IKA-APATNAPU'T TATLONG KABANATA

1.8K 52 14
                                    

IKA-APATNAPU'T TATLONG KABANATA





"Kung liligaya ka sa piling ng iba, at kung ang langit mo ay ang pag-ibig niya. Tututol ba ako kung kagustuhan mo? Sapat na ang minsa'y minahal mo ako---"



"Iyon nga, mamang eh. Hindi ka na nga minahal, lumigaya pa sa piling ng iba."



Napatigil sa pag kanta si Reginaldo nang biglang sumingit si Rose. Nangangasim ang ekspresyong nilingon nito ang kaibigang dalaga at inikutan ng mata. "Epal ka, Ghorl?"



Rose just stuck her tongue out at Reginaldo before laughing loudly. Kahit si Cassandra na tahimik na kumakain sa tabi nila ay 'di na rin naiwasang mapatawa dahil sa kalokohan ng mga kaibigan.



May natitira pa silang ilang oras para sa internship nila sa araw na iyon, ngunit hindi tinapos ng tatlong magkakaibigan ang walong oras dahil kinailangan nilang bumalik sa Unibersidad upang magpasa ng weekly report nila at ibang dokumentong hindi nila naipasa no'ng nakaraang linggo. Mabuti na lang at may napala ang pag ha-half day nila sa kumpanya, dahil naabutan naman nila ang propesor. Ngayon, kasalukuyang nakaupo silang tatlo sa field. Tila rito na naisipan ni Reginaldo yayain ang mga kaibigan para sa pagdadalamhati ng puso niya matapos nilang makasalubong kanina ang matagal na nitong crush na basketball player sa Unibersidad nila na may kasamang babae. 'Di lang basta babae, kundi nobya na nito mismo.



"Ayos lang 'yan, mamang. Balita ko, marami ka pa namang crush sa list mo ah?"



"Iyon nga, 'nak eh. Nagkaka-ubusan na. 'Di ko naman sila ina-uncrush, sadyang nagsisihanapan lang ng bilat ang mga animal na otokong itey! Kung ako sana ang jinowa nila, edi monthly may new shoes pa sila sa'kin. Samahan ko na rin ng school supplies at kaonting allowance. Hmp!" Nakangusong hayag ni Reginaldo. Kumawit sa braso niya si Rose habang tumatawa. "Oh well, 'di naman nila deserve ang beauty ko. Mabuti na ring naghanap ng tilapia ang mga otokong ites, dahil 'di ako kumakain ng sunog na itlog at hotdog for breakfast!"



"Hoy!" Suway ni Rose at saka humalakhak nang malakas. "Saan mo na naman nasasagap 'yang chismis na majitim ang kanilang tanim?"



"Duh!" Malakas na wika ni Reginaldo sabay pinaltik ng daliri niya sa harap ni Rose. "Labag man sa kalooban ko, but I have hotsilog. Malamang bakla, nakakasabay ko paminsan minsan ang mga otokong itey sa banyo... at sa tingin ko, iyon lang ang one and only blessing sa pagkakaroon ng tanim. Hmp!" Halos ilang minuto ring halos hindi magkandaugaga sina Rose at Cassandra sa kakatawa.



"Tuwang tuwa na naman ang mga bruha. Akala ko ba nandito tayo para magluksa?" Mataray na tanong ni Reginaldo sa dalawang kaibigang dalaga.



"Ikaw kasi, lumabas na naman 'yang kadumihan ng bibig mo." Natatawang hayag ni Rose.



"Tse!" Wika naman ni Reginaldo. Ilang segundo pa'y onti-onting na rin namang humuhupa ang tawanan ng dalawa. Nakangiting napabuntong hininga sina Rose at Cassandra nang matapos ang mahabang tawanan.



"Nakita mo ba 'yung fez ni Loida kanina? Mukhang imbyerna ang bilat. Paano, 'di na kasi niya tayo magagalaw or else sipa siya palabas ng University!" Muling pagbubukas at may yabang na hayag ni Reginaldo bago lumagok sa hawak niyang soda in can.



"Hindi ko ma-gets 'yang si Loida, mamang. Ganiyan siguro talaga kapag ginagawang almusal, tanghalian, at hapunan ang ampalaya. Sobrang warla, akala mo naman masyado nating inalipusta ang pagkatao ni bruha." Naka-ismid na hayag ni Rose bago kumagat sa hawak niyang corndog.



Alluring The Fire [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon