IKADALAWAMPU'T APAT NA KABANATA
Few minutes have passed. Nanatiling nakangiti si Priscilla sa walang kaemo-emosyong si Lorenzo. Hindi maintindihan ni Lorenzo kung isang malaking biro ba ang nangyayari sa kaniya sa mga oras na 'yon o senaryong maihahalintulad sa isang bangungot. Napa-isip ang alkalde kung ano ba ang gustong mangyari ng dalagang nasa harapan niya. Gusto niyang malaman kung bakit umaakto ito na parang walang nangyari sa kanila dati. Na para bang wala itong naging kasalanan sa kaniya.
Ilang taon na ba ang nakalipas? Pitong taon? Ni hindi na nga sigurado ang binata sa eksaktong bilang ng taon mula nang huli silang nagkita. Parang gusto niyang mapatawa sa biglaang pagsulpot ng dating kasintahan. Ano ba ang inaasahan niya? That I will be elated to see her after so many years? Na sasalubungin ko siya nang may lubos na kasiyahan sa puso? Lorenzo bitterly thought. Gusto na lang niyang mapahalakhak dahil pakiramdam niya'y ginagago siya ng tadhana.
"What are you doing here?" Kahit alam na ni Lorenzo ang dahilan sa likod ng pagpunta ng dalagang iyon, nagawa niya pa ring tanungin ito. Sa tingin kasi niya'y iyon ang pinakaligtas na salitang maaari niyang ilabas sa mga oras na 'yon. Nagpatuloy si Lorenzo sa pag-aayos ng mga dokumentong nasa kaniyang mesa.
Naramdaman niyang gumalaw ang dalaga sa pagkakatayo, tila nangangawit ang naging pagkilos nito. "Well, I just missed you. We haven't seen each other in a long time. Didn't you miss me?" Rinig ni Lorenzo na may tonong pang-aasar ang naging tugon ng dalaga. Gusto sanang balikan ni Lorenzo ang nakaraan at tukuyin kung ano ba mismo ang nagustuhan niya sa babaeng ito maliban sa magandang mukha at pangangatawan?
"Priscilla, I'm too old to play games." Walang kaemo-emosyong wika ni Lorenzo nang hindi tinatapunan ng tingin si Priscilla. Napangisi naman ang dalaga nang marinig niya ang pagbigkas ng binata sa kaniyang pangalan. It never changed. She thought, I still love the way he says my name, and bit her lower lip.
"Well, not old enough not to be my lover again, I guess." Makahulugang wika ng dalaga. Hindi na napigilan pa ni Priscilla ang magpakawala ng isang mapaglarong ngisi sa labi. Lorenzo's acting tough, but I know better, she thought.
Nakaramdam ng kaonting pagkabigla ang binata sa naging pahayag ni Priscilla. Mabuti na lamang ay napigilan niya ang sarili na ipakita sa dalaga ang pagkabigla niya. She obviously wanted to play games. If I allow myself to be duped by her again, I will be extremely foolish.
Hindi niya maintindihan ang dalaga. Dapat nga ay magalit siya rito, dahil matapos siya nitong iwanan sa ere at saktan, nagawa pa talaga nitong magpakita sa kaniya ngayon. Nagawa pa nitong magsambit ng mga salitang walang katuturunan. Hindi niya alam kung ano ba ang tumatakbo sa utak ng dalaga at tila gusto nitong ipahayag sa kaniya na gusto nitong magkabalikan silang muli. Gusto niya itong sumbatan. Gusto niya itong ipagtulakan. Gusto niya itong paalisin sa kaniyang harapan, ngunit hindi niya magawa ang alin man sa mga oras na 'yon. Maliban sa siya'y isang lalaki at magiging masyadong marahas naman 'ata kung gagawin niya iyon sa dalaga, isa pang gumugulo sa kaniya ay ang pagliban ng emosyong dapat ay nararamdaman niya. He felt numb. He felt so emotionless.
Onti-onting nawala ang mga ngiti sa labi ni Priscilla nang nanatiling tahimik si Lorenzo. Tila nakaramdam ng pagka-insulto ang dalaga nang wala siyang narinig pabalik matapos niyang sabihin ang mga salitang binitiwan niya sa binata. "So, you're not going to talk to me?" May pagka-iritang tanong ni Priscilla.
Nang maisara ni Lorenzo ang zipper ng kaniyang laptop bag, kaagad niya itong binitbit. Doon lamang muling nagtaas ng ulo si Lorenzo upang tingnan ang dalaga. Mata sa mata.
BINABASA MO ANG
Alluring The Fire [Under Revision]
RomanceWARNING: SPG | Mature Content | R-18 All she was expecting from him was a grant to support her education; little did she know that he would give her more. ✼━━━━━━━━━━━━✼ ...