IKA-APATNAPU'T ISANG KABANATA (Unang Bahagi)

1.8K 50 7
                                    

IKA-APATNAPU'T ISANG KABANATA (Unang Bahagi)




Cassandra doesn't have any idea when or where did she realise that she's falling for Lorenzo. Hindi dapat, ngunit hindi ganoon kadaling pigilan ang nararamdaman. Heaven knows how many times she tried to stay away from him, but it's always a fiasco. Simula pa lang naman, alam na niya na maaaring humantong sa ganito ang sitwasyon--- kung saan makakaramdam siya ng kalituhan, ngunit wala siyang ibang ginawa kung hindi ang magpatianod sa bugso ng damdamin. At ngayong tuluyan na siyang nahulog, hindi na tuloy niya alam kung paano pa makakalaya. Ngunit para sa kaniya'y parang hindi na mahalaga ang makawala pa sa nakaka-adik na pakiramdam na iyon. Ang nais na lang niya'y magpakalulong at magpakasasa.



They were both panting when Lorenzo pulled away from the kiss. Ramdam na ramdam ni Cassandra ang maiinit na palad ng binatang kasalukuyang ikinukulong ang mukha niya, sa kabila ng malamig na panahon.



"Are you feeling sleepy now?" Lorenzo asked while gazing at the young lady's swollen lips. Nangingiting umiling ang dalaga.



"Okay." He replied before dipping his head again to claim Cassandra's lips--- tulad ng inaasahan ng dalaga. Mabilis na muling pumulupot ang mga bisig niya sa batok ni Lorenzo at muling mainit na tinanggap ang labi ng binata.



Matapos nilang makabalik sa bahay ng alkalde, hindi na alam ni Cassandra kung ilang minuto na ba silang naghahalikan ni Lorenzo. Hindi naman iyon ang unang beses na naghalikan sila, ngunit ramdam ng dalaga na may iba sa mga halik na ipinapataw ng binata sa mga labi niya. Tila ba mas maingat ang mga ito, hindi nagmamadali, at parang bang puno ng sinseridad. Sa ilang beses na nilang ginawa ng alkalde ang bagay na 'yon, parang ito lamang ang bukod tanging nagustuhan ni Cassandra sa lahat. She felt connected and loved for the first time.



Napaliyad si Cassandra nang maramdaman ang palad ni Lorenzo sa kaniyang dibdib, na siyang naging dahilan upang mapakalas ang labi niya mula sa binata. Napatigil din ang binata at muling tiningnan siya. "Last one, Cass."



Hindi na naipamalas pa ng dalaga ang pagkadismaya sa narinig nang muling magdikit ang labi nilang dalawa, bagkus ay napatawa na lang sa isipan si Cassandra. She doesn't have any idea what was happening to Lorenzo. Panay ang putol kasi nito sa kanilang ginagawa at saka magtatanong kung inaantok na ba siya. All of the sudden, para bang mas inaalala nito ang nararamdaman niya kaysa sa kagustuhan ng binata. Malayong malayo sa controlling at demanding na alkaldeng nakilala niya.



Muling inilayo ng alkalde ang kaniyang mukha mula sa dalaga. Doon lang napansin ng dalaga ang kamay ng binatang kanina pa humahaplos haplos sa tagiliran niya. Saglit na katahimikan ang namagitan sa kanila bago nagsalita si Cassandra.



"May problema ba?" She asked, almost a whisper. Instead of answering her query, Lorenzo leaned against her bare shoulder and planted small kisses on her cold skin. As if he's making a trace up to her jawline.



"Wala naman. Why did you ask?" He whispered between his kisses. Dumaong ang kanang palad ng dalaga sa ulo ni Lorenzo at marahang naglaro ang mga daliri niya sa malambot na buhok ng alkalde. Nanatili sila sa ganoong posisyon at tila nakuntento na lang si Cassandra sa pakikinig sa mga mahihinang tunog na ginagawa ng labi ng alkalde sa kaniyang balat. "Hmmm. Cass?"



"Wala rin naman. Naninibago lang ako." She honestly retorted. Bahagyang napatigil si Lorenzo sa ginagawa nito, ngunit nanatiling nakabaon ang mukha niya sa leeg ng dalaga.



"What do you mean?"



Bigla tuloy napa-isip si Cassandra. May nagbago ba talaga sa kaniya, o ang lahat ng ito ay napapansin ko lang dahil may nagbago sa akin?, she thought, slightly confused. Gusto niyang tanungin nang diretso ang alkalde tungkol sa mga bagay na napapansin niyang nagbago sa pakikitungo nito sa kaniya, ngunit ang iniisip ni Cassandra ay paano kung sabihin nitong wala namang kakaiba. Siguro, may parte lang sa dalaga na ayaw niyang malamang siya lang talaga ang nakakapansin ng mga kakaibang iyon. Marahil, ayaw niya lang makumpirma na one-sided siguro iyon... ang bagay na iyon.



Alluring The Fire [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon