IKASAMPUNG KABANATA

2.2K 99 3
                                    

IKASAMPUNG KABANATA





Maalinsangan, napupuno ng usok at alikabok ang labas ng Universidad de Domingo. Nagkalat din ang sari-saring ingay mula sa mga nagtitinda, estudyante, at mga sasakyan ngunit hindi no'n natinag si Cassandra mula sa pagkakatitig sa mukha ng alkalde. Hindi niya alam kung anong emosyon ang dapat manaig dahil naghahalo halo ang kaniyang nararamdaman. Pagkagulat, pagtataka, pagkayamot, kaba, at kaonting takot. Hindi niya alam kung ano na naman ba ang kailangan ng binata mula sa kaniya.


"A-anong ginagawa mo rito?" Nakaramdam ng kaonting panginginig sa kamay si Cassandra habang hawak nito ang cellphone. Mabilis siyang napatingin sa paligid ngunit mukhang normal naman ang lahat. Wala ring nagtatangka pang dumaan sa pwesto ni Cassandra na ikinahinga niya nang maluwag kahit papaano, ngunit hindi nito naibsan ang kabang nararamdaman.


Inayos naman ng alkalde ang sumbrerong suot nito at halos hindi lubayan ng titig ang kabuuan ni dalaga. Hindi niya sana kakausapin si Cassandra nang makita niya ito sa mumurahing kainan ngunit 'di niya napigilan ang sarili lalo na nang makitang nakikipagtawanan ito sa isang dayuhan. Nakaramdam siya ng pagkayamot, marahil ay sa hindi paggana ng karisma niya sa dalaga no'ng nakaraan. Halos lukot ang mukha nito no'ng nakasama siya ngunit tuwang tuwa naman ito habang kausap ang lalaking kasama nito no'ng nakaraan. Pakiramdam ni Lorenzo ay natapakan ang ego niya dahil doon. Gusto niyang ganoon ang pagtrato sa kaniya ng dalaga o mas higit pa. Ayaw niya man umalis kaagad kahapon, wala siyang nagawa dahil nasa pampublikong lugar sila at naalala niyang ayaw ng dalaga na magkasama sila sa lugar kung saan maaari silang makita ng karamihan. Matinding pagpipigil ang kaniyang ginawa para lang hindi hatakin ang dalaga papalayo sa lalaking kausap nito. Nagawa man niya iyon kahapon, ngunit 'di siya nagwagi ngayon.


"S-sir, baka may makakita po sa inyo rito."


"So? We are not doing anything wrong." Kaswal na wika ni Lorenzo. Tila walang makikitang bakas ng kaba sa mukha nito. Napailing si Cassandra. Alam niyang walang pakialam ang alkalde kung may makakita man sa kanila dahil sanay na ito sa iskandalo at dahil makasarili ito.


"Posibilidad na magkaroon ng isyu kapag may nakakita sa atin dito na nag-uusap,"


"Then hop in nang makaalis na tayo." Napakuyom ang kamao ng dalaga. Binigyan nito ng masamang titig ang alkalde dahil sa sinabi nito. Lahat na lang ng nanaisin niya ay gusto niyang masunod, isip-isip ni Cassandra. Manigas ka!


Tumalikod si Cassandra, handa na sanang lumakad ito pabalik sa loob ng kolehiyo nang muling magsalita ang alkalde.


"Subukan mo, Cassandra, at hindi ako magdadalawang-isip na lumabas ng sasakyang ito, sundan ka sa loob, at sapilitan kang ipasok dito." Pagbabanta ni Lorenzo. Napatigil si Cassandra at mabilis na napaharap muli sa alkalde. Nagbabaga na ang dibdib nito at kung nakakamatay lang ang tingin, baka kanina pa bumulagta sa loob ng sasakyan ang binata.


"Ano bang kailangan mo sa akin?!" Marahas na bulong ni Cassandra nang bahagyang nakalapit ito sa bintana ng kotse ng alkalde. Napangisi si Lorenzo. Mga tulad ni Cassandra ang madaling paikutin sa palad. Pakiramdam ni Lorenzo ay siya na 'ata ang pinaka masamang tao sa oras na 'yon at kailangan niyang lubayan ang dalaga lalo na't inosente ito, ngunit mas nangingibabaw sa kaniya ang pansariling interes at ginagamit niyang alas ang estado sa buhay ng dalaga upang makontrol ito.


"I want you inside my car, Ms. del Rosario. Huwag mong hintaying lumabas ako rito at buhatin ka papasok ng kotse." Napatingin siya sa likod at nakitang may mga estudyanteng naglalabasan na ulit. Bigla niyang naalala ang mga kaibigan. Hindi nila pwedeng makitang nakikipag-usap ako sa lalaking 'to, aniya sa sarili. Mariing napapikit si Cassandra bago binuksan ang pinto ng kotse ngunit pinigilan siya ni Lorenzo.


Alluring The Fire [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon