IKALIMANG KABANATA

2.3K 115 8
                                    

IKALIMANG KABANATA





"Paano kung may makakita sa ating magkasama?" Iyan ang unang lumabas sa bibig ni Cassandra nang marinig ang sinabing iyon ng alkalde. Ano ba ang problema nito sa akin at masyadong ginagawang kumplikado ang lahat? naiingit na wika niya sa sarili. Napangiti naman ang alkalde. Sa lahat kasi ng naging babae niya, ito lang 'ata ang takot na makasama siya sa publiko. Ang iba'y gustong gusto siyang makasama sa labas kung saan makikita ng lahat. Women treat him like a god and like a trophy. All the women he dated loved to brag about them dating. Who wouldn't love to be with Lorenzo Castillo, the every woman's dream man? Pero ngayong nakilala niya si Cassandra, sa tingin niya ay may iisang bato ang babasag sa salamin na prumo-protekta sa kaniyang mga koleksyon. Nagkamali ang alkalde sa naisip. Mukhang hindi ganoon kadali basahin ang isang ito, but at the end of the day, Cassandra is still a woman. At sa kaniyang paniniwala, ang gusto lang nito ay pera, kapangyarihan, at atensyon. Lahat kasi ng naging babae niya ay iyon lamang ang gusto, ngunit 'di naman siya nagrereklamo. It is a win-win situation for all of them. The women get what they want and he gets what he wants, which is sexual gratification.


"So what if everyone sees us?" Nakangising tanong ng alkalde sa dalaga. Nakita niyang napailing nang ilang ulit si Cassandra. Sira ba 'to? Malamang magiging isyu iyon 'pag nakita kami ng kung sino man! aniya.


"Mali po ito. Estudyante ako at alkalde po kayo." Napangisi lalo ang Mayor sa narinig. Women must be really talented, like Cassandra. If I'm some kind of naive guy, I really would believe the show she's trying to pull on me. Of all the girls I've ever met, she's the only one who loves being complicated. Hindi alam ni Lorenzo kung bakit kailangan pang magpanggap ni Cassandra kung sa huli ay bibigay din naman ito. Doesn't she know how to read between the lines? You just need to take advantage. It is so obvious how I'm treating you. Damn, he can give her everything she wants, but he still needs to inform her that nothing is for free.


"I'm not and have never been married, and if I'm not mistaken, you said that you are single too, right?"


Hindi makapaniwala si Cassandra sa mga naririnig. Nagpukol siya sa alkalde ng masamang titig. Ika nga, kahit anong gawin mo, kung isang matibay na pader ang iyong babanggain, malabong may mangyari. 'Yon ang nararamdaman ni Cassandra sa oras na iyon. Ayaw niya rin namang magtagal sa opisina ng alkalde dahil may kailangan din siyang gawin sa bahay nila, lalo na't nakaburol pa ang tatay niya roon.


"Hindi po ako nakikipaglaro, Mayor."


"Me neither. No one's trying to kick off a game here, Cassandra." Hindi maiwasang ni Lorenzo na hindi maaliw sa dalaga. Mukhang mahihirapan siya sa isang ito, but that's what he wants. He likes challenges.


"Ibalik n'yo na lang po 'yung kailangan ko." Ulit ni Cassandra. Nauubos na rin ang pisi ng pasensya niya sa lalaking ito. Hindi man nito aminin, ramdam ni Cassandra na pinaglalaruan siya ng binata. Mukhang napaka malas niya at siya ang naging target nitong isali sa larong binubuo ng alkalde.


"You heard me, Cassandra." Nakangising tugon ni Lorenzo. That's it! Naubos na ang natitirang pasensya ni Cassandra sa katawan. Walang pasabing nilagpasan ni Cassandra ang alkalde. Ayaw na niyang makipag-usap pa sa ganitong tao. Ayaw niya lang na baka may kung anong magawa siya sa lalaking iyon at bumalik sa kaniya ang karma.


"Where are you going?"


"Hindi ko na kailangan 'yung payong."


"Leave this office, and I'll withdraw your name from the list of scholars." Napatigil sa pagbubukas sana ng pinto si Cassandra. Galit na humarap ito sa alkalde. Mas lalo lang uminit ang dugo niya nang makitang kaswal itong nakasandal sa shelf at may ngising nakadikit sa labi. Halatang tuwang tuwa si gago!


Alluring The Fire [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon