IKATATLUMPU'T TATLONG KABANATA

1.8K 57 6
                                    

IKATATLUMPU'T TATLONG KABANATA




"Sino ba 'yan, bakla? Sagutin mo nga. Kajirita eh." Asar na wika ni Reginaldo sabay aktong titingnan sana nito ang screen ng phone ni Cassandra, ngunit mabilis na nakuha ito ng dalaga mula sa gilid niya.



"Fafa siguro 'yan." Komento ni Rose habang ngumunguya.



"Feeling ko rin, 'nak. Kaya hindi sinasagot kasi LQ sila." Panggagatong ni Reginaldo.



"LQ kaagad, mamang 'no? Pero 'di manlang nagkuk'wento sa atin. Ganiyan ba talaga kapag nagkaka boylet? Nagkakalimutan ng kaibigan?"



"P'wede ba, tumigil nga kayo." Napa-ikot ng mata si Cassandra at saka pinatay ang phone. B'wisit talaga 'tong si Lorenzo, aniya sa isipan.



"Sino ba kasi 'yan? Bakit 'di mo sinasagot?" Usisa ni Rose. Napalunok si Cassandra nang makita niyang ngayo'y parehas na nakatingin sa kaniya ang dalawang kaibigan.



"Uhm..." Sa totoo lang 'di alam ni Cassandra kung bakit gano'n na lang siyang natutuwa sa t'wing nakikita niyang nag-a-appear ang pangalan ni Lorenzo sa screen ng kaniyang phone. Maaari naman niya talaga 'tong patayan ng tawag o i-turn off ang device, ngunit ayaw niyang gawin. Tila naaasar siya, ngunit 'di maiwasang gumaan ng kalooban niya sa t'wing patuloy pa rin itong tumatawag sa kabila ng pagmamatigas niya. Pabebe lang, Cassandra? Parang gusto na lang tuloy niyang mapailing sa naiisip. "Kasi 'y-yung kaklase ko no'ng High School, nakita ko no'ng nakaraan, tapos n-niyaya akong mag networking."



Napapilantik ng daliri si Reginaldo sa ere. "Teh, jusko! May experience rin ako sa ganiyan. Last week lang 'to ha!"



'Di naman maiwasang mapatawa ni Rose dahil sa itsura ng kaibigan habang nagkuk'wento. "Ano bang nangyari, mamang?"



Saglit na sumipsip si Reginaldo sa hawak niyang softdrink. "Kasi may kinababaliwan ako dati, mga High School era rin 'to, pero 'di ko siya classmate, kapitbahay lang ganurn. Ang hawt hawt niya kasi t'wing naglalaro sila ng mga alagad niya ng basketball, tapos attendance is a must t'wing may liga sila. Basta supportive jowa akes sa kaniya noon." Napa-ismid si Rose habang si Cassandra naman ay natatawa. "Friendly naman kasi siya, mga beki, kaya siguro na-fall din ako dati sa kaniya. Tapos pinagtanggol din ako no'n once! Kasi gabi no'n, tapos imbyerna 'tong sisteret ko. Nagpabili ba naman sa'kin ng modess with wings, eh that night may mga chakaret na nag-iinuman sa may tindahan tapos kinutya kutya ang beauty ko, teh! 'Di ko matanggap! Syempre nasa dugo ng kabaklaan ang pagiging strong woman so nakipag bangayan ako sa kanila, tapos jeske! Biglang dumating ang aking moreno knight in a shining and shimmering armor, tapos syempre siya ang nag take over sa labanan kasi pagod na ang reyna makipag sagupaan. Hay naku, bakla. 'Yon na ang moment na na-realise kong maybe we are meant for each other. Tapos sinabayan niya pa ako no'n sa paglalakad pabalik ng baler. Napaka gentleman talaga."



"Malamang, sabi mo magkapitbahay lang naman kayo eh. Echoserang frog." Komento ni Rose, ngunit 'di siya pinansin ni Reginaldo.




"Kaso nga lang, two days after that night, nalaman kong may jowa na pala siya. Sobra akong na-hurt. Nakahanda pa naman na 'yung bagong sapatos na ibibigay ko sa kaniya para sa parating na liga, kaso may nauna nang magbigay. Tse! Chaka naman 'yung jowa niya eh. Kapag ako naging tunay na girl, kavog ko pa 'yon, for sure."



"Anong nangyari no'ng last week?" Cassandra queried.



"Simula no'n I forced myself to make move on move on. Ako na lang kasi ang nagmamahal, pero after two weeks, lumipat din sila ng tirahan eh, so nakatulong 'yon sa pag mo-move on ko. Tapos ito na nga, last week, teh. Akala ko naka move on na ako, pero after ko siyang makita no'ng araw na 'yon, parang biglang nabuhay ang natutulog kong kipay. Parang gusto ko siyang yapusin with so much feelings. Ang bango bango kasi ni boylet at jusko sister, pumuti na rin siya ngayon! Mas maputi pa sa singit ko ha at ang maskels, pumuputok! Syempre kaonting kamustahan, ganiyan, ganito. Tapos tinanong ako kung free raw ba ako kinabukasan kasi gusto niya raw ako maka bonding, so ako kinilig nang bongga. I was thinking baka after so many years na-realise niyang, ako pala talaga ang tinitibok ng noches niya at gusto niyang punan ang lahat ng pagkukulang niya sa'kin, so ang kabaklaan 'di na nag pabebe pa at nagpalitan na kami ng phone numbers. Todo awra ako no'n, mga ateng! Alam n'yo bang nag backless top pa ako no'n at nag make up kasi nga first date namin 'yon. Kinilig pa ako nang bongga no'ng sinabihan niya akong ang ganda ganda ko raw, pero nawindang ang matres ko kasi dinala niya ako sa parang isang maliit na building eh. Akala ko nga baka ro'n siya nakatira. Kaso ateng, pagkabukas ng pinto, nakakita ako ng malaking whiteboard sa unahan at nakahilirang mga puting monobloc chairs!"



Alluring The Fire [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon