IKA-APATNAPU'T ISANG KABANATA (Huling Bahagi)
Dalawang pares ng mga mata ang mabilis na lumipad sa kinatatayuan ni Priscilla nang biglaan niyang buksan ang pinto sa opisina ng alkalde. Halos naka-uwang ang labi ng babaeng empleyado nang lumingon siya sa modeling dalaga--- tila tuluyan nang nilamon ng hangin ang mga dapat niyang sabihin.
Tumagal nang ilang segundo bago nahimasmasan si Lorenzo sa pagkabigla. Muli nitong ibinalik ang tingin sa empleyadong nasa harapan. "Please continue what you are saying, Ms. Ramoga."
Mabilis na bumalik sa mukha ng alkalde ang mga mata ng babaeng empleyado at ilang beses na kumurap. Tumikhim muna ito bago nagsalita. "Uhm... Actually Sir, iyon na po ang lahat ng kailangan kong sabihin."
Lorenzo nodded his head as he collated all the documents he received from the employee. "Thank you, Ms. Ramoga."
"Balik na ho ako sa puwesto ko, Mayor." Ms. Ramoga replied--- almost a whisper, before raising from her seat. Walang naging imik si Lorenzo kundi ang isang tango. Bago pa tuluyang makalabas ang babae, tila nakaranas pa ito ng tahimik na pag-usisa mula sa mga mapanghusgang mata ng modelo.
"Lorenzo, I need to talk to you." Priscilla said as soon as the door behind her closed. Naglakad siya patungo sa mesa ng alkalde, ngunit si Lorenzo ay nanatiling walang imik. Aakalain mong wala itong naririnig mula sa dating nobya.
Mabilis na nilisan ni Lorenzo ang kaniyang upuan nang lumapit sa tabi niya si Priscilla. Kaagad siyang pumunta sa isang drawer at may kinuhang ilang dokumento mula roon. Nang muling aktong lalapitan siya ng dalaga, mabilis naman siyang bumalik ulit sa kaniyang mesa.
"Could you stop playing around, Lorenzo? That's so juvenile." Naiiling na hayag ni Priscilla habang muling tinatahak ang puwesto ng alkalde. Sa kabila ng sinabi niya, nanatiling tikom ang bibig ng binata. Ramdam ni Lorenzo ang sobrang pagpipigil na sagutin ang dating nobya dahil alam niyang babalik na naman sa dati ang magiging takbo ng usapan. Sa tuwing pupunta si Priscilla sa opisina niya, alam ng binata na halos pare parehas lang ang pakay nito ro'n. Kung makikipagsagutan siyang muli rito, paniguradong wala siyang matatapos na gawain sa araw na 'yon.
"Why didn't you respond to our messages? Ate Xan, your dad, and I were all worried, Lorenzo!"
He mentally shook his head. Bagong taon na, ngunit sa tingin niya'y pakiramdam ni Priscilla ay mapapaikot pa rin siya nito sa mga sinasabi ng dalaga. Tulad ng lumipas na taon, Priscilla is still full of bullshit. Binuksan ng binata ang kaniyang laptop at nagsimulang magreply sa mga messages na mayro'n sa Gmail account niya. He saw on his peripheral vision that Priscilla stood next to him, glancing at his laptop.
"What the heck are you doing? I'm talking to you!" Marahas na hayag ng dalaga bago sapilitang isinara ang laptop ng alkalde. Hindi nag protesta ang binata. Hinayaan niya na lang ito at itinuon naman ang atensyon sa mga dokumentong kinuha kanina. "Ganito ba ang natututunan mo bilang alkalde? Nawawalan ka ng respeto sa pamilya at sa mga taong gustong makipag-usap sa'yo nang maayos? Maybe, natupad mo nga ang pangarap ni Tito para sa'yo, but you don't have any idea how disappointed he was with the way you behaved that night! You even punched him! Kung umaasta ka no'n parang wala kang pangalang iniingatan! Hindi mo na nirespeto ang taong nagbihis, nagpakain, at nagpa-aral sa'yo! Kung umasta ka parang 'di mo siya ama!"
Saglit na napatigil sa pagbabasa si Lorenzo dahil sa sinabi ng dalaga. Gusto man niyang sagutin ito, nanatili pa rin ang pagtitimping mayro'n siya. Sa kabila no'n, hindi maitatago ng binata ang pag-igting ng panga niya at ang pagkuyom ng kaniyang kamao. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito na lang kung makisawsaw ang dating kasintahan sa problema ng pamilya nila. Kung tutuusin nga'y matagal na dapat putol ang koneksyon nito sa kanila lalo pa't para sa binata, matagal nang lumipas ang relasyong mayro'n sila ng dalaga.
BINABASA MO ANG
Alluring The Fire [Under Revision]
RomanceWARNING: SPG | Mature Content | R-18 All she was expecting from him was a grant to support her education; little did she know that he would give her more. ✼━━━━━━━━━━━━✼ ...