IKADALAWAMPU'T LIMANG KABANATA

1.9K 80 6
                                    

IKADALAWAMPU'T LIMANG KABANATA





Patawid na sana si Priscilla ng hallway upang bumalik sa dining room nang makakita siya ng isang pigura ng lalaking naglalakad palabas ng bahay. Saglit pa siyang natigilan upang alamin kung sino iyon, ngunit nang mapadaan sa may parteng maliwanag ang binata, roon niya lang napagtantong si Lorenzo ang binatang iyon.



Mabilis niyang sinenyasang umalis ang kasambahay na nakasunod sa kaniya at saka naging mabilis ang mga yabag ni Priscilla upang habulin si Lorenzo. I can't believe that I'm actually chasing a guy right now! Sa sandaling iyon, pakiramdam ni Priscilla ay nagbago ang katauhan niya. Sanay siya na siya ang hinahabol, kahit sa Amerika pa man. Ngunit heto siya ngayon at ilang beses nang nagmumukhang tangang sunod nang sunod kay Lorenzo. Si Lorenzo dapat ang gumagawa nito sa akin ngayon!



Hindi pa man nakakalapit ang binata sa sasakyan niya nang muling naramdaman ang parehas na palad na pumigil din sa kaniya kanina. Naging mahigpit ang kapit ng palad ni Priscilla sa braso ni Lorenzo. Tila takot ang dalaga na biglang makawala ito.



"Where the heck are you going, Lorenzo?" Tanong ni Priscilla habang nakakunot ang noong tinititigan ang likod ng ulo ni Lorenzo. Nanatili namang nakatayo ang binata at nakatalikod sa dalaga. Napapikit siya nang mariin. Bakit ba parang hirap umintindi ang babaeng ito? Hindi niya alam kung tanga ba si Priscilla o gusto nito ang atensyong nakukuha sa pagtatanga tangahan. Bakit ba patuloy pa rin itong umaakto na tila martir na naghahabol matapos kong sabihin kanina na wala na siyang ibang tiyansa pang makukuha mula sa'kin?



Hinawakan ni Lorenzo ang kamay ni Priscilla at dahan dahan iyon tinanggal. Mabilis itong humakbang nang matanggal sa pagkakakapit ang dalaga. Hindi naman nagpatalo si Priscilla at muli itong sumunod at nang maabutan ay muling ikinulong ang braso ni Lorenzo sa mahigpit niyang palad. "Damn, Lorenzo. Answer me! Where are you going?!"



"I'm going home, Priscilla. Stop chasing me. You are being pathetic and obviously just wasting your time."



Sapilitang pinaharap ni Priscilla si Lorenzo ngunit dahil mas malakas ang binata, hindi ito natinag sa kaniyang posisyon. Walang nagawa si Priscilla kundi ang maglakad patungo sa harapan ni Lorenzo, para lamang makaharap ito. Mata sa mata.



"Stop acting so tough, Lorenzo. Alam kong nangulila ka no'ng iniwanan kita, and now I'm here! I don't get why the fuck you are acting different! You should be thankful na muli akong bumalik para sa'yo!" Nag-igting ang panga ni Lorenzo sa sinabi nito. What a narcissistic woman! Sa totoo lang, alam ni Lorenzo sa sarili na marami siyang masasabing hindi maganda sa dalaga dahil sa ginawa nitong pang-iiwan sa ere, ngunit masyado na siyang nakakaramdam ng pagod at gusto na lang niyang magpahinga.



"What, Lorenzo? Have you gone deaf? Fucking talk to me!" Kitang kita na ni Lorenzo ang pagkawala ng poise ng babeng modelo sa kaniyang harapan. Nagpupuyos na ang galit sa dibdib ni Priscilla dahil hirap itong kausapin ang binata. Pakiramdam niya'y umaakto na ito na parang walang naririnig mula sa kaniya.



Nanatiling walang imik si Lorenzo. Tuluyan nang napikon si Priscilla at inilapat na nito ang dalawang palad patungo sa magkabilang braso ni Lorenzo saka marahas na inalog ang binata. Pakiramdam ni Priscilla ay nakatulog na nang dilat ang binata o 'di kaya'y sadyang nakikipag-usap lang siya sa isang taong gawa sa pader. "Answer me, Lorenzo!" Sigaw ni Priscilla sa binata.



"Ano ang dapat kong ipagpasalamat sa pagbabalik mo?" 'Yon na 'ata ang naging unang beses na nagsalita ang binata nang maayos habang dadalawa lang silang magka-usap. Pakiramdam ni Lorenzo, ang kailangan niya lang gawin ay prangkahin ang dalaga, especially it seems like she is so dense when it comes to reading between the lines, ngunit naalala niya na prinangka na nga niya ang dalaga kanina sa loob, pero heto pa rin si Priscilla, patuloy na sumusunod sa kaniya. Ano ba ang mahirap intindihin sa mga pinagsasasabi ko?



Alluring The Fire [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon