IKA-APATNAPU'T SIYAM NA KABANATA

881 54 28
                                    

IKA-APATNAPU'T SIYAM NA KABANATA




"Mamang naman! Anong ginagawa mo riyan sa bot? Kita mong nasa turtle ako, tapos nandiyan ka pa sa bot! Ni 'di mo manlang ako sinaniban. Tantanan mo nga 'yang si Zilong at kay Cass ka sumama! Baog na Layla niya oh!" Mahabang litanya ni Rose habang seryosong nakatingin sa cellphone nito. Matitigas ang pagtipa ng daliri sa mga button na nasa screen.


Hindi naiwasan ni Cassandra ang mapangiti nang marinig ang malakas na pagbuga ng hangin ng kaibigan kasabay ng tunog na you have been slain.


"Nakakapikon ka, mamang!"


"Ano bang problema mo, bakla? Nagpupush kami ni Zilong dito oh!"


"Tantanan mo na nga kasi 'yan! Bonak naman 'yan eh!"


"You're so mean, sister. Ang papi kaya ng avatar ni Zilong." 


"Hala, 'di ako makagalaw!" Ani Cassandra. Mabilis na napatingin si Rose sa screen niya saka hinila ang manggas ng t-shirt ni Reginaldo.


"Shuta ka, 'nak! Tigilan mo damit ko!"


"Mamang, na-hook ni Franco si Cass! Sanib ka, dali! Sanib!"


"Teka, shigilan mo sabi ako. Hanuvah! Ay—"


"Ay jusko!" Napasabunot si Rose ng buhok nang makitang sumanib si Angela kay Zilong. "Wala na, lose streak na talaga 'to." Tila stressed na pahabol ni Rose, ngunit muli itong napafocus sa cellphone niya nang makitang nabuhay na ulit ang hero nito. "Nakakainis naman 'to kalaro si mamang!"


"Hoy, echoserang palaka. Seryoso mo riyan masyado, eh, laro lang naman 'to! Isa pa, ang galaw galaw mo, kay fafa Zilong tuloy ako napapatong." Wika ni Reginaldo at saka humagikgik. "Nana, epal ka! Bakit mo ni-no-normal si fafa Zilong? Ito sa'yo! 'Yan! Pasukin mo, fafa, dali! Tapos ako pasukin mo next!"


An ally has been slain!

Enemy double kill!


Rose shot a glare at Reginaldo when both of them died. Walang ibang ginawa naman ang binata kundi ang mag peace sign na tila nang-aasar pa.


"Dalawa na kayo ni Zilong sa bot, lagi pa kayong namamatay. Report ko kaya kayo, ha?! Tapos patanggal ko na rin kay Moonton 'yung accounts n'yo?!"


"Bakla ka ng taon, no'ng nakita ko na retri Pharsa ka 'di ko na sineryoso, 'no!"


"Kasalanan ko bang bobo 'tong Harley at gusto pala mag mid ng hayop na 'to?!" Gigil na wika ni Rose at napamura nang muli siyang namatay.


An ally has been slain

Enemy double kill

Enemy triple kill!

Alluring The Fire [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon