IKA-APATNAPU'T APAT NA KABANATA (Huling Bahagi)

1.7K 54 34
                                    

IKA-APATNAPU'T APAT NA KABANATA (Huling Bahagi)




Naglaro ang daliri ni Cassandra sa dulo ng hawak niyang folder habang pinapanuod ang pagpasok at paglabas ng mga estudyante sa silid na kinaroroonan niya ng mga oras na 'yon. Halos kalahating minuto na siyang nakaupo roon, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin dumadating ang taong pakay niya sa opisinang iyon. Kung wala nga lang siguro siyang kinauupuan at kung hindi lang siguro siya kumportable sa temperatura ng silid, baka kanina pa naubos ang pisi ng pasensya niya.



Mabilis na naglandas ang mga mata niya sa tatlong estudyanteng nakaupo naman sa mahabang sofa at tila may mga hawak na folder din. Marahil ay pare parehas lang ang pakay nila sa oras na 'yon. Kung 'di siya nagkakamali ay namumukhaan niya pa ang isa sa kanila. Parehas sila ng kursong kinukuha, ngunit tiga-kabilang section nga lang.



Patagong napalunok si Cassandra nang mapatingin sa kaniya ang estudyanteng iyon. Nginitian siya nito, kaya't walang ibang nagawa ang dalaga kundi ibalik ang ngiting ipinamalas nito sa kaniya. Matapos no'n ay minabuti ni Cassandra na ibalik na lang ang mga mata sa may front desk. May tatlong taong nagkukumpulan sa puwestong iyon. Kung titingnan ang mga ito, mukhang mas bata ang mga ito kaysa sa kaniya. Ang sabi sa silid-aralan nila, ang mga ito raw ay estudyante lang din sa Unibersidad na mas piniling mag-internship sa opisinang iyon ng Unibersidad kaysa maghanap ng totoong kumpanya sa labas.



Napa-iling sa isipan si Cassandra. Nagiging mahaba na ang oras na nasasayang sa kaniya. No'ng tinanong niya naman ang mga ito kung nasa saan ang propesor na hinahanap niya, hindi naman siya nabigyan ng mga ito ng sagot. Ang ending tuloy, nauwi siya sa pag-upo at kahit walang kasiguraduhan, pinili pa rin niyang maghintay.



Lumipad ang mga mata ni Cassandra sa pinto nang muling bumukas ito. Doon, nakita niyang pumasok ang isang babae at may hawak na baso ng kape sa kaliwang kamay. Lumakad ang babaeng iyon patungo sa front desk at tila mukhang nasiyahan ang mga nakaupo sa puwestong iyon nang makita siya. Saglit na nag-usap ang mga ito, at maya-maya'y tinuro siya ng isa sa tatlong estudyanteng naka puwesto sa front desk. Napa-ayos ng upo ang dalaga nang lumakad papalapit sa kaniya ang bagong pasok na babae.



"Mamayang alas singko pa darating si Mrs. Mercadejas, nasa meeting po kasi siya ngayon, pero nagbilin siya na ako na lang muna ang tatanggap pansamantala ng mga papers na may kinalaman sa internship."



"Ay, gano'n po ba?"



Tumango ang babae at nginitian si Cassandra. "Paki sulat na lamang po 'yung name and section ninyo riyan sa folder."



Mabilis na sinunod ni Cassandra ang sinabi nito at nang matapos ay mabilis niyang iniabot iyon sa babae. Nagpasalamat siya at kaagad na isinukbit ang kalimbahin niyang sling bag. Mabilis na naglakad palayo siya nang tumungo naman ang nasabing babae sa ibang estudyanteng nakaupo sa silid.


Nang malisan niya ang opisinang iyon, kaagad na inilabas ng dalaga ang kaniyang phone at nagtipa ng mensahe sa group chat nilang magkakaibigan.


Reg Mosrales: @Cassandra bakla musta na? Shogol mo naman jan
Reg Mosrales: witit pa din si bakla???
Roselyn Clemento: Impatient, mamang? Dapat ikaw na nagpasa non.
Reg Mosrales: @Roselyn di ikaw kachikahan ko che!
Cassandra del Rosario: Naipasa ko na, mga bakla. Pinaiwanan ko na lang dun sa merlat kanina tutal sabi nya binilin naman daw sa kanya yung pag collect ng mga papers.
Reg Mosrales: @Cassandra ay beri good ka jan bakla
Reg Mosrales: so sibat ka na pa baler??
Roselyn Clemento: Hantaray talaga ng tita mo! Napaka sipag naman :D
Cassandra del Rosario: Oo uwi na din ako pero baka sumaglit muna ako sa canteen. Na-tom jones na akes kaka witsung kanina sa ofc
Reg Mosrales: @Roselyn chinika mo pa sizt! Iba talaga kapag wala nang pinoproblemang bayarin haha



Alluring The Fire [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon