IKA-LIMAMPU'T DALAWANG KABANATA

716 36 12
                                    

IKA-LIMAMPU'T DALAWANG KABANATA





"Sister, gan'yan lang ganap mo riyan all day? Hindi naman nakakabagot?"


Saglit na inayos ni Cassandra ang pagkakasandal ng kaniyang phone sa baso at saka umiling sa katanungan ni Reginaldo. Hindi naiwasang bahagyang lamigin ng dalaga nang maramdaman ang paghampas ng malamig na hangin sa kaniyang pisngi. Mag-a-alas dyis na ng umaga ngunit hindi niya ramdam ang init ng araw. 


"Bakla, miss ka na namin ni mamang. P'wede ba kaming sumunod diyan? Libre mo kami ng pamasahe." Biro ni Rose saka nagpakawala ng tawa.


Hindi rin naiwasang mapangiti ni Cassandra sa tinuran ni Rose. Maliban sa kaniyang pamilya, lubos din ang pagka-miss niya sa mga kaibigan. Kahit na araw-araw naman siyang may nakakausap dito, iba pa rin ang comfort na nafifeel niya sa dalawang ito.


Kung may pera lamang siya, gugustuhin niya rin talaga na papuntahin dito ang pamilya at mga kaibigan niya. Pero wala eh. Ang hirap maging mahirap. Hindi lahat ng bagay na gugustuhin mo ay makukuha mo, aniya sa isipan.


"Bakla, may najisip si watashi!" Tugon ni Reginaldo at saka niyugyog ang balikat ni Rose.


"At ano naman 'yon, aber?" Pagtataas ng kilay ng dalagang kaibigan dito.


"What if sunod tayo kay bakla, pero sama natin si fafa Austin? Davah! Wala tayong gagastusing pamasahe plus naka car pa tayo. What do ya think? I'm so smart 'no, sister. You can't deny that."


"Gaga!"


Hindi napigilan ni Cassandra ang mapatawa nang makita niya sa video call kung paano binatukan ni Rose ang baklang kaibigan at saka pinandilatan. Hindi rin nakawala sa kaniya ang pasimpleng pagnguso nito sa screen na tila pinapaalala kay Reginaldo na naririnig niya ang usapan nila.


"Bakla ka, ang sakit! 'Yung brain ko. Huhu." Nakangusong ani Reginaldo habang kakamot-kamot sa parteng binatukan ng kaibigan.


"Desurb mo, mamang. 'Di ka kasi nag-iisip bago kumokak!" Pagtataray ni Rose. "Isa pa, ayoko niyang suggestion mo. Tunog manggagamit."


Napatigil sa paghimas ng kaniyang ulo si Reginaldo at ito naman ang napataas ng kilay sa narinig. "Teh gurl, paano naman naging manggagamit 'yon? Ang tawag do'n ay maximizing your privilege."


"Pauso," nakaismid na ani Rose bago pinandilatan si Reginaldo. "Isa pa, bakit 'di ka na lang kasi magjowa rin? Para 'yung privilege ng jowa mo sana 'yung nama-maximize natin ngayon!"


Pinag-krus ni Reginaldo ang kaniyang mga braso. "Sus, bakla, kung madali lang makahanap ng lalaking maayos at kung mayroon lang akong boylet baka 'di lang sa Bicol kita madadala. Hanggang North Korea dadalhin kitang bruha ka!"


Napahalakhak si Rose at saka kinurot sa braso si Reginaldo. Nang may maalala ay tinuon naman ng dalaga ang pansin kay Cassandra. "Cass, pagpasensyahan mo na 'to si mamang, ah. Wala pang almusal 'yan, eh, kaya may mga nababanggit na 'di dapat nababanggit."

Alluring The Fire [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon