IKA-LIMAMPU'T SIYAM NA KABANATA (Unang Bahagi)

394 14 16
                                    

IKA-LIMAMPU'T SIYAM NA KABANATA (Unang Bahagi)





Hindi ko alam kung talaga bang papaniwalaan ko 'yung mga sinabi ni Greg kahapon. Sa tingin ko, tinanggap ko lang 'yon dahil nagawa no'n pagandahin pansamantala ang pakiramdam ko sa sarili ko... at kaya ko siguro nagawa 'yung bagay na hanggang ngayon ay 'di ko lubos maisip na magagawa ko.


O baka nagawa ko 'yon dahil uhaw ako sa papuri?


Cassandra groaned over her thoughts. Napasabunot siya sa buhok at saka napatulala sa kisame.


Nakakahiya, kainis! Jusko, Cassandra, kung kailan ka mas nagkaka-edad, bakit do'n ka mas nagiging tanga? Umayos ka naman!


Kung hindi pa bumagsak ang ulan kahapon, hindi na siguro sila nakalaya pa sa nakakalunod na sandaling iyon.


Nang makauwi, mahabang litanya ang nakuha niya mula sa tiyahin nang makita sila na parang basang sisiw. Wala kasi ni isa sa kanila ang nakapagdala ng payong. 'Di naman din kasi nila inaasahan na bubuhos ang ulan.


Naaalala niya pa kung paano naging nakakailang ang mga sandali sa pagitan nilang dalawa habang pauwi. Ni 'di na niya maalala kung nagawa niya pa bang makapagpaalam kay Greg matapos siyang ihatid nito. Basta ang naaalala niya lang ay ang papalayong likod ng binata na tila 'di alintana ang malakas na buhos ng ulan.


Hindi niya rin alam kung dapat ba siyang magpasalamat dahil 'di nagtanong si Greg kung ano ang mayro'n sa pagitan nila matapos ang nangyari kahapon.


Napabuga ng hangin si Cassandra nang onti-onti nang nagsi-sink in ang lahat sa kaniya. Bakit pakiramdam ko ay napaka sama kong tao? She thought. Dahil sa ginawa ko kahapon, nabigyan ko kaya ng false hope si Greg? Ni hindi ko nga alam hanggang ngayon kung ano ang eksatong nagtulak sa'kin para gawin 'yon!


Hindi kaya ang dahilan kung bakit ginawa mo 'yon ay dahil gusto mong makaganti sa naipaparamdam sa'yo ni Lorenzo? Tanong ng munting tinig sa kaniyang isip.


Kung gayon, ano ang pinagkaiba mo kay Lorenzo?


Napahilamos ng kamay sa mukha si Cassandra. Mababaliw na 'ata siya sa mga naiisip.


Kung tutuusin, tama si Lola Rosa. Ramdam kong mabuting tao si Greg. Simula nang nakilala ko siya, kahit isang beses ay never kong nakitaan ng pangit na pag-uugali ang lalaking iyon. Isa pa, wala naman kaming relasyon ni Lorenzo, kaya ano ang masama kung susubukan ko?


Pero baka nakakalimutan mo na may anak na kayo ni Lorenzo. Kapag sinubukan mo, hindi ba posibleng mas maging kumplikado ang lahat? Bawi ng pamilyar na tinig.


Napabuntong-hininga nang malalim si Cassandra. Sa totoo lang sobra akong naguguluhan. Mahal ko ang nasa sinapupunan ko pero bakit...bakit may parte sa akin na napapaisip kung ano kaya ang nangyayari sa buhay ko ngayon kung 'di ako nabuntis ni Lorenzo?

Alluring The Fire [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon