IKA-APATNAPU'T PITONG KABANATA

2.7K 99 63
                                    

IKA-APATNAPU'T PITONG KABANATA




Halos hindi na mabilang ni Cassandra kung ilang beses niyang binasa ng tubig ang kaniyang mukha. Ilang minuto siyang nagkulong sa loob ng cubicle at nang makakuha ng sapat na lakas ay saka siya lumabas at dumiretso sa may sink. Halos magpasalamat siya nang makitang siya lamang ang laman ng restroom na iyon, na naging tiyansa rin para sa dalaga na ipagpatuloy ang pag-iipon niya ng lakas at pagpapahinahon sa rumagasa niyang emosyon.



Muling yumuko ang dalaga at sa panibagong pagkakataon ay muli siyang naghilamos. Hindi na niya alam kung para saan at ano ang saysay ng paulit-ulit na pagbabasa ng kaniyang mukha. She wasn't sure if she's doing it to conceal the undeniable state of her mental and physical weariness or she's doing it to wash off the fact that she just realized that Lorenzo has been fooling her since day one.



Nanghihinang tiningnan ng dalaga ang kaniyang repleksyon sa salamin. Gusto niyang magalit at magwala sa mga napagtanto, ngunit kahit anong pilit niya, sadyang mga nagraragasang luha lamang ang kaya niyang ilabas. Ilang beses na ba siyang umiyak? Ilang beses na ba'ng naging rason ang alkalde sa mga luhang iyon? Bakit kahit ilang beses nang paulit-ulit na nangyayari ay tila pakiramdam niya'y walang kapaguran ang puso niya?



Hindi na alam ni Cassandra kung saan pa siya humugot ng lakas. Lubos siyang nanghihina --- pisikal at emosyonal. The realization hit her too hard, that made her debilitated. Kung hindi lang siguro nakasuporta ang dalawang palad niya sa lababo ay baka kanina pa bumigay ang mga nanlalambot niyang tuhod.



Cassandra lifted her right hand and palmed her right cheek. Her numbing fingers slowly traced her pale skin. Nakailang hilamos na siya ngunit 'di nito napawi ang pamumutla ng kaniyang pisngi, pamumula ng ilong, at ang pamamaga ng kaniyang mga mata. Gusto niya pa sanang magtagal sa loob ng banyo, upang sana'y pahupain ang mga iniwang marka ng pagtangis niya kanina, ngunit alam niyang sa puntong iyon ay 'di na mahalaga kung ano pa man ang isipin ng mga makakakita sa sitwasyon niya, basta ang mahalaga ay ang makausap niya nang harap harapan si Lorenzo... lalo na sa madaling panahon, lalo na sa oras na 'yon kung kailan napagtanto niya ang mga ginawa ng alkalde sa kaniya.



Napabuntonghininga si Cassandra, at saka muling tiningnan ang kabuuan sa salamin. Hindi ka uuwi Cassandra hangga't hindi mo nagagawa ang pakay mo rito, aniya sa sarili. Hindi ako titigil hangga't 'di ko nakakausap si Lorenzo.



Halos sinasalamin ng mga daliri ng dalaga ang lamig ng pindutan sa loob ng elevator. Matapos niyang ihanda ang sarili, ay mabilis na nilisan ni Cassandra ang restroom. Sa bawat segundong lumilipas ay siya namang onti-onting paglakas ng kabog ng kaniyang dibdib. Hindi tuloy niya alam kung bakit gano'n na lang siya kung kabahan. Isip-isip niya, marahil gano'n na lang kung siya'y kabahan dahil na rin sa ilang araw silang 'di nagkita at nagkausap ng binata. Pakiramdam niya'y naghahalo ang kaba, takot, at kahit nakakaramdam ng galit ang dalaga, hindi niya pa rin maikakaila ang pagkasabik niya sa ideyang makikita niya muli si Lorenzo.



Ayaw man sanang aminin ni Cassandra sa sarili, ngunit ilang beses man siyang nasaktan dahil sa alkalde, 'di pa rin nito maitatago ang katotohanang, martir siya. Hindi pa rin nito maitatago ang katotohanang, mahal na mahal pa rin niya ang binata.



*ting*



Tila nagdahan dahan ang pagbukas ng pinto ng elevator sa paningin ni Cassandra. The moment it thoroughly opened, was the very same moment her heart pounded heavily. If she could tell, perhaps, five times faster than earlier.



Mabilis na humakbang palabas ang mga paa ni Cassandra. Ngayon, sa puntong iyon, hindi na lang ang mga daliri niya ang nanlalamig, kundi pati na rin ang pawis na dahan dahang lumalakbay sa balat niya, at ang mga paa niyang napako na sa kaniyang kinatatayuan.



Alluring The Fire [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon