IKADALAWAMPU'T TATLONG KABANATA

2K 82 6
                                    

Hello, sis! I dedicated this chapter to you— JojieAlabab. Hahaha. I'm just so grateful sa compliment na ibinigay mo no'ng nakaraan. Hope you like this chapter!

*⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*





IKADALAWAMPU'T TATLONG KABANATA






Halos hindi makagalaw si Cassandra sa kinakatayuan niya nang marinig niyang tinawag ng binata ang kaniyang pangalan. Napatigil sa pag-iinarte si Reginaldo, maski si Rose na kanina'y malakas na tumatawa ay tila napatahimik din nang marinig nilang binanggit ng lalaking hindi pamilyar sa kanila ang pangalan ng kanilang kaibigan. Saglit na napasulyap si Cassandra sa mga kaibigan upang tingnan ang mga rekasyon nito. Kasi naman eh. Sa dinami rami ng araw at lugar, bakit dito mo pa kami pinagtagpo, Lord? Ani Cassandra sa isipan.



"Hey, Cass. Hindi ka na namamansin ha." Natatawang wika ni Matteo. Medyo nakaramdam siya ng pagka-ilang nang hindi siya pansinin ng dalaga. Nakita ng binata kung paano mabilis na bumaling si Cassandra sa kaniya. Mula sa lukot na ekspresyon, onti-onting ini-angat ni Cassandra ang kaniyang mga labi upang pilit na ngumiti kay Matteo.



"U-uy, musta?" Nahihiyang tanong ni Cassandra. Lalong napangiti si Matteo nang pansinin na siya ng dalaga. Akala tuloy niya'y may nagawa siyang kasalanan upang hindi siya nito pansinin.



"I didn't expect that you would be here!" Na-a-amuse na wika ni Matteo. Totoo namang 'di niya inaasahang makikita ang dalaga sa lugar na 'yon. Napadaan lang siya roon upang bumili ng paboritong pagkain ng mommy ni Austin na Japanese fish-shaped cake o mas kilala sa tawag na Taiyaki. Balak niya kasi itong bisitahin, ngunit naalala niyang dumaan muna sa paboritong tindahan ng ginang upang bumili saglit. Nalaman niyang bawal at talaga namang walang mapagpaparadahan ng sasakyan sa harap ng tindahan kaya't wala siyang nagawa kundi maghanap ng mapaparking-an. Nakahanap siya ngunit medyo may kalayuan ito mula sa tindahang pakay niya. Pabalik na sana siya sa kotse ngunit natiyempuhan naman niya na nandito rin si Cassandra.



"Bakla, kilala mo ang kyoti na otokong itey?" [Bakla, kilala mo ang cute na lalaking ito?] Bulong ni Reginaldo. Naramdaman ni Cassandra ang mahina't patagong paniniko ng baklang kaibigan sa kaniya. Napalingon si Cassandra sa kaibigan at saka napakagat ng labi.



"Kasi, ano... well, sabihin nating... uhm, medyo?" Halos hindi maituloy tuloy ni Cassandra ang sinasabi. Pakiramdam kasi niya'y gigisahin siya nang matindi ng mga kaibigan lalo na't wala naman siyang naikukuwento sa mga ito.



"OMG! Truly ba? How? When? Where? What time? Why?" Hindi makapaniwalang tanong ni Reginaldo. Tila sabik itong marinig ang mga chismis na manggagaling sa kaibigan.



"Seryoso ka, beki? Ang taray! Ganda ka?" Sabat naman ni Rose. Naghawak kamay pa si Rose at Reginaldo sa likuran ni Cassandra at tila kinikilig nang sobra nang malamang kilala ni Cassandra ang gwapong nilalang na nasa harapan nila.



"Puwede ba? Itago n'yo muna 'yang kaharutan n'yo. Nakakahiya!" Nanggigigil na bulong ni Cassandra sa kanila. Napatigil naman ang dalawa at napahiwalay ng mga kamay.



"Ito na nga, bakla. Sabi nga namin tatahimik na kami." Wika ni Rose.



Napanguso naman si Reginaldo. "Ansaveh? Sino kaya itong may boylet pero witit chinichikabells sa kabaklaan?"



"Teh, 'di ko siya boylet!" Bulong ni Cassandra rito. Tumaas lang ang sulok ng labi ni Reginaldo at tila hindi pa rin ito naniniwala sa sinabi ng kaibigan.



Alluring The Fire [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon