IKADALAWAMPUNG KABANATA

2K 90 4
                                    

IKADALAWAMPUNG KABANATA





Nakangiting tinititigan ni Matteo ang papalayong dalaga. Saglit siyang napailing at saka sinunod ang sinabi nito. Kaagad siyang nagtungo sa ikalawang palapag at hindi na rin naman siya nahirapan pang hanapin ang opisina dahil may nakasulat na rin naman sa pinto nito.


Mabilis siyang pumasok sa loob at halos matawa pa nang naabutan nitong natutulog ang kaibigang si Austin. Naka-upo ito sa swivel chair niya, may nakatakip na magazine sa mukha, habang nakapatong ang dalawang paa nito sa gilid ng kaniyang mesa. Hindi rin nito narinig ang pagpasok niya dahil sa ingay ng telebisyong naiwanang nakabukas.


Dahan dahan siyang lumapit dito. Bumaba kalevel ng ulo ni Austin. Rinig na rinig niya ang mahinang paghilik ng kaibigan. This jerk, akala mo talagang nagtatrabaho rito.


Bahagya niyang inilapit ang bibig sa tainga ni Austin at nagsalita gamit ang pinaliit na boses.


"Hayop ka, Austin. Panagutan mo ako."


Halos matumba mula sa pagkaka-upo si Austin dahil sa gulat. Bumagsak ang magazine sa sahig, ngunit 'di niya ito pinansin. Kaagad na lumipad ang mga mata niya sa nakangising si Matteo.


"Fuck, dude!" Nayayamot na mura niya sa kaibigan.


"You jerk, your instructions are dumb! I got lost." Wika ni Matteo bago dinampot ang remote sa mesa ng kaibigan at pinatay ang TV.


"It is not my problem that you're stupid. You can't comprehend a simple instruction." Umayos ng upo si Austin at saka uminom ng tubig mula sa bottled water na nasa mesa niya.


Naglakad naman si Matteo patungo sa couch ni Austin at pasalampak na naupo roon. "I veered off course, but it was fine. I actually think it was a blessing in disguise." Nakangiting wika ni Matteo. Kunot noong tinitigan naman ito ni Austin.


"What do you mean?"


"Since I got lost, I asked this student to help me find your office. She's actually lovely and stunning."


"Unang araw mo pa lang dito, dumadamoves ka na kaagad sa mga estudyante ng paaralan ko."


Hindi maiwasang mapahalakhak ni Matteo sa sinabing iyon ng kaibigan. Damn. He knew how much Austin despises this university, yet he was talking here as if this was what he trully wanted. Kung makapagsalita 'to akala mo naman talagang pinapangalagaan niya ang paaralan at may imahe siyang iniingatan.


"Fuck it. What's so funny?" Naiiritang tanong ni Austin. Ilang segundo pa ang nakalipas bago tuluyang tumigil sa pagtawa si Matteo. Iniling nito ang ulo habang nangingiti.


"Nothing. Hindi mo ba ako namiss?"


"Tanungin mo ulit ako kapag hindi mo na inistorbo ang tulog ko."


"Bakit ba parang mas wala ka pang tulog kaysa sa'kin?"


Matteo heard Austin tsk. Inipon nito ang nakakalat na mga papel sa desk at inayos. "I fucking hate this university."


"Old news."


"My father was requesting that the road in front of the university be reconstructed due to flood damage. Lorenzo informed me that I have to submit a formal request with the necessary documents. I just fucking hate it."



"How's that fucker doing?" Tanong ni Matteo na tinutukoy ay si Lorenzo. Tiningnan ni Austin nang masama si Matteo.


Alluring The Fire [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon