramdam ng pagkalito. Malalang kaguluhan—kay Lorenzo at sa sarili niya. Hindi niya mahuli kung ano nga ba ang tunay niyang nararamdaman sa mga oras na 'yon. Hindi niya alam kung dapat ba siyang makaramdam ng tuwa o dapat ba siyang lalong magalit dahil guguluhin na naman siya nito.


Cassandra, nababaliw ka na kung makakaramdam ka pa ng tuwa ngayong nakita mo siyang muli sa kabila ng mga ginawa niya sa'yo! Alalahanin mo na lang kung anong impyerno ang pinagdusahan mo sa kaniya!


Nakakunot ang noo na pinanood niya kung paano nito kausapin ang kaniyang tiyahin. Mahina, halos hindi niya marinig ang pinagsasabi nito. O baka masyado lang akong nabibingi sa mga tinig sa isipan ko?


Nakita niyang tumango ang kaniyang tiyahin. Matapos no'n ay muling nagsalubong ang mga mata nila ni Lorenzo. Naging hudyat niya iyon upang mas lalong ipagtulakan ang sarili na lumayo. Sa kabila ng paninigas ng kaniyang mga paa, hindi na niya alam kung paano niya nagawang humakbang.


"Cass, maari ba tayong mag-usap?"


Tawag ni Lorenzo sa kaniya, ngunit 'di niya ito pinansin. Papasok na sana siya sa kaniyang silid nang maramdaman ang kamay ng alkalde sa kaniyang pulsuhan. Halos mapaigtad siya sa init ng palad nito.


"Cass,"


"Pagod ako, Lorenzo. Gusto ko na munang magpahinga," malamig na tugon niya nang 'di hinaharap ang binata.


She heard him heaved a sigh. "Kahit saglit lang, please?"


"Lorenzo, pagod nga sabi ako," mahina ngunit matalim na sagot niya rito. Alam niyang nasa paligid lang ang kaniyang tiyahin at ayaw naman niyang marinig nito ang pagtatalo nila. "P'wedeng bitiwan mo 'ko?" Dagdag niya bago pilit tinatanggal ang palad ni Lorenzo ngunit nagmatigas ito. "Ano ba?!" She hissed.

Alluring The Fire [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon