IKAWALONG KABANATA

2K 109 4
                                    

IKAWALONG KABANATA






Kakauwi lang nila Cassandra kasama ang kaniyang pamilya at iilang kamag-anak sa kanilang tahanan. Kahit halos mahigit dalawang oras na ang nakakalipas mula nang mailibing ang kaniyang ama, hindi pa rin tumitigil sa pagtangis ang kaniyang Ina. Namamaga rin ang mga mata ni Cassandra at ng kapatid niyang babae, gayon din ang iilang kamag-anak niya. Naaawang napatingin si Cassandra sa kaniyang Ina. Alam niya sa sariling mas sobra ang sakit na nararamdaman ng kaniyang Ina. Lalapitan niya sana ang inang nakaupo nang may kamag-anak silang lumapit sa kaniya.


"Cassandra, mauuna na kami." Wika ng kaniyang tiya Chona bago bumagsak ang mga mata nito sa kaniyang Ina. Mabilis na iniwanan ng sulyap no Cassandra ang Ina bago bumalik ang mga mata nito sa tiyahin.


"Sige po, tita. Mag-iingat po kayo." Hinawakan ng kaniyang tiyahin ang kaniyang dalawang kamay saka tumingin ng diretso sa mga mata niya.


"Huwag mong papabayaan ang iyong Ina at kapatid ha? Lalo na ngayong wala na ang ama mo at alam kong sobrang nasasaktan ang nanay mo sa pagkawala niya. Lagi mo siyang babantayan at intindihin. Sa ngayong emosyonal ang iyong Ina, may pagkakataong baka magkulang siya habang nasa proseso ng paglimot sa iyong pumanaw na ama kaya magsilbi ka munang haligi at ilaw ng tahanan habang pinupunan mo rin ang pagiging anak at kapatid mo sa tahanang ito."


Sabay silang napatingin sa kaniyang kapatid nang bigyan nito ng isang basong tubig ang kanilang Ina. Inalalayan din ng kapatid ni Cassandra ang Ina habang nilalagok ang tubig sa baso. Pagkatapos no'n ay muling ibinalik ni Cassandra ang mata sa tiyahin.


"Basta lagi kayong mag-aaral nang mabuti at huwag magpapasaway sa Ina ninyo. Alagaan ninyo muna siya. Kung may kailangan man kayo, kahit na anong tulong, laging bukas ang pamilya namin para tulungan kayo. Isa pa, kung nais ninyong umuwi saglit sa Bicol, bukas ang tahanan ko. Ang tagal n'yo na ring hindi nakauwi sa probinsya. Sigurado akong namimiss ka na ng abuela mo. Sayang nga lang at hindi na niya kaya pang bumyahe. Hindi niya manlang nakita sa huling pagkakataon ang anak niya." Malungkot ang tinig ng kaniyang tiya. Pilit na ngumiti si Cassandra bago tumango.


"Tatandaan ko po ang lahat ng binilin ninyo, Tita. Maraming salamat po sa lahat." Niyakap siya nang mahigpit ng tiyahin. Niyakap naman niya ito pabalik.


"Mag-iingat kayo lagi rito." Huling wika ng kaniyang tiya bago kumalas sa yakap at dumiretso ito sa pwesto ng Ina't kaptid niya. Nakita niyang muling napaluha ang Ina nang kausapin ito ng kaniyang tiya.


Nararamdaman ni Cassandra na may mainit na mga butil ng luha ang namumuo sa gilid ng kaniyang mata. Biglang bumalik sa ala-ala niya ang lahat ng mga bagay na pinagsamahan nila ng kaniyang ama. Kahit na madalas mag-away ang magulang niya gawa ng matinding bisyo ng kaniyang ama, alam niya na hindi mawawala ang pagmamahal na kanilang nararamdaman para sa haligi ng tahanan. Tumingin si Cassandra sa kisame at pilit pinipigilan ang paglalandas ng mga luha sa kaniyang pisngi. Kung dating bata pa siya, ay ayos lang na marinig ng kahit na sino ang pagtangis niya, ngunit ngayo'y ayaw niyang ipakita ang mga ito kahit sa harapan ng Ina niya.


Mabilis na umakyat si Cassandra sa kwarto niya at nang maisarado niya ang pinto'y doon na bumuhos ang pangungulilang nararamdaman niya. Ang akala niya'y kahit papaano'y natatanggap na niya ngunit pakiramdam niya'y ngayon lang niya napagtatanto ang lahat.


Maya-maya'y nakarinig siya ng katok sa pinto ng kwarto. "Ate?" Boses ito ng kaniyang kapatid na si Anna. Mabilis niyang pinahid ang mga luha at inayos ang sarili.


Alluring The Fire [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon