IKA-APATNAPU'T ANIM NA KABANATA

2.4K 93 56
                                    

IKA-APATNAPU'T ANIM NA KABANATA




Halos mamanhid ang buong katawan ni Matteo habang nakatulala sa mga nakapalibot na pulis sa espasyong iyon. Hindi niya alam kung paano iintindihin ang lahat. Masyadong nakakabigla ang lahat ng pangyayari. Parang nakausap niya pa no'ng nakaraang araw ang Ina ng kaibigan nang bumisita siya sa tahanan ng mga ito, at ngayon ay halos 'di na niya maatim pang tingnan ang duguan nitong katawan na dahan dahang pinapasok sa loob ng ambulansya mula sa bumangga nitong sasakyan.



Kung siya ngang mismo na hindi nito kadugo ay hindi matanggap ang mga nangyayari... Saglit siyang napa-isip sa mararamdaman ng kaibigan nitong si Lorenzo. Paniguradong 'di rin nito makakayanang intindihin ang lahat. Masyadong mabilis. Masyadong nakakabigla. Tila hindi makatarungan.



Napakuyom ng kamao si Matteo. Ibayong takot at pagkabahala ang kaniyang nararamdaman para sa magiging reaksyon ng kaibigan. Hindi pa man niya ito nakikita, ngunit kung iisipin niya ang makikitang reaksyon sa mukha ng binata dahil sa sinapit ng Ina nito, tiyak na hindi siguro niya kakayanin. Ngayon pa lang ay nasasaktan na siya para sa kaibigan.



Halos umikot ang ulo ng lahat nang makarinig ng malakas na busina. Maski si Matteo na nalulunod sa kaniyang isipan ay biglang nakaahon at mabilis na pumilig pakabila ang ulo. Roon niya nakita ang sasakyan ni Austin na mabilis tumigil sa harapan nila. Halos kumabog ang dibdib niya nang makita ang maputlang itsura ni Lorenzo. Halos itapon na nito ang sariling bag sa kalsada, upang makalapit lang kaagad sa mga pulis.




"What the fuck happened?!"



Napasunod ng tingin si Matteo at Austin dahil sa pagsigaw ng kanilang kaibigan. Halos hawakan ito ng mga pulis nang binalak nitong lumapit sa bumanggang sasakyan.



"Don't fucking touch me! I wanted to see my mom! Where's my mom?!"



"Sir, nasa ambulansya na po ang Ina ninyo. Kailangan niyang madala kaagad sa hospital." Ani isang pulis. Mabilis na lumipad ang mga mata ni Lorenzo sa ambulansiyang ilang hakbang ang layo mula sa puwesto nila. Papalapit pa lang sana siya rito nang biglang umandar ang sasakyan palayo, dala ang Ina niya.



"I wanted to see my mom!" Sigaw ni Lorenzo rito habang nakatingin sa likuran ng ambulansiya.



"Sir, mas mainam ho 'ata kung sundan n'yo na lang ang pasyente sa hospital. Kritikal kasi---"



"Lorenzo, come on!" Pukaw ni Austin dito. Hindi na nakapangusap si Matteo at Austin nang umalis din kaagad ang binata upang bumalik sa sasakyan nito. Mabilis na sumunod si Lorenzo sa kaibigan at bago pa man humarurot palayo ang dalawa, muling sumigaw si Austin. "Matt, sumunod ka na lang din!"



Tinanguan ito ni Matteo. Dinampot na lang niya sa kalsada ang iniwang bag ni Lorenzo at saka dumiretso patungo sa kaniyang sasakyan upang sundan ang mga kaibigan.



Nang makarating si Matteo sa hospital, mas lalo siyang nanlamig nang makitang nagwawala si Lorenzo sa harap ng mga doktor, habang si Austin naman ay pigil pigil ang kaibigan. Hindi pa man siya nakakalapit sa kanila, may ideya na kaagad siya sa nangyari.



"Putangina! How come you motherfuckers weren't able to save my mother's life?! Mga doktor ba talaga kayo?! You are all good for nothing! Your licenses are fucking useless! You can't even save her life!"



"Lorenzo..." Tawag ni Austin sa kaibigan habang patuloy ito sa pagtangis at sa pagsigaw. Halos napapatigil ang mga nurses at ibang tao sa loob ng hospital na 'yon sa tuwing mapapadaan sa puwesto nila.



Alluring The Fire [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon