IKALABINGSIYAM NA KABANATA

2.1K 84 2
                                    

IKALABINGSIYAM NA KABANATA






"Ms. del Rosario, the class will be done in five minutes. Please wait outside. You are welcome come in when I'm finished."


Napa-angat ng ulo si Cassandra at nagtama ang mga mata nila ng kaniyang professor. Napangiwi sa isipan si Cassandra nang makita ang itsura ni Mrs. Dacnal. Nakakunot ang noo ng matandang guro at tila nayayamot sa biglaan niyang pagpasok sa silid. Nalimutan kong tuwing ganitong araw, siya pala ang huling subject namin. Napahinto sa harapan ng klase si Cassandra at napalingon sa mga kaibigang nakaupo at pinandidilatan siya. Kung nakapagsasalita lang siguro ang mga mata nila, kanina pa ako nito tinanong kung saan ako nagpunta at anong ginawa ko. Halos mapalunok pa siya nang mapagtantong natigil ang klase si Mrs. Dacnal at ang mga kaklase niya'y nakatingin na sa kaniya.


Walang pasabing lumabas siya ng silid at pagod na naupo sa may hallway. Self, ikaw na siguro ang pinaka bobong babaitang nakilala ko sa Earth. Kapag 'di mo pinigilan 'yang kalandian mo, hindi ka talaga makaka-gradute on time! Humugot siya ng isang malalim na buntong hininga at saka sumulyap sa kahabaan ng pasilyo na halos wala pang masyadong laman na estudyante.


Napakuyom siya ng kamao nang muling magbalik sa kaniyang isipan ang mga tagpong nangyari kanina sa pagitan nila ng alkalde. Tila gusto na lang niyang matunaw sa kahihiyan dahil sa mga bagay na hindi niya inaakalang magagawa niya. Hindi na niya alam kung si Lorenzo ba ang dapat sisihin o ang sarili na niya mismo. Pero ginagawa ko naman ang lahat para maiwasan siya. Itong demonyo lang talaga ang ayaw akong lubayan. Hindi talaga tumitigil ang demonyo sa pagkilos hangga't 'di ka nahuhulog sa patibong nila— sa temptasyon. Pakiramdam ko, isa itong pagsubok at ito na ang calling ko para magbalik loob sa simbahan.


Muli siyang napabuntong-hininga. Hindi rin siya makapaniwalang nasa labas siya— sa gitna ng tahimik na pasilyo, habang patuloy ang klase sa loob ng silid. Dapat nando'n din ako sa loob ngayon kung hindi lang ako kinulong no'ng hayop na 'yon eh. Sa sandaling iyon, parang gusto na lang niyang maiyak, ngunit walang gustong pumatak mula sa mga mata niya. Nakakapagod din palang magalit at manlaban lalo na kung isang taong pader ang kinakabangga mo. Nakaka-ubos ng lakas. Nakakamanhid.








Nang matapos sila ni Lorenzo, ilang saglit ang nagdaan bago prumoseso sa utak ni Cassandra ang ginawa nilang kamunduhan ng alkalde. Tila napaso si Cassandra sa pagkakadikit sa pagod na katawan ng alkalde at mabilis siyang napatayo. Hindi man siya sigurado, ngunit ramdam niyang nakatingin lang si Lorenzo habang inaayos niya ang kaniyang sarili. Shet, ang lagkit, isip-isip ni Cassandra habang nagdadalawang isip kung itataas na ba ang underwear na nakababa. Hindi naman niya dala ang bag no'ng oras na 'yon para makakuha siya ng wet wipes, nang sa gayon ay matanggal niya ang malagkit na likidong nasa pagitan ng hita niya. Gusto niyang mapakamot ng ulo dahil sa pagka-irita.  Kasalanan 'to ni Lorenzo. B'wisit na 'to, puputulan ko 'to 'pag ako napuno, asik niya sa isipan at saka tinapunan ng masamang tingin si Lorenzo na kasalukuyang kaswal na nakaupo habang naglalaro ang hintuturong daliri sa kaniyang labi at pinagmamasdan si Cassandra.


Awtomatikong napababa ang mga mata ni Cassandra, dahilan upang bumagsak ang kaniyang paningin sa alaga ni Lorenzo na kasalukuyang nakalabas pa rin. Mabilis na napa-iwas ng mata si Cassandra at nakaramdam ng pag-iinit ng pisngi. Kaagad niyang ibinalik ang atensyon sa desisyong kanina niya pa hindi magawa, ngunit sa huli ay pinili pa rin niyang itaas ang panloob na suot at kaagad ibinutones ang pang-itaas na uniporme. Pakshet, bahala na. Maliligo na lang ako pagkauwi, nandidiring wika ng dalaga sa isipan.


Alluring The Fire [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon