IKATLONG KABANATA

2.5K 144 23
                                    

IKATLONG KABANATA





"Oh, kumusta naman ang lakad, teh?" Hindi agad sumagot si Cassandra sa tanong ng kaibigan nitong si Jenna. Imbes na bigyan ng kasagutan ang kaibigan, itinuon na lamang niya ang pansin sa mga batang naglalaro sa harapan nila.


Kasalukuyan silang nakatambay sa may tindahan ni Aling Nena. Naglalakad na pa-looban noon si Cassandra nang magkasabay sila ni Jenna, na siyang kagagaling lang sa may karinderya at bumili ng isang order ng adobong manok para sa tanghalian nila. Napag desisyunan ng dalawa na tumambay saglit sa may tindahan at mag meryenda.


"Teh, ano na? Mukhang naglalakbay pa 'ata ang utak mo kung saang lupalop." Natatawang wika nito sa kaibigan. Napukaw naman nito ang atensyon ni Cassandra. Parehas silang uminom sa kanya kanyang softdrink.


Napabuntong hininga si Cassandra. "Ayos lang naman." Kinain naman ni Jenna ang natitirang cupcake na hawak, habang ang kaibigan nito'y patuloy na sinusundan ng tingin ang mga batang pawis na pawis na naghahabulan.


"Paanong ayos lang, teh?" Makulit na tanong ni Jenna. Pinaglaruan niya ang balat ng cupcake at saka itinupi tupi itong hanggang sa maging maliit. Tiningnan niya ang kaibigan dahil kanina pa ito tila sabaw at wala sa sarili. May problema kaya ito? aniya sa sarili. Alam niyang pumanaw ang ama nito ngunit ngayong araw niya lang nakasalamuha ang tila sabaw na Cassandra.


"Ayos lang, naipasa ko naman ang lahat ng dapat ipasa." Wika nito sa kaibigan. Tumango lang si Jenna at tumingin na lang din sa mga batang naglalaro.


Hindi katahimikan ang bumalot sa dalawa, dahil katulad ng mga nagdaang araw, ang looban ay nanatiling maingay, kahit tirik ang araw. Saglit mang tumigil ang bingo-han, ngunit hindi nagpatibag si Celso kasama ang mga kainuman niya. Napabahing naman si Jenna nang maka-amoy ng sigarilyo at sinamaan ng tingin si Kaloy, isa sa kainuman ni Celso na siyang nagsindi ng isang stick ng Marlboro.


"Hoy, Kaloy!" Sigaw dito ni Jenna. Mabilis na napalingon si Kaloy sa pwesto nila Jenna, pati ang ibang kainuman nito ay napalingon din.


"Ikaw, kung gusto n'yong magsunog ng baga, h'wag n'yo kaming idadamay!" Iritang wika nito kay Kaloy. Tinanggal naman ni Kaloy ang nasindihang sigarilyo mula sa pagitan ng kaniyang labi at saka nagpakawala ng malakas na tawa.


"Galit ka naman kaagad, beb. Yakapin na lang kita!" Hindi natuloy ang akto sanang pagtayo ni Kaloy mula sa kinauupuan niya nang mabilis na dinampot ni Jenna ang tsinelas niya.


"Sige, subukan mong lumapit sa akin! Ipapakain ko sa'yo 'tong tsinelas ko!" Wika ni Jenna at saka dinuro si Kaloy gamit ang hawak na tsinelas. Nagtawanan ang mga lalaki, ngunit mas nangibabaw ang halakhak ni Kaloy.


"P're, shot mo na." Wika ng katabi ni Kaloy sa kaniya. Hindi na niya muling pinansin pa ang galit na babae sa gilid nila at mabilis na tinungga ang basong puno ng red horse.


"Ganiyan ba talaga kayo maglambingan ni Kaloy?" Pang-aalaska ni Cassandra sa kaibigan. Nilakihan naman ito ni Jenna ng mata, mamaya kasi ay baka marinig nila ang sinabi ng kaibigan.


"Hindi ko siya gusto 'no!" Marahas na bulong ni Jenna sa kaibigan. Nakangiting nagkibit-balikat na lang si Cassandra.


Kasalukuyang nangingibabaw ang mga kwentuhan at tawanan ng mga lalaking nag-iinuman nang mapadaan si Timo sa dako nila. Nakasuot ito ng gusot na uniporme at sukbit sukbit sa kanang balikat ang lumang itim na Jansport bag.


Alluring The Fire [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon