IKAANIM NA KABANATA

2.1K 110 8
                                    

IKAANIM NA KABANATA





"Teh, ano naloka ka na r'yan!"


Kailangan pang ulitin ni Jenna ang pagpansin kay Cassandra nang makita na tila naging bato sa kaniyang kinatatayuan ang kaibigan. Halata ni Jenna sa reaksyon nito ang pagkagulat. Siguro'y gulat kung bakit nandoon siya. Alam naman ni Jenna na lumaki silang mga dukha at hindi naman nila kaya ang mga presyo ng mga produkto sa kanilang kinaroroonan, ngunit alam ni Jenna sa sarili ang rason kung bakit naroroon siya sa araw na iyon. Napapaisip naman siya sa rason ng kaibigan kung bakit nandoon din ito. "Teh, kala mo kinaganda mo 'yang 'di mo pamamansin"


"A-anong ginagawa mo rito?" Tila nahimasmasan na si Cassandra sa pagkagulat, ngunit hindi nawala ang kabang namumuo sa loob niya na siyang dahilan kung bakit ganoon na lang kabilis ang tibok ng puso nito.


Para naman biglang may naalala si Jenna na siyang naging dahilan upang siya'y magpakawala ng isang matinis na tili. Napatingin si Cassandra sa paligid at nakahinga nang maluwag nang makitang halos walang tao sa may labas, kung mayroon man ay tama lang ang distansya ng mga ito mula sa kanila.


"OMG, teh! Very long story but to make it short teka, tama ba english ko? ayon nga, binisita ako ng jowa kong kano dito!" Kung nabigla na si Cassandra nang makita ang kaibigan sa lugar na ito, mas nabigla siya sa sinabi nito. Hindi niya alam na may nobyo itong banyaga lalo na at walang nakukwento ito sa kaniya.


"Bakit 'di mo siya kasama?"


"Nasa loob siya teh no'ng Louis Vuitton ba 'yon? Basta, alam mo na, shopping shopping kami. Bumalik si baby sa loob kasi naiwanan niya 'yung wallet niya." Patagong nangasim ang mukha ni Cassandra nang marinig ang tawag ng kaibigan nito sa nobyo. Hindi sa pagiging bitter, ngunit hindi niya maiwasang makornihan nang marinig iyon sa bunganga nito. Bumaba ang tingin ni Cassandra sa kamay ni Jenna at doon lang nito napansin ang ilang paper bags ng mga pinamili nito at mukhang ang lahat ng iyon ay mamahalin.


"Eh ikaw, bakit ka nga pala nandito? Mamaya may pasabog na chika ka rin ha!" Ang akala ni Cassandra ay makakaligtas na siya sa katanungang iyon dahil masyadong nadadala si Jenna kanina sa usaping nobyo ngunit kahit ilang minuto na ang nakalipas mula nang tawagin siya nito, hanggang ngayon ay hindi pa nakakaisip ng maayos na kasinungalingan si Cassandra.


"Ahhh... Ano, kasi... nandito ako para sa... sa research." Halos hindi makapagsalita nang diretso si Cassandra. Hindi niya talaga napaghandaan ang tagpong ito at nagdadasal na siya na sana'y umalis na si Jenna. Matanong pa naman ang babaeng ito, aniya sa isipan.


"Eh, 'di ba hindi ka pa naman pumapasok ulit?"


"O-oo nga... ano, 'yung ano, ahhh... kailangan ko kasing tumulong kahit papaano... kasi ano... kailangan ko ng grade." Hindi alam ni Cassandra kung tama pa ba ang pinagsasabi niya o kung may sense pa ba ang mga ito. Napataas naman ang kilay ni Jenna. Lalong nakaramdam ng pamamawis si Cassandra dahil mukhang hindi naniniwala ang kaibigan sa pinagsasabi niya.


"Eh, bakit nandito ka? Saan 'yung mga kasama mo?"


Mabilis na tinapunan ng tingin ni Cassandra ang kotse ng alkalde. Alam niyang kailangan na nilang umalis dahil paniguradong may gagawin pa ang alkalde sa opisina nito ngunit hindi niya alam kung paano tatakasan ang kaibigan.


"Kasi, ano..." Shet, ang hirap naman ng tanong nito, isip-isip ni Cassandra. Tahimik na nananalangin siya sa itaas na kahit sa oras na iyon ay bigyan siya ng galing sa pagsisinungaling. White lies naman 'ata ito, nanlulumong aniya.


Alluring The Fire [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon