IKA-LIMAMPU'T ISANG KABANATA

756 46 15
                                    

IKA-LIMAMPU'T ISANG KABANATA




"Cass, tara na! Nando'n na sila, dali!"


"Oo, wait lang." Natatawang ani Cassandra habang nagsusuot ng tsinelas. Muling lumapit ang kaniyang pinsan at kinuha sa kamay niya ang pitsel ng juice na hawak.


"Ako na magdadala nito, parang ang lamya mo tingnan eh. Baka matapon mo pa,"


"Hoy, grabe ka!" Pabirong hinampas niya ito sa balikat ngunit tinawanan lang siya nito.


"Oo nga!" Hinawakan siya nito sa kamay at hinila. "Dalian na natin!"


Halos patakbo silang tumungo  sa malaking puno ng mangga. Doon nila nakita ang tatlong babaeng nakaupo sa upuang kahoy at maingay na nagkuk'wentuhan. Nang makalapit sila rito, inilapag ni Eliah sa mesa ang hawak na mangkok at pitsel.


Natigil saglit ang tatlo sa pagdadaldalan. Mabilis na kumuha ng binalatang santol si Crizel.


"Masiram?" Tanong ni Luz.


"Iyo." Ani Crizel at saka inabot ang mangkok dito. Mabilis na sumubo si Luz at saka kumuha muli. Itinutuk nito sa bunganga ni Giselle ang santol, tila gusto rin ipatikim sa kaibigan ngunit umiling ito.


"Dai ako nagkakakan nin santol,"


"Hoy, tagalog na muna tayo. Baka ma-out of place pinsan ko kapag nag-bicol tayo sa harap niya." Natatawang ani Eliah at saka umupo sa tabi ni Luz.


"Ay, oo nga pala! Sorry na, Cass."


"Hindi, okay lang naman." Mahinang ani Cassandra kay Luz.


"Cass, tabi ka sa'kin!" Tawag ni Crizel. Tinanguan ito ni Cassandra at saka mabilis na inukopa ang bakanteng p'westo sa tabi nito.


"Ngek, wala naman tayong baso!" Wika ni Luz pagkakuha ng pitsel.


"Ay, nakalimutan namin ni Cass," Natatawang saad ni Eliah. "Teka, balik ako sa loob,"


"H'wag na,"


Sabay-sabay napatingin ang limang babae sa matandang naglalakad palapit sa kanila. May hawak itong malaking plato na naglalaman ng mga binalatang mangga at plastik na baso.


"Oh!" Mabilis na sinalubong ito ni Eliah at saka kinuha sa mga kamay nito ang dala-dala. "Salamat, auntie!"


"Auntie, upo ka rito. Tambay ka muna,"


"Ay naku, Luz, kung p'wede lang. Kaso marami pa akong tatahiin." Wika nito at saka sinulyapan ang pamangkin. "Baka ubusan n'yo ng mangga 'yung buntis ha. Kagabi pa natatakam 'yan, bigyan n'yo nang marami 'yan,"

Alluring The Fire [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon