IKAAPAT NA KABANATA

2.2K 125 12
                                    

IKAAPAT NA KABANATA





"Kailangan pa bang kunin iyon?" Bulong ni Cassandra sa sarili habang pinaplantsa ng mga palad nito ang hita niya. Muli niyang tiningnan ang repleksyon sa maduming salamin. Nakasuot siya ng itim na low cut long sleeve shirt at dark blue na fitted pants.


Halos hindi siya nakatulog agad kagabi dahil sa text message na pinadala ng alkalde. Kung hindi lang siguro magagalit ang ina niya kapag nalamang nawala niya ang payong, talagang walang balak bumalik si Cassandra sa gusaling iyon, ngunit alam niyang malabong hindi magalit ang Ina. Naiirita lang si Cassandra sa tuwing maaalala ang mensaheng natanggap.


Pagkatapos mag-ayos ay agad na bumaba si Cassandra. Doon niya nakitang medyo kaonti na ang mga panauhing nakikiramay, ngunit nanatiling kumpleto pa rin ang mga malalapit nilang kamag-anak. Napalingon si Aling Celeste sa anak niya nang makita ang kasuotan nito.


"Oh, saan ka pupunta?" Nakaramdam ng kaonting kaba si Cassandra nang marinig na nagtanong ang Ina.


"Uhmmm... magkikita kami ng kaibigan ko. May kailangan lang akong ibigay sa kaniya." Palusot niya at mukha namang pinaniwalaan iyon ni Aling Celeste dahil tumango lang ito at nagpatuloy sa kwentuhan nila ng kaniyang tiya. Kinuha naman ni Cassandra ang tyansang iyon upang makalabas ng bahay. Doon bumungad sa kaniya ang iilang taong patuloy na nag to-tong-its habang humihigop ng mainit na kape. Tila may mga matitibay na pader ang mga naglalamay na ito't hindi sila matibag ng antok. Malapit na ring ilibing ang kaniyang ama. Masakit pa rin sa kaniya ang sinapit nito ngunit matagal na niyang inihanda ang sarili dahil alam niyang hindi na ito magtatagal gawa ng pagkagumon nito sa alak. Kahit hindi pa man nagpaparamdam ang mga sintomas sa ama ay alam na niyang walang nakakatakas sa hagupit ng bisyo kapag siningil na ang isang tao, at tama nga ang kaniyang hula. Naiiyak man siya paminsan minsan habang nag-iisa sa kwarto, ang mahalaga ay alam niyang masaya na ang tatay kung nasa saan man ito ngayon.


Napadaan siya sa tindahan ni Aling Nena at nagulat siya nang makitang walang nag-iinuman sa tapat noon. Nagpapahinga rin pala ang mga iyon, komento niya. Napapunas ang dalaga nang maramdaman ang butil ng pawis na naglakbay sa kaniyang leeg. Halos hindi niya maipaliwanag kung gaano kalagkit ang nararamdaman sa oras na iyon.


Katulad kahapon, halos mukhang naligo si Cassandra sa pawis nang makarating sa pamilyar na gusali. Mas doble nga lang 'ata ngayon ang lagkit na kaniyang nararamdaman dahil wala siyang payong habang naglalakad sa may labas. Nang makapasok sa loob, mabilis siyang nagtungo sa front office desk.


"Excuse me..." Wika ni Cassandra. Napukaw naman niya ang atensyon ng matandang lalaki at nakataas ang dalawa nitong kilay habang umaktong inilapit ang tainga nito nang kaonti sa direksyon ng dalaga.


"Uhmm... ano po, pumunta po ako rito kahapon para magpasa ng scholarship kaso po naiwanan ko po 'yung payong ko sa opisina ni Mayor. Balak ko po sanang kuhain..." Napakunot ang noo ni Cassandra nang makita ang reaksyon ng matandang lalaki. Ngayon ay makahulugang nakangiti ito sa kaniya. Lumayo nang bahagya ang matanda.


"Paano ka nakakasiguradong dito mo nga naiwan iyon?"


"Kasi dito lang naman po ako pumunta kahapon."


Hindi ito pinansin ng matanda at saka may mga papeles na inayos sa desk niya.


"Naku, may mga tao kasing magsasabi ng kung ano-ano tapos magnanakaw lang pala." Bulong ng matanda ngunit malinaw at buo niyang narinig ang sinabi nito. Bahagyang nabigla si Cassandra. Teka, iniisip niya bang nagsisinungaling ako at isa itong modus? na-o-offend na tanong niya sa sarili.


Alluring The Fire [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon