IKALABING-APAT NA KABANATA
Halos dalawang oras na 'atang nagpapagulong gulong si Cassandra sa kamang hinihigaan niya, ngunit hanggang ngayon ay hindi siya dinadatnan ng antok. Baka dahil 'di mawala sa isipan mo 'yung itsura ng katawan ni Lorenzo? tanong ng munting tinig sa isipan ni Cassandra. Anong 'di mawala? Sadyang nag-siesta lang talaga ako kanina kaya hirap akong makatulog ngayon! Isa pa, 'di naman ganoon kaganda ang pangangatawan niya para mahirap kalimutan, ano!
Muli niyang tiningnan ang oras sa cellphone pagkatapos makipagdebate sa sarili. 12:49 AM. 'Pag nagkataong may pasok na bukas, patay ako nito. Maaga pa ako bukas, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakatulog. Muling gumulong pakabilang direksyon si Cassandra, ngunit walang nangyari. Asar na napaupo ang dalaga bago sinabunutan ang sarili. Ano ba'ng magandang gawin na makakapag paantok sa akin? Napatayo siya mula sa pagkakaupo. Iinom na lang muna ako ng tubig.
Bahagyang napa-igtad si Cassandra nang makita si Lorenzo na nakaupo sa sofa. Teka, bakit gising pa 'to? Akala ko nga kanina pa mahimbing ang tulog nito. Bumaba ang tingin nito patungo sa hawak nitong wine glass at sa isang bote ng wine sa harapan niya.
Naramdaman naman ni Lorenzo ang presensiya ng dalaga na siyang kinalingon nito kay Cassandra. He mentally smirked upon seeing her. Seems like she can't sleep too. Hindi rin kasi siya makatulog gawa ng stress, at iyon lang ang naiisip niyang gawin na maaaring makapagpatulog sa kaniya. Nakita niya na nahihiyang napatungo ito at saka dumaan sa gilid niya. Hindi niya man ito nilingon, naramdaman naman niya itong uminom ng tubig dahil sa mga ingay na nagagawa nito.
Nakakunot naman ang noo ni Cassandra habang umiinom ng tubig. Bakit siya nag-iinom? Brokenhearted kaya? Kasi 'di ba ganoon 'yon?— ngunit bigla naman pumasok sa isipan niya ang grupo ni Celso na halos araw-araw umiinom— nevermind.
Dahan dahan siyang naglakad pabalik ng kwarto, nakalagpas na siya sa alkalde nang marinig niyang nagsalita ito.
"Can't sleep?" Napaharap si Cassandra sa kaniya at tahimik na tumango. Mabilis na pinagmasdan ng dalaga ang itsura ng alkalde. Naka suot ito ng bagong pajama pants at... topless ulit. Ay wow, nag-enjoy?
"Me too. Wanna join me?" Tanong ni Lorenzo at saka bahagyang itinaas ang wine glass na may tirang alak. Napatitig si Cassandra sa kaniya. Inaanyayahan siya ni Lorenzo na makipag-inuman sa kaniya, si Lorenzo na isang lalaki, may alak, at sa oras ng malalim na gabi. Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang niya narinig ang boses ng Ina habang sinasabi ang 'Cassandra, masama makipag-inuman sa mga lalaki. Kasi lalaki sila at babae ka. Kapag hinayaan mo ang sarili mong magpadala sa imbitasyon na ibinibigay nila, 'yon na ang katapusan mo. Kapag umupo ka sa upuang inilalahad nila, kapag tinungga mo ang baso ng alak na ini-abot sa'yo, parang binigyan mo na rin sila ng kalayaan sa katawan at utak mo. Magagawa na nilang makontrol ang kaisipan mo. Ang pakikipag-inuman sa kanila ay maaaring magdulot sa'yo ng isang bagay na maaari mong pagsisihan sa huli. Tandaan mo, 'pag may alak may balak'.
"This is a medium-bodied wine, Cass. Pampatulog lang. This might somehow help you too." Muling wika ni Lorenzo. Hindi naman nagbago sa posisyon niya si Cassandra. Ilang beses napakurap at saka humakbang. Sorry, 'nay, but I think I need this right now. Just once.
Ngumiti si Lorenzo nang makitang humakbang ang dalaga at saka umurong upang bigyan ng space si Cassandra. Siguro, ayos lang naman kung ilang baso lang iinumin ko, basta makadagdag antok lang, aniya sa isipan. Tsaka isa pa, siguro naman walang balak itong si Lorenzo kasi kahapon pa naman ako rito pero 'di naman niya ako pinagsamantalahan eh.
BINABASA MO ANG
Alluring The Fire [Under Revision]
RomansaWARNING: SPG | Mature Content | R-18 All she was expecting from him was a grant to support her education; little did she know that he would give her more. ✼━━━━━━━━━━━━✼ ...